Zsa Zsa Padilla still talks to Dolphy every day—and she gets an answer

Zsa Zsa Padilla on her reaction after finding out that her tumor is benign: “Nakanganga akong ganyan. Hindi ako makapaniwala. ’Tama ba yung naririnig ko, benign?’ Ang tagal, ang tagal bago ako napangiti. Talagang I was trying to absorb it, ‘Nananaginip ba ako? Tama ba ‘tong naririnig ko?’”


Humarap ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa isang exclusive interview kay Boy Abunda sa The Buzz kahapon, September 23.

Ito ang unang pagkakataon na nagpa-interview si Zsa Zsa sa showbiz talk show ng ABS-CBN pagkatapos yumao ng kanyang longtime partner na si Dolphy at pagkatapos niyang maoperahan upang tanggalin ang bukol sa kanyang kidney, na noong una’y na-diagnose na cancer.

Kumusta na siya?

“Okay naman, coping pa rin,” sagot ng singer-actress.

Sumang-ayon si Zsa Zsa sa sinabi ni Boy na sa dami ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na buwan ay nalaman niya kung gaano siya kamahal ng mga tao at kung gaano karami ang kanyang kaibigan.

“That’s true,” sambit ng Divine Diva.

“Sabi ko nga, palagi kong kinakapalan ang pagmumukha ko tuwing ooperahan ako.

“Sabi ko nga, third major surgery ko na ito, Tito Boy. Alam ko talaga yung power of prayer.”

ANGRY ZSA ZSA. Kumusta yung panahon pagkatapos mailibing ni Dolphy?

Saad ni Zsa Zsa, “Mahirap kasi yung unang uwi ko sa bahay, galit ako.

“At saka sabi talaga sa akin ni Karylle, yung stages of grief, pabalik-balik ‘yan.

“Naging madali talaga sa akin ang acceptance kasi, siyempre, may bargaining pa ‘yan, ‘Sana humaba pa ang buhay niya, ganito-ganyan.’

“Tapos accepted mo na and then in denial ka na naman.”

Bakit siya galit?

“I was angry… nagagalit ako pero hindi ko alam kung bakit. Pero parang dire.”

Kanino siya galit?

“Kay Dolphy… actually, nagagalit ako pero hindi ko maintindihan kung bakit.

“The next day, naintindihan ko kung bakit.

“Kasi, ‘Bakit hindi ka pa umuuwi?’ Yun ang naisip ko the next day.

“Para pala kaming may LQ [lovers’ quarrel]. Yung huwag muna tayong mag-usap.”

Hindi naman daw kinailangang may mag-interpret pa kay Zsa Zsa ng nararamdaman niya.

Patuloy niya, “The following day, I realized what I was waiting for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was waiting for him [Dolphy] to say, ‘Uy, bati na tayo. Mag-usap na tayo.’ Hinihintay ko siyang talaga.”

Sa pamamagitan lang daw ng pag-iyak naire-release ni Zsa Zsa ang kanyang emosyon.

TALIKING TO DOLPHY. Kinumpirma ni Zsa Zsa na "nakita" niya si Dolphy sa CCTV ng kanilang bahay ilang araw pagkatapos mailibing ng Comedy King.

Kuwento niya, “Oo, it was an image of him that I wanted to see. That was the day.

“The following day, I was mad. And then, the next day, parang bati na tayo.

“Sabi ko, ‘Kapag hindi kita nakita sa CCTV, hindi ako titigil.’

“So I just kept waiting for the image to change and it’s like a cloud, ganun ako nang ganun, tapos, ‘Ayan, kita na kita.’”

Kinakausap pa rin ba niya si Mang Dolphy?

“Yes, every day,” nakangiting sabi ni Zsa Zsa.

“Remember the coffee thing that I do with him? I still do it every morning. I have coffee with him.

“Kung ano nangyayari sa buhay namin, sa pamilya namin, he took part of that.”

Sumasagot si Mang Dolphy?

“He does,” mabilis niyang sagot.

“Kapag may tinanong ako sa kanya, ‘Can you show me a sign?’

“Like, I don’t know how long I can keep this house, probably two years.

“Realistically, it’s too big for us. Will I be moving?

“My time table is probably two years.

“Then, my friend of mine called me and talked to me about the development of the area… ilang minute lang pagkatapos naming mag-usap.

“So, kikilabutan kang talaga, ganoon kabilis.

“And it’s a sign for no.”

KEEPING IT TO HERSELF. Alam na raw ni Zsa Zsa ang pagkakaroon niya ng bukol sa kidney bago pa man na-confine si Mang Dolphy at naging malubha. Pero hindi na raw nila ito ipinaalam pa sa Comedy King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya hinarap ang pagkakasakit na yun?

Sabi ni Zsa Zsa, “Basta tuluy-tuloy lang ako sa mga test ko.

“June, nasa hospital na kami nun. July, nagpa-test pa ako ulit. Another CT scan just to make sure.

“Tapos, he really got sick and then he passed on.

“Then, tumawag ako sa doctor, I think birthday niya.

“Sabi ko, ‘Sumasakit. Sobrang sakit na nagra-radiate talaga sa left leg ko.’

“Sabi ko, ‘Meron ba ‘kong bato?’ Akala ko kidney stone.

“Then, sabi ng doctor ko sa Makati Med, you have a polyp as big as a golf ball. Napaupo ako nun. Nahilo ako.

“Sabi ko, ‘Oh, my god!’ Ganoon na pala kalaki, hindi ko naintindihan.

“And then, sinabi na talaga na tatanggalin at saka pa lang iba-biopsy.

“The next day, I had the strength to go to him [Dolphy]. Mahirap Kuya Boy na bumalik sa Makati Med.

“Naaamoy ko pa lang ang ammonia, sa elevator, ‘Gawin mo ‘to para sa sarili mo.’ Kinakausap ko talaga ang sarili ko.

“It’s something I had to say, prevention is cure. Katulad nga ng nangyari sa akin, dapat stage 1 cancer na hindi naman pala.

“Doctors really believe that oncocytoma tumor that they found sa akin eventually turns cancer.

“So, kung napabayaan ko ‘to, magiging cancer rin siya.”

Masayang-masaya raw si Zsa Zsa nang malaman niyang benign ang tinanggal na tumor sa kanyang kidney.

Aniya, “Nakanganga akong ganyan. Hindi ako makapaniwala.

“’Tama ba yung naririnig ko, benign?’ Ang tagal, ang tagal bago ako napangiti.

“Talagang I was trying to absorb it, ‘Nananaginip ba ako? Tama ba ‘tong naririnig ko?’”

Cancer-free na siya?

“No, I never had cancer,” paglilinaw ni Zsa Zsa.

Taon-taon nga lang daw ay kailangan niyang magpa-check-up.

ZSA ZSA’S STRENGTH. Nagpakita ng katatagan si Zsa Zsa simula pa lamang sa matagal na pagkaka-confine ni Mang Dolphy hanggang sa pumanaw na ito at hanggang sa pagharap niya sa kanyang sariling sakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero saan nga ba nanggagaling yung tatag niyang yun?

“It started when Dolphy really got sick. And I had to protect my family.

“Siguro yung mga nanay ng tahanan, we really have… sorry Kuya Boy, women are stronger than men.

“Kailangan, itataguyod ko ang pamilya ko.”

Ano nga ba ang mga natutunan niya sa mga nangyari?

“Magpakatatag talaga. Take good care of yourself. Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo sa buhay.”

Ngayon, ano ang dasal ni Zsa Zsa?

“For my family. To Lord Jesus to guide my girls all the time and for their safety.

“For myself, that I will have the stamina for all the work ahead but I’m so blessed. I’m grateful.”

“To Soar” ang kantang pinili ni Zsa Zsa na para sa kanya ay makakapaglarawan ng kung ano siya ngayon.

At sa pagtatapos ng panayam ay inawit ni Zsa Zsa ang ilang linya ng kanta ni Christina Aguillera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN