Dion Ignacio denies having a child: “Kung mapapatunayan naman na ako nga ang tatay, papanagutan ko siyempre.”

Ito ang sagot ni Dion Ignacio sa tanong na kung pagkain siya, ano klaseng pagkain siya: “Alam ko, yung medyo naughty ang gusto ninyong isagot ko. Kaya sige... sa okra, puwede ninyo rin akong ikumpara... o kaya sa upo.”


Isinalang muna sa isang sensuality workshop si Dion Ignacio bilang preparasyon sa pagganap niya sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Magdalena.

Parehong isinalang si Dion at ang kapareha niyang si Bela Padilla sa sensuality workshop, pero ayon sa Kapuso actor, hindi niya ito sinamantala.

“Siyempre, nakakahiya naman kung magte-take advantage ako. Napakabait ni Bella at professional siya," sabi ni Dion sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kahit na napakaseksi ni Bela, hindi raw “tinablan” o “nag-init” si Dion during their sensuality workshops.

“Siyempre kapag ganun ang sitwasyon, pipigilan mo ang sarili mo.

“Pero hindi ko rin naman kinailangang magpigil kasi ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, yung mapagbuti ko ang ginagawa ko...

“Na maibigay ko yung dapat kong ibigay doon sa workshop, para naman hindi ako mapahiya sa tiwalang ibinigay sa akin ng GMA.”

Ang Magdalena ang unang lead role ni Dion sa Kapuso network pagkatapos ng matagal na panahon.

Bago ito ay naging leading man siya ni Yasmien Kurdi sa afternoon soap ding Saan Darating ang Umaga (2008-2009).

Hindi ba sumama ang loob niya at ngayon lang siya ulit naging bida sa isang drama series?

Sagot ni Dion, “Wala, hindi masama ang loob ko.

"Very thankful nga ako na finally, ‘eto na nga, magbibida na rin ako.

“Nakaka-pressure at nakaka-challenge.

“Kasi nga, ang laki ng opportunity na ibinigay ng GMA sa akin... kaya gagawin ako ang lahat para hindi ako mapahiya, para mapanindigan ko ang tiwalang ibinigay nila sa akin.”



MOVING AHEAD. Avenger ng Batch 1 ng StarStruck si Dion, pero mas nauna pang nagbida sa kanya si Mike Tan na Ultimate Male Survivor ng Batch 4 ng StarStruck.

Hindi ba siya naiinggit kay Mike?

“A, hindi! Masaya nga ako para sa kanya, magkakaibigan kasi kami.

“Kami naman sa StarStruck, lahat ng mga batch, magkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya masaya kami kapag may magandang project na naibibigay sa bawat isa sa amin,” nakangiting sabi ni Dion.

Ongoing ang latest artista search ng GMA-7 na Protégé. Pabor ba si Dion sa paghahanap pa ng mga baguhang artista ng kanyang home studio?

“Okay lang yun—the more, the merrier," sagot niya.

"Hindi naman kami pare-pareho, e. Kaya bawat isa sa amin, may nababagay na role o character, kaya hindi naman kami magkakaagawan.

“At saka maganda rin naman na kung ano yung break na ibinigay sa akin ng GMA, maibigay rin sa iba.”



HEALTHY LIVING. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion sa set ng taping ng Kusina Master, kung saan nag-guest siya sa toprating cooking show ni Chef Boy Logro.

Salmon ang niluto nila during the episode, at buong pagmamalaki ni Dion na kinain niya ang niluto nila.

Tiyempo nga raw lalo’t healthy foods palagi ang kinakain niya para hindi siya tumaba at maging fit.

“Oo, mahilig kasi ako sa isda at gulay, para naman mapangalagaan ko ang katawan ko.

“Lalo sa Magdalena, medyo seksi ang show kaya hindi puwedeng mataba ako.”

Dahil tungkol sa pagkain ang show, naitanong ng PEP kay Dion kung sa anong pagkain niya maihahambing ang sarili.

“Ako sa gulay, sa broccoli. Kasi na-search ko ‘yan sa Internet, na maganda sa katawan ang broccoli.

“Puwede rin ako siguro maikumpara sa okra, kasi madulas!” sabay tawa ni Dion.

“Alam ko, yung medyo naughty ang gusto ninyong isagot ko kaya sige... sa okra, puwede ninyo rin akong ikumpara o kaya sa upo!”

COSMO BACHELOR BASH. Hindi nakarampa si Dion sa Cosmo Bash this year at ang huli niyang pagrampa ay noong 2010.

Aniya, “Hindi, medyo pumayat ako, kaya siguro next year na.

“Kailangang pinaghahandaan kasi yun para naman hindi nakakahiya.”

Walang problema kay Dion na rumampa nang topless o naka-underwear sa entablado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ba nasa tamang porma ang katawan ko at hindi naman ako mapapahiya, okay lang.

“Ginawa ko na naman yun dati sa Cosmo. Wala akong shirt pero naka-maong ako.”

Ang hindi pa nagagawa ni Dion ay ang rumampa sa anumang underwear show ng Bench.

“Hindi pa, gusto ko nga, e! Sana, sana kunin nila ako,” asam niya.



FAMILY MAN. Nilinaw naman ni Dion ang isyung may anak na raw siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Wala! Noon pa may lumabas na ganyang isyu sa akin.

"Ewan ko kung bakit, pero wala, wala akong anak," sabi niya.

Paano kung may bababeng lumantad sa publiko at i-claim na naanakan niya ito?

“Kung mapapatunayan naman na ako nga ang tatay, papanagutan ko, siyempre.

“Pero sigurado ako, wala akong anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN