Richard Poon does not care about girlfriend Maricar Reyes’s past: "I don’t see I’m any better than her."

Richard Poon on relationship with girlfriend Maricar Reyes: “Ako, I’m happy that she wants to take the risk kasi malaking responsiblidad for the man to lead her. Siyempre pag unang mali niyan, sa akin din babagsak, so I’m trying my best. Pero siya, very supportive din kasi she makes it easier for me to lead. Maganda pag ang babae mas bini-buildup ka, mas sinusuportahan ka kaysa inaaway ka.”


Marami ang nagulat nang inamin ni Richard Poon sa guesting niya noon sa Kris TV na pormal na ang relasyon nila ni Maricar Reyes.

Pero bago pa ito ay umamin na rin si Richard sa tunay na estado ng relasyon nila ni Maricar sa naging panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 4th Star Awards for Music.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman itinago ni Richard na noon pa’y nililigawan na niya ang aktres, pero hindi nasundan ng publiko ang panunuyo ng singer.

INSPIRATION. Sa bagong panayam ng PEP kay Richard, tinanong namin siya kung mas inspired siya sa mga awitin niya ngayong may masasabi nang "inspirasyon" sa kanyang buhay.

Sagot niya, “To be honest, pareho lang, kasi dati pa naman pag nagre-record ako, siya ang iniisip ko pag love songs.

“Masaya kasi it’s nice na na-build yung friendship... so itong July naging formal.

“Medyo matagal din bago naging kami. More than a year in a half.

"Kasi nung 2009, nagkita kami… after a year, hindi kami nakapag-usap.

“Noong 2010 Star Magic Ball, dun kami nagkita uli, so medyo matagal."

Bakit nagdesisyon sila ni Maricar na maging bukas na sa kanilang relasyon?

“Nung tinanong ni Kris nung interview, sinabi ko lang na kami na kasi kami na talaga noong July.

“But I don’t think personality namin na lahat io-open.

“Siguro I want to be proud of her pero ‘wag naman yung every second, every time…

“’Wag naman siguro kasi medyo private yung personality naming dalawa."

GIVE ME A CHANCE. Kumplikado at kontrobersiyal ang pinagdaanan ng buhay at pag-ibig ni Maricar.

Paano nakumbinsi ni Richard si Maricar na bigyan siya ng pagkakataon, lalo na’t may pagka-aloof ang aktres sa ibang tao?

“When I met her, si Erick [Raymundo], yung manager ko ang nagsabi, ‘You know, Richard, I think any person who would be in her shoes, medyo mag-iingat to trust.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda rin na naging friends kami nang matagal, tapos yung circle of friends namin naging pareho, kasi male-lessen yung best foot forward.”


Ipinagpapasalamat ng singer ang pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya ng kasintahan.

“Ako, I’m happy that she wants to take the risk kasi malaking responsiblidad for the man to lead her.

“Siyempre pag unang mali niyan, sa akin din babagsak, so I’m trying my best.

“Pero siya, very supportive din kasi she makes it easier for me to lead.

“Maganda pag ang babae mas bini-buildup ka, mas sinusuportahan ka kaysa inaaway ka.”

Hindi rin daw naging issue kay Richard kung anuman ang nakaraan ng girlfriend.

Ayon sa kanya, mas lalo niyang nagugustuhan ang pagkatao ng aktres habang nakikilala niya.

“I think, hindi ako magdye-generalize, pero ako lang, I think in this particular case, I don’t see I’m any better than her.

“Sa tingin ko, I made mistakes in the past din, so for me, nagkataon lang you know na right time, right place.

“Gusto ko yung buong pagkatao niya, habang nakikilala ko siya the longer, so masaya.”

Nakita na rin daw ng crooner kay Maricar ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.

“Sana. I think naman nung in-interview kami, tinanong sa akin ‘yan.

“Pag medyo bata-bata ka pa, you’re still out na you can get out of a relationship pag uncomfortable na siya.

“Pero I think it comes to a point na you want to stay good or bad.

"Mas commitment siya na desisyon, hindi emosyon lang.”



ACCEPTED. Ayon pa kay Richard, tanggap at gusto rin ng kanyang pamilya si Maricar.

“I fly to see and meet her friends, at siya naman four or five dinners na with my dad.

“So far, my sister loves her. Yung sister ko, ano ‘yan, e, mapili ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako na medyo magaan ang ate ko sa kanya… makes it very easy for me.

“Maganda na nai-involve na yung family.”

Punong-puno ng pagmamalaki at ramdam ang pagmamahal ni Richard sa girlfriend nang isa-isahin niya ang mga katangiang nagustuhan niya kay Maricar.

“Very understanding, very disciplined.

"I think nanggaling yata sa pagiging triathlete niya.

“So pag may taping siya, siya ang nauunang, ‘May taping ako bukas. Parang as much as I want to talk to you, hindi puwede.’

“Gusto ko yun, e. Gusto ko yung disiplina na ganun.

"E, grabe ang disiplina niya. I admire that.

"Pero ang daming ia-admire sa kanya, but one of them is yung disiplina niya.”



NEW ALBUM. Masaya ring binalita ni Richard na lumabas na ang kanyang bagong album na compilation ng mga pinasikat na kanta, ang The Crooner’s Song Book.

“The best yun ng tatlong albums tapos ni-record uli so mas maganda yung tunog ngayon.

"So yung pinakamagandang kanta na, inulit siya uli… ni-record siya uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN