Kris Lawrence on being a first-time dad: "Oh, my God, it’s the best feeling ever! Sobrang indescribable."

Ikinuwento ni Kris Lawrence ang naramdaman niya sa unang pagkikita nila ng kanyang anak na si Katrence: “Nung lumabas na yung baby, actually I was speechless. I couldn’t believe. When I heard the baby cry, that moment, my God, it’s like… is that my baby? That’s the only baby in this room. So that is my baby! So I looked at the baby. I saw her. When the doctor said, ‘You wanna hold your baby?’ I held the baby and I lo


Iba ang sigla ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entetrtainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, September 23.

Hindi nga maubos-ubos ang kuwento ng singer tungkol sa newborn baby nila ni Katrina Halili na isinilang noong September 18—si Katrence.

(CLICK HERE to read related story.)

Talagang sobra raw ang sayang nararamdaman ni Kris.

“Oh, my God, it’s the best feeling ever! Sobrang indescribable.

“Alam mo minsan, yung mga friends, sinasabi nila na ang sarap ng feeling.

“Kung ito yung sinasabi nila, ito yung totoong feeling talaga. You can’t put it in words.”

THE FIRST TIME. Hindi rin daw malilimutan ni Kris ang mga sandaling manganganak na si Katrina sa St. Luke’s Medical Center.

Kuwento ni Kris, “She was sixteen hours on labor.

“September 17 nang sumakit ang tiyan niya. Tapos nangananak siya ng September 18, 7 p.m.

“Nando’n lang ako. I was just sitting right next to her, holding her hands, cheering her up, saying, ‘Masakit ba, masakit ba?’

“You know, ang taas ng pain tolerance niya.

“May monitor do’n, nakikita yung contractions from zero to one hundred—one hundred is the highest. So, pumapalo ng one hundred.

“Nung lumabas na yung baby, actually I was speechless. I couldn’t believe.

“When I heard the baby cry, that moment, my God, it’s like… is that my baby?

“That’s the only baby in this room. So that is my baby!” sabay tawa ni Kris.

Patuloy niya, “So I looked at the baby. I saw her.

“When the doctor said, ‘You wanna hold your baby?’ I held the baby and I looked at the baby.

“And as soon as I held it, our eyes met. Parang yung mga mata namin, nag-connect lang.

“Lahat ng nasa paligid ko, nag-blur. Tapos yung sounds, nag-mute.

“Kami lang dalawa—as in!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAPTISM AND WEDDING. Ano ang sunod na plano nila ngayon ni Katrina?

“Next plan? We’re gonna go with the flow. We’re gonna raise the baby the best we can.

“My god, we’re so excited… sobra!”

May plano na ba kung kailan ang binyag ni Katrence?

“Binyag will be January, pagdating ng mom ko,” sabi ni Kris.

Kumpleto na raw ang listahan ng mga ninong at ninang.

Kabilang sa mga celebrity godparents na nabanggit ni Kris ay sina Jay-R, Billy Crawford, Nikki Gil, Denise Laurel, Paolo Contis, Mark Herras, Jennylyn Mercado, at Marian Rivera.

MOMMY KAT. Kumusta naman si Katrina ngayon matapos makapanganak?

“She’s maganda pa rin!” sabay ngiti ni Kris.

“Beautiful as always… more beautiful.

“Yung respeto ko sa babae, sobrang tumaas ng one thousand percent.

“Kasi nakita ko mismo, I was there the whole time from labor to delivery, to now.

“You could see what they go through. And I think every man has to see that.

“So cheers sa mga babae!”

Tutok daw sila ngayon ni Katrina sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa kanilang baby.

“We are as hands-on as we can be. Pero her mom is helping us at saka yung mga pinsan niya.”

DADDY KRIS. Ano sa mga nae-experience niya ngayon bilang bagong ama ang sa kanyang pakiramdam ay pinakamahirap?

“Uhm… I would say yung ano… the discipline part.

"At first, sabi ko, I’m gonna have to be the disciplined since gusto ni Kat mag-spoil.

“So kahit ayoko ko, alam ko kailangan na may disiplina para hindi siya [the baby] maging brat.

"Ang dami kong kilalang brat. So I don’t want my baby to be a brat.

“The hard thing is when you see her, you see her eyes, you see her cry, parang, ‘Sige na nga. What do you want, baby? I’ll just give it to you, okey na!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even though you wanna say no ‘coz you have to, parang ang hirap, you cannot.”

Ano naman yung pinaka ini-enjoy niya na part ng pagiging isang ama?

“Every moment… every moment.

“Kahit puyat ka, like in the past five days, nakaipon lang ako ng eight hours of sleep.

“Pero the sound of the baby’s cry, nawawala yung pagod mo.

“The look in the baby’s eye, nawawala talaga ang pagod mo.”

Masundan kaya kaagad si Katrence?

Napahalakhak si Kris bago sinagot ang tanong.

“Uhm… siguro let’s wait first. We’ll see.”

FOURTH ANNIVERSARY. Napag-uusapan na rin ba nila ni Katrina ang kasal?

“Yes, but we both agreed again na when it’s time, we’ll know. We’ll know.

“Right now, we’re just so happy. You know, we’ve been blessed with this bundle of joy.

“And today [September 23] is our fourth anniversary,” pagtukoy niya sa apat na taon nang relasyon nila ni Katrina.

“So, ang daming blessings. Ang daming celebrations.”

Paano nila ise-celebrate ang kanilang fourth anniversary ni Katrina?

“I think we were so overwhelmed with the baby. Halos nakalimutan nang fourth anniversary namin today.

“So si Katrence ang gift namin to each other.”

Napaka-cute ng baby nila ni Katrina. Payag kaya sila halimbawang may mag-offer agad sa kanilang anak ng product endorsements?

“Yes, of course!” sambit ni Kris.

Payag din siya na mag-artista si Katrence?

“Of course, whatever the baby wants. We’ll guide her in the right direction.

“I’m not a big fan of telling your kids what to do. Kasi kung ayaw talaga nila, they’re not gonna do it.”

Si Katrina naman, ano ang immediate plans nito matapos manganak?

“Mag-recover muna.

“Recover and siyempre, magpapapayat.

“Kasi, nakikita ko na nami-miss niyang magtrabaho. Siguro by January, she’ll be ready to work again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN