Dingdong Dantes on rumor that he has "spare tire" aside from girlfriend Marian Rivera: “I’m confident that I’m happy with my relationship and there’s no reason na gawin ko yun.”

Mariing pinabulaanan ni Dingdong Dantes ang balitang mayroon pa raw siyang ibang babae bukod sa kasintahan niyang si Marian Rivera. Sabi ng aktor, "I am very happy with my relationship with Marian right now, which leaves no room, even with a dust of possibility, for a malicious story like that to happen.”


Kababalik lang ni Dingdong Dantes mula sa ilang araw na pamamalagi sa Amerika para mag-guest sa show roon ng Manny Many Prizes.

Pero ayon sa Kapuso prime actor, nag-enjoy siya sa kanyang maikling pananatili sa States.

“Enjoy naman dahil finally, nakakain kami ng masarap after preparing for Bench.

“Tapos, nakapag-bonding kami nina Perry [Lansigan], Paolo [Luciano]... si Rochelle [Pangilinan].

“Second time ko pa lang makapag-guest sa Manny Many Prizes pero enjoy, enjoy talaga.

“At saka, it’s always a pleasure para sa akin na bumalik sa America kasi palaging magagandang memories ang nandoon.

“Nag-show kami ni Marian [Rivera, his girlfriend] dun, tapos nag-show kami nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

"So it’s always fun to be there.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa dressing room ng Studio 7 pagkatapos ng gala night ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break kagabi, September 23.



BENCH UNIVERSE. Lumipad si Dingdong patungong Amerika pagkatapos ng dalawang gabing pagrampa niya sa Bench Universe denim and underwear fashion.

Ano ang reaksiyon ni Dingdong sa obserbasyon ng marami na maganda ang naging “grand entrance” niya sa Bench Universe?

“Masaya at lalo na napi-feel mo na parte ka ng 25th year celebration nila.

“At parang almost most of my career, e, nandoon na rin ako—naging bahagi ako ng Bench.

“So very proud to be part of Bench," sagot niya.

Hindi man siya nagpaka-daring ngayon kumpara noong una niyang pagrampa sa Bench fashion show—kunsaan naka-underwear lang siya—hindi pa rin maipagkakaila na sa hanay ng mga Kapuso stars ay isa pa rin si Dingdong sa inaabangan at tinitilian ng mga tao.

Ano ang pakiramdam niya rito?

“Ang sa akin naman, malaking bagay na kasama pa rin ako sa Bench.

“Kumbaga, palagi nilang ipinaparamdam sa akin na I’m part of the family that is getting bigger and bigger.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rarampa ba siyang muli sa susunod na Bench fashion show?

“Basta definitely, nandoon ang loyalty ko sa kanila,” tugon ng aktor.

Marami namang natuwa dahil noong ikalawang gabi ng Bench Universe ay nanood ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera. Kitang-kita pa nga raw nang mag-flying kiss ang aktor sa lugar kung saan nakaupo si Marian.

“Oo, e,” pag-amin ni Dingdong.

“At saka, nandoon din ang family ko kaya inalam ko kunsaan ang puwesto niya.

“Inimbitahan ko siya at thankful naman ako na dumating siya.”



LATEST ISSUES. Diretsahan namang tinanong ng PEP si Dingdong tungkol sa ilang isyu na kinasasangkutan niya ngayon.

Ilan sa mga ito ay nagsimula bilang blind item hanggang kalaunan ay pinangalanan na rin.

Nasangkot kasi ang pangalan ni Dingdong sa paghihiwalay ng kaibigan niyang si Paolo Contis at ng asawa nitong si Lian Paz.

Ayon sa lumabas na report, patuloy pa rin daw sa pambababae si Paolo at kung minsan ay kasa-kasama pa raw nito si Dingdong. Meron din daw silang “spare tire” bilang pagtukoy sa mga babae nila.

Nandiyan din ang pagli-link kina Dingdong at Marian sa ibang mga personalidad.

Ano ang reaksiyon dito ni Dingdong?

Sagot ng aktor, “These are malicious speculations.

“I’m confident that I’m happy with my relationship and there’s no reason na gawin ko yun.”

Sa loob halos ng apat na taon nilang pagsasama ni Marian bilang magkapareha sa harap at likod ng camera, lahat na yata ng klaseng intriga ay naibato na sa kanila. Pinakabago nga itong kesyo may iba pa raw si Dingdong.

Pero nakangiting sabi ng Kapuso actor, “Baloney. I am very happy with my relationship with Marian right now, which leaves no room, even with a dust of possibility, for a malicious story like that to happen.”

Ayon sa ilan, ginagawan lang ng intriga ang relasyon nina Dingdong at Marian ngayon sa kabila ng pagiging tahimik nila at pagiging busy sa kani-kanilang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dingdong, bukod sa paghu-host ng Protégé, ay tinatapos na ang shooting ng pelikula niyang One More Try at magsisimula na ng taping para sa primetime series niyang Haram.

Malapit na ring ipalabas ang pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Si Marian naman ay malapit na ring simula ang taping ng bago niyang primetime series na Temptation of Wife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN