Rhian Ramos on possible kissing scene with Senator Bong Revilla in Indio: “Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!”

Natuto na raw si Rhian Ramos na hangga’t maaari ay magpaalam muna sa karelasyon ng makakahalikan niyang leading man sa isang proyekto. Aniya, “Actually, sa mga artista, kapag ganyang may kissing scene, hindi naman kailangang magpaalam. It’s just to be polite lang. Pero wala namang nagre-require na magpapaalam muna dapat. Kasi kahit naman ako kunwari, may boyfriend ako na artista, tapos may kissing scene siya, hindi naman kailangan na magpaalam. It’s


Kababalik lang sa Pilipinas ni Rhian Ramos galing Amerika kung saan nag-show ang Manny Many Prizes sa Universal Studios.

Excited nga si Rhian sa pagkukuwento tungkol dito nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, Linggo, September 23.

“Sa Gibson Amphitheater Universal City kami nag-show.

“Dapat kasi mga five days kami sa States. September 13 to 18 kami doon.

“Pero na-cancel yung flight namin nung 18. Nandun na nga kami sa airport.

“May nasira kasi sa eroplano. So kesa naman subukan nilang ayusin, tapos baka hindi safe, nag-stay pa kami ng isang araw."

BONDING WITH SOLENN. Nakapag-bonding din daw sila nang husto roon ng kapwa niya Kapuso na si Solenn Heussaff, na special guest sa programa.

Kuwento ni Rhian, “It was nice kasi nakapag-perform kami ni Solenn together.

“At saka nakapag-bonding kami bago mag-start yung gagawin naming project, kasi magkakaroon kami ng movie.

“So it was just nice kasi ngayon lang talaga kami nagkaroon ng time to spend together.

“Yung boyfriend ni Solenn, pinipilit mag-Disneyland. Kaso hindi na kami nag-Disneyland, nag-mall na lang kami.”

CANDY FOR KC. Kasama pala nila ang boyfriend ni Solenn. Siguro, wish din niya na nakasama ang rumored boyfriend niyang si KC Montero kung pupuwede lang?

“It would be nice!” nangiting sabi ni Rhian.

“Para travelling together kami Sosyal kasi travelling!” sabay tawa pa niya.

Ano ang pasalubong niya for KC?

“Candy!” natawa na naman si Rhian.

“Kasi favorite niya ‘yon, e—yung candy na Sour Patch Kids.

“Binilhan ko siya ng malaking bag nun. Gustung-gusto niya ‘yon, e.

“At saka sapatos. Bago niyang hilig ‘yong sapatos, e.”

Nakaramdam kaya siya ng inggit na may kasama ni Solenn ang boyfriend nito habang namamasyal nga sila?

“Hindi, carry lang.

“And si Solenn, marunong siyang mag-make up. E, kailangan ko ng help. Hindi naman ako matutulungan ni KC!” tawa ulit ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa trip nilang iyon sa Amerika, lalo raw silang naging close ni Solenn as friends. Kaya nga raw excited na siya sa pelikulang nakatakda nilang gawin under GMA Films.

“Yung working title nung movie, Sosi Problems.

“Puro kami girls sa cast. Kasama din namin sina Heart Evangelista, Bianca King, at Ruffa Gurierrez.

“Sobrang sosyal yung role ko dito. Kasi yung character ko, siya yung pinakamayaman sa kanilang magkakaibigan.”

PERMISSION TO KISS. Ang isa pang project ni Rhian ay ang upcoming fantasy series ng GMA-7 na Indio, kung saan isa siya sa leading ladies ni Senator Bong Revilla.

“Magkasama na naman kami ni Solenn do’n. So talagang important na we got to bond.

“Yung character ko sa Indio, hindi tumatanda.

“So, bata pa lang si Indio, nandun na ako, hanggang sa pag-grow up niya.”

Okey lang ba sa kanya na magkaroon sila ng kissing scene ni Senator Bong?

“Carry lang!” nangiting sabi ni Rhian.

“Basta ano… siguro basta may paalam sa asawa!” sabay tawa na naman niya, na ang tinutukoy ay ang misis ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado.

“Kasi parang mahihiya ako kapag hindi ako nagpaalam.

“Kasi ano… nagtanda na ako! Na dapat nagpapaalam pala.”

Ang tinutukoy ni Rhian na “nagtanda na” siya at dapat na nagpapaalam kapag may ganung kissing scene ay ang pagkakaroon nila ng issue dati ni Marian Rivera. Ito ay dahil sa intimate scenes nila ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes sa Pinoy remake ng Korean series na Stairway To Heaven.

“Gusto ko lang, walang problem,” nakangiting pahabol ni Rhian.

Dapat ba magpapaalam din siya kay KC kapag may gagawin siyang kissing scene?

“Siguro makukuwento ko lang, pero hindi naman paalam.

“Alam naman niyang work ito, e.

“Actually, sa mga artista, kapag ganyang may kissing scene, hindi naman kailangang magpaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just to be polite lang.

“Pero wala namang nagre-require na magpapaalam muna dapat.

“Kasi kahit naman ako kunwari, may boyfriend ako na artista, tapos may kissing scene siya, hindi naman kailangan na magpaalam.

“It’s nice lang kapag gano’n.

“E, si Ms. Lani, hindi naman mukhang kailangan na magpaalam pa sa kanya.

“Pero I think she would appreciate lang siguro.”

HAPPY. Matatagalan pa ba na nasa waiting stage si KC? Aabot pa kaya ng Pasko na loveless o wala pa ring boyfriend si Rhian?

“I don’t know. Happy naman ako sa ngayon.

“I don’t feel loveless naman, e,” sabay ngiti ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN