Annabelle Rama on decision to run for Congress: “Parang hulog ako ng Sto. Niño para sa aking mga kababayan na, alam ko, kailangang-kailangan nila ang tulong ko.”

Buo na ang pasya ng talent manager na si Annabelle Rama na tumakbo bilang kongresista sa North District sa lalawigan ng Cebu. Kahapon, September 24, ay nanumpa si Annabelle bilang miyembro ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at United Nationalist Alliance (UNA), sa harap mismo ni dating Pangulong Joseph Estrada.


Nanumpa kahapon, September 24, si Annabelle Rama kay former President Joseph "Erap" Estrada bilang miyembro ng political parties na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at United Nationalist Alliance (UNA).

Ginanap ang oath taking ni Annabelle sa tahanan ni Erap sa Greenhills, San Juan City.

Ang panunumpa ni Annabelle ang kumpirmasyon na tuloy na tuloy ang pagkandidato niya sa 2013 bilang house representative ng North District ng Cebu.

GRATEFUL TO ERAP. Nagpasalamat si Annabelle kay Erap dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.

Natuwa ang talent manager sa sinabi ng dating Pangulo na “strong contender” siya at kapwa sila mahal ng masang Pilipino.

Saad ni Annabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Erap, matagal ko nang kaibigan ’yan, at saka kaibigan talaga siya ni Eddie [Gutierrez, her husband].

“May nagtanong sa akin, ‘Anong partido ka?’

“Gusto ko talaga kay Erap kaya maraming-maraming salamat, President Erap, sa pagtanggap mo sa akin, sa pagtitiwala mo sa akin na tinanggap mo ako as UNA candidate sa Cebu North District.”

STRONG CONTENDER. Kampante si Annabelle na malakas ang laban niya bilang kongresista sa North District ng Cebu.

“Talagang malakas,” sambit niya.

“Hindi sa pagyayabang, kasi sa pag-ikot-ikot ko sa Cebu, sa mga pulong-pulong, iba, e. Masa ang nakuha ko.

“Ang tawag nila sa akin, ‘idol.’ Niyayakap nila ako at inaabangan nila ako sa mga bahay-bahay nila.

“Pagpunta ko sa mga bahay-bahay nila, nasa labas na sila, nag-aabang sa akin.

“Yun naman ang aking parang basis kung ituloy ko ba ang pagtakbo ko o kailangan ba na umatras ako.

“Pero nakikita ko ang magandang reception sa akin ng masa. Talagang galing sa puso nila.

“Gusto ko nang magserbisyo sa kanila.”

Dagdag pa ni Annabelle, “Two months and a half na akong nag-iikot sa lugar namin. Napulsuhan ko na kailangan nila ng pagbabago.

“Sabi ko, pagbigyan nila ako. Three years lang naman ang term ng congresswoman, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi sila nagkagusto sa akin ng three years, i-kick out nila ako.

“As of now, sa pag-iikot ko, alam ko na ang mga problema ng mga kababayan ko sa Nortn District.”

"LOUD SPEAKER" OF CEBU. Dahil sa kanyang pagiging outspoken, handa na rin daw si Annabelle na maging “loud speaker” ng Cebu.

“Handang-handa na ako. Ipaglalaban ko ang aking mga kababayan sa Cebu.

“Actually, ang apo ko, si Lorin, anak ni Ruffa, siya talaga ang nagsasabi sa akin na kailangan magpagawa ako ng mga library sa barangay, lalagyan ko ng lamesa at chairs.

“May drawing pa siya sa akin. Kailangan may mga computer pa.

"Susundin ko ang gusto ng apo ko. Saka magandang suggestions ‘yan para sa mga bata.

“Yung pinakaproblema doon sa aking constituents sa Cebu, sa North District, ang drainage. Pinaka-importante talaga ’yan. Una kong gagawin ’yan."

Pangako pa niya, “At sa mga kababayan ko sa Cebu, yung suweldo ko sa aking pagiging talent manager, kalahati ise-share ko sa lahat ng mga barangay.

“Kung ano ang mga problema nila doon, na alam ko na maraming-marami silang problema na iso-solve, na hindi nagawa doon sa kabila.”

PRAYED FOR HER DECISION. Ipinagdasal daw ni Annabelle ang desisyon niyang sumabak sa pulitika.

Kuwento niya, “One morning, bigla ko na lang naisipan na...

“Nabalitaan ko yung sa ano, kung saan ako lumaki, sa Asilo Medallo Milagrosa.

“Parang gusto ng mga opisyal na magtayo ng flyover at i-demolish ang Asilo.”

Ang Asilo Medallo Milagrosa ay ang bahay-ampunan kung saan lumaki si Annabelle.

Patuloy niya, “Nababasa ko sa mga magazine, yung mga kasamahan ko na bata, siyempre mga bagong bata na ‘yon, doon ako lumaki.

“Kawawa ang mga bata, pati ang mga madre, kapag nawala ang Asilo.

“Siyempre idinasal ko sa Sto. Niño kung dapat ba akong tumulong.

“One morning, sinabi ko kay Eduardo na gusto kong tumakbo sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, tamang-tama, bakante yung slot ng house representative ng North District ng pinsan kong si Mayor Mike Rama.

“Nalaman ko na bakante yon, ako na ang nag-apply.

“Noong una, ayaw ng pinsan ko, pero nakita niya na malakas at sincere ako kaya tinanggap ako.

“Matagal din ha, one month din. Parang akala nila naglalaro lang ako.

“Parang hulog ako ng Sto. Niño para sa aking mga kababayan na, alam ko, kailangang-kailangan nila ang tulong ko.”



GIVE ME A CHANCE. May pangako rin si Annabelle sa kanyang mga kababayan.

“Wala akong alam sa pulitika. Siyempre hindi ako magiging kawatan, hindi ako magiging magnanakaw, hindi ako magiging corrupt.

“Bago lang ako sa career na ’yan.

“Sabi ko nga sa mga kababayan ko, pagbigyan nila ako this time, for a change, iluklok naman nila ako.

“Pero sabi ko, huwag naman nila gawin na 23 years kasi by that time, corrupt na ako. Marami na akong natutunan.

“Nakiusap ako na, at least, first term lang.

“Kapag nagustuhan nila ako, e, di bahala na sila. Gusto ko lang makatulong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN