Senator Bong Revilla on possible "clash" in Cavite between son Jolo and Senator Ping Lacson’s son: "Ang importante, walang below the belt. Maging patas ang laban."

Ipinagdiriwang ngayong araw, September 25, ni Senator Bong Revilla ang kanyang ika-46 na kaarawan. Ayon sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. “And sabi ko nga, ano pa ba ang hihilingin ng isang Bong Revilla? Nasa akin na at ibinigay na lahat ng Panginoon."


Ngayong araw na ito, September 25, ang ika-46 na kaarawan ni Senator Bong Revilla.

Pero kagabi, September 24, ginanap ang selebrasyon sa Diamond Hotel sa Manila.

Dinagsa ito hindi lang ng mga kaanak at kaibigan ng actor-politician kundi ng iba pang personalidad mula sa mundo ng showbiz at pulitika.

Sa gitna ng kasiyahan ay nagpaunlak ng panayam si Senator Bong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“Happy ako sa lahat ng bagay, sa mga ginagawa ko, at nangyayari sa akin ngayon,” bungad niya.

“Hindi ko masyadong pinuproblema ang buhay. Basta ako, happy lang.

"Ang importante sa atin, mapaligaya natin yung ibang tao.”

BALANCING ACT. Parehong matagumpay ang takbo ng kanyang showbiz at political career. Hindi ba mahirap magbalanse nito?

Sagot ni Senator Bong, “It’s just time management. Kailangang balance lahat.

“Katulad ko, bilang senador, kailangan magawa mo ang lahat ng trabaho mo at hindi naaapektuhan.

“Kumbaga, nasa showbiz ako, ayokong may masasabi na, ’O, pinabayaan mo ang trabaho mo bilang senador.’

“Nakikita naman nila yung performance ko sa Senado. Maging ang mga nagawa ko, kita nila.

"Bagamat gumagawa ako ng pelikula, nagpe-perform tayo as senator.

“Bumabagay dito yung pagiging Libran ko, e. Di ba, balancer? So, nababalanse ko."

Patuloy niya, “And sabi ko nga, ano pa ba ang hihilingin ng isang Bong Revilla? Nasa akin na at ibinigay na lahat ng Panginoon.

“A… kung may hihilingin pa man ako, siguro hindi na para sa akin, e—for my son Jolo.

"Ang wish ko, sana manalo siya. At saka si Lani for her re-election."

Si Jolo ay kakandidato sa susunod na taon bilang vice governor ng Cavite, samantalang ang misis naman ni Senator Bong na si Lani ay tatakbong muli bilang kongresista ng Bacoor, Cavite.

SENATOR RAMON REVILLA SR. Ang ama ni Senator Bong na si former Senator Ramon Revilla Sr. ay natutuwa naman daw sa mga nagiging achievements niya at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Senator Bong, “Very proud siya sa akin.

"Every time na makikita niya ako, every time na dinadalaw ko siya, umiiyak siya.

“Sabi niya sa akin palagi, every time na makikita niya ako, ’I’m proud of you son.’ Palaging ginagano’n niya ako.

“So, nakakalaki ng puso.

“Isa lang ang hiling niya sa akin—palagi ko siyang dadalawin.

"Kaya palagi akong dumadalaw sa kanya. At least thrice or four times a week—kung kaya ko, hangga’t kaya ko.

“Siyempre, ang dami ko ring trabaho.”

Kumusta na ba ang kasalukuyang kundisyon ng kanyang ama?

“Okey naman, ang laki na ng improvement niya. Happy siya,” sabi ni Senator Bong.



JOLO REVILLA. Si Jolo ay talagang pursigido nang pumalaot nang husto sa pulitika. Kahit medyo bata pa ay tila handang-handa na ito sa susuunging hamon ng pagiging isang public servant.

Pahayag ni Senator Bong tungkol sa anak, “Bata pa si Jolo, six o seven years old, namimigay na ng relief goods ‘yan.

"Ang liit pa niya, makikita mo talaganga nasa dugo niya, e.

“Hanggang nag-edad siya ng ten, sumasama sa akin ’yan.

"During Centennial celebration, nung gobernador [ng Cavite] ako, siya ang kasama ko with FVR [former President Fidel V. Ramos] noon sa Independence Day.

“Bata pa lang ‘yon, gigising ng alas-singko o alas-sais ng umaga, just to be with me. Sumasama siya sa mga ginagawa ko.

"Makikita mo talaga sa kanya.”

REVILLA VS. LACSON. May balitang posible ring tumakbo bilang vice governor ng Cavite ang anak ni Senator Ping Lacson na si Ronald Jay Lacson.

Dahil dito, hindi malayong magkaroon ng isyu sa pagitan nina Senator Bong at Senator Ping. Pinagtatapat din kasi ngayon ang dalawang senador na posible ring maging magkatunggali sakaling kapwa tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Ano ang reaksiyon dito ni Senator Bong?

“Politika lang naman ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang sa akin, ang importante, walang below the belt. Maging patas ang laban.

“Kumbaga, friendly competition lang.

"Eventually, ang magde-decide diyan… taong-bayan.

“Hindi naman kami dapat intrigahin ni Senator Ping. Okey lang naman sa akin ‘yon, e.

"Kung maibigan ng anak niya na lumaban sa anak ko, palabanin nila. No problem.

“Ang mga Caviteño ang magdidesiyon niyan. Ipaubaya natin sa kanila ‘yan.”

JOLO-JODI-PAMPI. May isa pang anggulo sa posibleng paghaharap nina Jolo Revilla at Ronald Jay Lacson sa eleksyon sa susunod na taon.

Si Ronald Jay ay kapatid ni Pampi Lacson, na nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Si Jodi ay nababalitang karelasyon ngayon ni Jolo.

Tinanong ng PEP si Senator Bong kung gaano kalaki ang magiging involvement ni Jodi sa pagtatapat na ito nina Jolo at Ronald Jay?

“Sana nga, huwag nang ma-drag pa si Jodi sa aspeto na ‘yan.

"Basta ako, naniniwala sa kakayahan ni Jolo na maglingkod bilang bise gobernador," sagot ng actor-politician.

Sa tingin niya, masaya ba si Jolo ngayon kay Jodi?

“Baka lalo tayong maintriga diyan sa mga Lacson!” napahalakhak na biro ni Senator Bong.

Okey lang naman siguro sa kanya kung sinuman ang gustuhing makarelasyon ni Jolo?

Sabi ni Senator Bong, “As much as possible, ayokong manghimasok sa personal nilang buhay.

“Jolo is old enough. Siguro naman makakapagdesisyon na siya para sa buhay niya. Alam niya ang tama at mali.

“Basta ang importante dito, e, maging masaya siya.

"At kung sinuman ang ibigin niya at umibig sa kanya, masaya na rin ako for him. ‘Yon lang.”

SENATOR BONG’S POLITICAL PLAN. Nangiti si Senator Bong nang matanong kung ano naman ang kanyang political plan pagkatapos ng kanyang ikatlong termino bilang senador.

“2016 pa ‘yon!” sabay tawa niya. “Antayin na lang natin.”

Posible bang tumakbo siya bilang Vice President o kaya ay Presidente na ng Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe in destiny... we don’t know.

“Basta kung anuman yung ibulong sa akin ng Panginoon, pakikinggan ko.

“Sa ngayon, magtrabaho muna tayo. Mag-perform.

"Basta hindi ako hadlang sa present administration. Susuporta tayo sa programa nila.

“Siyempre para sa mga kababayan natin ito. Iisang bangka ang sinasakyan nating lahat, e.

"Kapag lumubog ‘yan, lubog tayong lahat. So, hindi ako magiging hadlang sa kanila."

MOVIE WITH VIC & JUDAY. Kinumusta rin ng media kay Senator Bong ang pelikula nilang tatlo nina Vic Sotto at Judy Ann Santos, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si Ako, na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival 2012.

“Nakaka-seventy percent na kami.

"Napakagandang pelikula kaya abangan ninyo. At talagang mas riot ito kesa sa unang ginawa namin ni Vic.

“Ang saya-saya. Iba!” bulalas niya.

Parehong malakas ang box-office appeal nila ni Vic. Ngayong pinagsama ulit sila, tapos with Judy Ann Santos pa, posibleng ma-break ng pelikula nila ang existing box-office record.

Ano ang reaksiyon ni Senator Bong dito?

“Well, abangan na lang natin. Tingnan natin.

“Mahirap magsalita, baka may sumama ang loob!” napahalakhak na biro ni Senator Bong.

INDIO. May gagawin ding fantasy series sa GMA-7 si Senator Bong, ang Indio.

Banggit niya, “Mag-i-start ako ng taping sa October 3. Next year ipalalabas ito.

“Year 1500 magsisimula ang istorya nito so ibang look. At ibang Bong Revilla rin ang aabangan ng televiewers.

“Dumaan ako sa… nag-workshop ako kay Direk Laurice [Guillen] at kay Pen Medina.

"Kakaiba yung role ko dito. Abangan n’yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN