Baron Geisler feels that people are “slowly” getting past his bad image

Masaya si Baron Geisler dahil bukod sa sunud-sunod ang dating sa kanya ng mga proyekto, unti-unti raw kasi ay nakakalimutan na ng mga tao ang negatibong imahe niya noon. “Slowly, slowly nawawala yung takot nila sa akin,” sabi ng aktor.


Masaya si Baron Geisler dahil sa tuluy-tuloy na dating ng proyekto sa kanya simula nang magbalik-showbiz siya noong 2011.

Saad ng aktor, “God is so good, you know.

“Talagang it inspires me to just really save and do well sa trabaho ko.

“Kung nagtino ako sa trabaho ko, e, di sana matagal nang maganda.

“Pero kung hindi nangyari ‘yon, hindi ako matututo, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa story conference ng upcoming TV5 fantasy series Kidlat sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City, kahapon, September 24.

NEW TV SHOW. Isang TV show na naman ang bagong pagkakaabalahan ni Baron sa mga darating na buwan.

Siya kasi ang main villain sa Kidlat, na pagbibidahan nina Derek Ramsay, Ritz Azul, at Nadine Samonte.

Kaya naman, ayon sa aktor, “I feel blessed, e. I feel very blessed and thankful.

“Punung-puno ng gratitude ang puso ko dahil… I thank the industry, Channel 5, for giving me this.

“Somehow it’s a break, e, it’s a big break for me, e.

"Kasi ang character ko dito is the main villain of a big star, si Derek Ramsay.

“I’ll do my best, na not to let them down, para malay mo in the future, maging Kapatid na talaga ako.

"But I’m happy na maganda ang welcome nila sa akin.”

Sa ngayon kasi ay per project pa lang ang kontrata ni Baron sa TV5.

Pero kung mabigyan ng “good deal,” hindi raw siya magdadalawang-isip na pumirma ng kontrata sa network.



CLEAN IMAGE. Isa rin sa mga pinaghandaan ni Baron noong mga nakaraang linggo ay ang Cosmo Bachelor Bash na ginanap noong Setyembre 18.

Isa siya sa mga artistang rumampa at natuwa raw siya sa naging pagtanggap ng mga tao sa kanya.

Biro pa nin Baron, “I starved myself for like one week. After that, todo lechon, todo steak, burger!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayon daw, mas magiging “health buff” na siya, lalo na’t matinding puyatan ang mararanasan niya sa paggawa ng bago niyang project.

Ngunit ang pinakamahalaga raw ngayon kay Baron, pagdating sa kanyang career, ay ang malinis ang dati niyang pangit na imahe.

“Kasi the good projects are there, e, it’s just the pagtingin sa akin ng tao, e.

“Pero dahan-dahan, slowly, slowly nag-iiba na, e.

"Nag-Cosmo Bash ako, winelcome ako ng tao, winelcome ako… like I went to the mall yesterday, may mga teenagers na naghe-hello sa akin.

“So, parang okay, slowly, slowly, they’re starting to parang… slowly, slowly, nawawala yung takot nila sa akin,” nakangiting pagtatapos ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN