Derek Ramsay excited to work on his first teleserye with TV5

Sisimulan na ni Derek Ramsay sa susunod na buwan ang paggawa ng kauna-unahan niyang TV series sa Kapatid network, ang Kidlat. Sabi ng hunky actor, “I’m really, really excited to start taping!”


Ilang shooting days na lang ang bubunuin ni Derek Ramsay para sa pelikulang A Secret Affair.

Kasama niya rito ang dating leading lady niya sa No Other Woman (2011) na si Anne Curtis at ang bagong Viva talent na si Andi Eigenmann.

Pero pagkatapos gawin ang pelikula, isang TV show naman sa TV5 ang pagkakaabalahan ni Derek.

Ito ay ang Kidlat kunsaan makakasama niya sina Ritz Azul, Nadine Samonte, at Baron Geisler.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa pictorial ng A Secret Affair noong Setyembre 21, nakapagbigay na ito ng reaksiyon sa mga bagong leading ladies niya.

“Pabata nang pabata ang leading lady ko, nakakabaliw!” natatawang sabi ng aktor.

FIRST SERIES WITH TV5. Pagdating naman sa kanyang unang serye sa TV5 ay "excited" na rin daw si Derek

“This is going to be my first time, so I’m really excited.

“I love working with new people, and while I work with new people, I learn something.

“Talagang I watch how they work, how they perform, and I get bits and pieces from them to better myself.

“They are two beautiful women and I can’t wait to start working with them," pagtukoy pa niya sa Kapatid stars na sina Nadine Samonte at Ritz Azul.

Nakapanayam ng PEP si Derek sa story conference ng Kidlat kahapon, Setyembre 24, sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City.

A BIT OF PRESSURE. During the story conference, nabanggit ng TV5 head for creative and entertainment production na si Perci Intalan na habang binubuo ang konsepto ng show ay si Derek ang naisip nilang magiging bida nito.

Tuwang-tuwa naman ang aktor at sinabing ito ang “first time” na gaganap siya sa ganitong role.

“It’s touching that they think I’m the one who can portray this.

“I don’t usually work with pressure, but there is a little bit of pressure here knowing this is a first.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But just a little bit of pressure, I don’t like to get the pressure involved with my work.

“So it is also touching that the director said that all of us were handpicked, and this is the best cast that he can put together for this new project.

“So I’m really, really excited to start taping!”

Dagdag pa ni Derek, matapos makausap ang ilan sa cast ng Kidlat ay lalo siyang na-excite, lalo na’t may mga baguhan at komedyante siyang makakasama.

AMAZING RACE. Bukod sa Kidlat, isa pang dapat abangan na proyekto ni Derek sa TV5 ay ang reality show na Amazing Race Philippines.

“It’s just me being myself, you know,” sagot ng aktor nang tanungin kung paano naging kakaiba para sa kanya ang paghu-host ng Amazing Race Philippines.

“It’s also the reason why I made the transfer. They keep saying it is about pera, pera, pera—hindi ako mukhang pera.

“I just want to do something where going to work, you have a smile on your face.”

Mahilig kasi talaga sa sports si Derek.

Kaya naman sa opinyon niya, ang Amazing Race Philippines at ang pagko-cover ng London Olympics 2012 ay isang oportunidad na hindi niya mapapalampas.

“It is a once-in-a-lifetime opportunity for me to do that, I get to do it pa in London.

“That was a hard decision for me to make, a hard opportunity for me to let it pass.”

Ang tinutukoy ni Derek ay ang paglipat niya mula ABS-CBN papuntang TV5.

Kung kaibahan naman niya sa Amazing Race host na si Phil Koeghan ang pag-uusapan, ito ang sagot ni Derek: “I’m very different from Phil.

“Phil is like stern, para siyang man of power na talagang stiff.

“I’m more of a laidback, I play mind games with the contestants, sometimes I’m smiling, sometimes I’m angry sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nobyembre raw ang alam ni Derek na target airing date ng Amazing Race Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN