Grace Lee on life after short-lived romance with the President: “My private life is what it used to be—what I always aspired for it to be.”

Ayon sa TV5 reporter na si Grace Lee, kahit kailan ay hindi siya nagbago maging noong na-link siya kay Pangulong Noynoy Aquino. Aniya, “It’s still the same old me. Pero siguro, mas hindi na siguro ako binabatikos, or wala na masyadong mga isyu na lumalabas sa ngayon dahil medyo off the radar na ako. Pero yung pakikitungo ko sa media, or kahit sinuman, hindi nagbago yun dahil ayoko namang magbago dahil sa batikos sa akin dati. That would defeat the whole purpose of wh


Naging masaya ang pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa TV5 reporter na si Grace Lee, sa opening ng isang Korean restaurant sa may University Mall, Taft Avenue, Manila, noong September 18.

Ayon kay Grace, kahit purong Korean siya ay “Pinoy at heart” naman ang kanyang pakiramdam.

“Oo naman, matagal na akong Pinoy at heart.

“Dahil siguro, first reason, I grew up here, ang tagal ko na dito.

“This is my twentieth year, so talagang ano... na-inculturate na talaga ako.

“And on top of that, it’s so easy to love our country—and when I say our country, I refer to the Philippines. So, yun.

“Home for me is Philippines.”

Kaya naman pinag-aaralan talaga daw niya ang pagta-Tagalog para maipakita niyang seryoso siya sa kanyang pagsasabing “home" is the "Philippines.”

Dagdag pa niya, “Oo, nagnu-news na ako ng Tagalog, di ba, sa TV5?

"Meron akong Good Morning Club and Andar Ng Mga Balita sa Aksyon TV41.

“So, dun talaga Tagalog ang ginagamit ko para sa news reporting.”

CO-WORKERS. Puring-puri naman ni Grace ang kanyang mga bagong katrabaho sa Kapatid Network.

Saad niya, “Wonderful, dahil lahat ng mga kasama ko dun—sila Tiyang Amy [Perez], sila Chiqui [Roa-Puno], si Mamu Tin [Christine Bersola-Babao], Paolo Bediones, Cheryl Cosim—all very wonderful people.

“At lahat naman sila, mas senior sa akin pagdating sa news reporting. Kaya ang dami kong natutunan sa kanila at napaka-willing nilang tulungan ako.

“Marami silang feedback, whether it’s a corrective feedback... lagi silang ganun every day.

“So it’s a learning process every day at napaka-blessing nun sa akin.

“Dahil sa puntong ito ng career ko, it’s very difficult to enter into a new industry, new sector of the industry.”

IN LOVE WITH HER WORK. Sa ngayon, masaya na raw si Grace at “in love” siya sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “No, I’m not in love. Oh, well, yes... it’s a very general question.

“I am in love with my work, with my family, with my friends.

“I’m in love with life in general, and I’m really enjoying the time I have right now.

“Especially na lumipat ako ng istasyon, so nag-a-adjust pa ako. Medyo body clock ko nag-a-adjust pa dahil maaga ako nagigising.

“Ngayon, 3:30 a.m. nagigising na ako.

“So I’m in love with life in general, pero kung tinutukoy n’yo, meron ba akong isang idini-date—wala, e.”



COOKING FOR FRIENDS. Bukod sa pagiging Korean, kaya siya napiling endorser ng Korean restaurant na Che’s Noodle ay mahilig din kasing magluto ni Grace.

Katunayan, noong mainit pa ang isyu ng ligawan sa pagitan nila ni President Noynoy Aquino, lumabas ang balita na ipinagluluto ni Grace ang Pangulo.

Ngayong tuluyan nang naputol ang kanilang ugnayan, sinu-sino na kaya ang ipinagluluto ni Grace?

Natatawa niyang tugon, “Wala akong… actually yung mga ipinagluluto ko ngayon ay yung mga kaibigan ko, dahil I have discovered a new recipe book.

“Kasi pag bumibili ako ng recipe book, halos kalahati nung librong yun, niluluto ko, lalo na pag magustuhan ko yung chef.

“And yung mga guinea pigs ko, mga kaibigan ko. So mga friends ko, tuwang-tuwa sa akin. Lahat sila tumataba.”



STILL THE SAME PERSON. Sa puntong ito kaya ay masasabi niyang bumalik na sa normal ang kanyang buhay?

Seryosong sagot nito, “My private life is what it used to be—what I always aspired for it to be.”

Ibig bang sabihin nito ay marunong na siyang mag-handle ng mga issue? Or naturuan na ba siya sa pag-handle ng mga intriga ng kanyang manager na si Arnold Vegafria?

Natatawang sagot ni Grace, “Naturuan ako ni Arnold? Actually, hindi. Si Arnold, go lang nang go, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin, wala namang nagbago, kasi I realized that I really can’t please everyone.

“And now, if I changed who I am, for the few people who might not be happy with a kind of person I am—how can I live my life, di ba?

“So I haven’t changed who I am, or how I deal with media. I haven’t.

“It’s still the same old me.

“Pero siguro, mas hindi na siguro ako binabatikos, or wala na masyadong mga isyu na lumalabas sa ngayon, dahil medyo off the radar na ako.

“Pero yung pakikitungo ko sa media, or kahit sinuman, hindi nagbago yun dahil ayoko namang magbago dahil sa batikos sa akin dati.

“That would defeat the whole purpose of what I was fighting for.”

Ano ang pinakamasakit na batikos o isyu ang naibato sa kanya? Ito kaya ay ang Ferrari issue?

Paliwanag niya, “’Yang Ferrari issue, hindi…masakit siya because…

"Ito, sa lahat ng mga nag-interview sa akin na reporter, nung tungkol sa Ferrari issue—at may lumabas pang pangalan na ex-boyfriend ko pa—may very close akong reporter na nagsabi sa akin, ‘Alam mo, ngayon lang kita na-interview tungkol sa isang issue na nakita kong affected ka. Kasi dati hindi ka naman affected sa mga issue.’

“Kasi I laugh it off with all the other reporters tuwing interview.

“Pero ito, ‘Affected ka, bakit?’

“Sabi ko, ‘Dahil hindi lang ako ang nadadamay, hindi lang ako ang nasisira. Sinisira ninyo mga ibang tao sa buhay ko, whether yung tao na yun naging parte ng buhay ko dati.’

“Di ba, parang unfair?

"That’s why I was affected because I didn’t want people I love in the past to be negatively affected because of what I’ve been going through.

“Parang unfair naman talaga yun, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN