Ritz Azul on having Derek Ramsay as leading man: "Sinabi ko na dream ko lang ‘yon, ngayon nagkatotoo na."

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng young actress na si Ritz Azul sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng TV5 na makapareha ang hunky actor na si Derek Ramsay. Sabi ni Ritz, “Thank you siyempre sa TV5 for the opportunity and thank God sa chance na ganito, and I’m looking forward na, ‘yon nga, magkakatrabaho nga kami ni Derek, na dati sinabi ko sa interview na siya ang gusto ko maging kasama, maging leading man. At sinabi ko na dream ko lang ‘yon, ngayo


Isang “dream come true” para kay Ritz Azul na maging isa sa mga leading ladies ni Derek Ramsay sa upcoming series ng TV5 na Kidlat.

“Wow!” bulalas ng Kapatid young actress nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon niya.

“Kanina nga, nag-iisip na ako ng sasabihin ko, puro ‘wow’ lang talaga ang sasabihin ko.

“Hindi, siyempre hindi lang wow, siyempre sobrang feeling blessed ako.

"And alam mo yung feeling na thank you, thank you... parang wala kang masabi kundi thank you.

“Thank you siyempre sa TV5 for the opportunity and thank God sa chance na ganito.

"And I’m looking forward na, ‘yon nga, magkakatrabaho nga kami ni Derek, na dati sinabi ko sa interview na siya ang gusto ko maging kasama, maging leading man.

“At sinabi ko na dream ko lang ‘yon, ngayon nagkatotoo na.

"Talagang feeling ko, sobrang dream come true na naman sa akin.”

Nakausap ng PEP si Ritz sa story conference ng Kidlat sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City, noong September 24.

THANK YOU. Lubos naman ang pasasalamat ni Ritz dahil buhat nang magsimula siya sa showbiz ay hindi siya nawawalan ng projects.

Lalo na raw at tila bawat pangarap niyang mangyari sa kanyang career ay ipinagkakaloob ng home network niya.

Ani Ritz, “Siyempre, as an artist, parang feeling so blessed talaga ako, na bawat mapuntahan kong show, yung dream ko nagiging totoo.

"Bawat nasasabi ko sa interview, yung next kong project, ‘yon ang nangyayari.

“So, parang wala talaga akong masabi kundi thank you talaga, yung nadidinig agad yung gusto mo.

“Parang isang bata na humihiling sa tatay na agad ibinibigay, parang gano’n yung feeling.

“So ito, kakaiba na naman, na sigurado ako na mae-enjoy ko talaga.”

NEW RITZ. Ang magiging direktor ng Kidlat ay si Mike Tuviera, na nagmula sa bakuran ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, nilinaw ni TV5 head for creative and entertainment production na si Perci Intalan na "per project basis" pa rin si Mike, tulad ng iba nilang direktor.

Matapos kausapin ni Direk Mike si Ritz, sinigurado raw ng direktor sa kanya na "ibang Ritz" na ang mapapanood ng publiko sa Kidlat.

Dalawang programa na ng Kapatid network ang pinagbidahan ni Ritz—Mga Nagbabagang Bulaklak (2011) at Glamorosa (2011)—kaya naman mas lalo siyang “na-excite” na simulan ang Kidlat dahil panibagong “challenge” na naman ito sa kanya bilang isang artista.

Pero natutuwa man ang young actress, aminado siyang mayroong “pressure” na kaakibat ang bagong oportunidad na ito.

Katunayan, “nangingiyak-ngiyak” na nga raw siya habang pinapakinggan ang mga bilin ng kanilang direktor.

Paliwanag ni Ritz, “Kasi kung maririnig mo yung mga sinabi niya, parang ang laki-laki ng gusto nila dito sa show.

“So, parang pressured na pressured ako and, iniisip ko, sana makaya ko ‘to.

“Kasi siyempre, nasa loob ko, parang ito nga, baguhan ako, then ibinigay na ng TV5, pinagkatiwalaan ako ng TV5 na gawin itong role na ‘to.

“So, sobrang salamat talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN