Bela Padilla keeps mum about rumored relationship with Neil Arce: "Hayaan n’yo munang maging tao ako paminsan-minsan."

Nilinaw ni Bela Padilla na bagamat tinanggap niya ang mapangahas na role sa afternoon series na Magdalena, hindi nangangahulugan na panay sexy roles na ang gagampanan niya. Aniya, “I don’t want want to give the impression that I’m gonna start doing sexy roles because of Magdalena. It’s just that I’m doing a sexy role now. Then, after this, let’s see where I can go. I don’t wan


Tikom ang bibig ni Bela Padilla tungkol sa kanyang lovelife.

Sa press conference ng pagbibidahan niyang GMA-7 afternoon drama series na Magdalena, tinanong si Bela kung mayroong magseselos dahil tatlo ang kanyang leading men dito: sina Dion Ignacio, Ryan Eigenmann, at Pancho Magno.

Natawa lamang ang Kapuso actress at sinabing, “Wala naman.”

Sabi pa ni Bela, ang trabaho sa showbiz ay hiwalay sa kanyang personal na buhay.

“My work has been here with me.

“It’s been instilled in me for so long that I only answer to myself and my mother—that’s it.

“If it’s okay with me and my mom, then it’s okay.

“I’m super focused in my career right now. It’s like, this is the only thing I will really invest on.

“This is the only thing that I will stay up for kahit hanggang 8 a.m. the next day.

"Ito pa rin talaga yung first calling ko. Ito pa rin yung first love ko.”



MUM ABOUT HER LOVELIFE. Kamakailan ay nagsalita si Maxene Magalona tungkol sa nababalitang relasyon ng dati niyang boyfriend na si Neil Arce at ni Bela.

Ayon kay Maxene, sinabi mismo ng dating kasintahan ang tungkol sa kanila ni Bela. Ito ay dahil nanatili silang magkaibigan ni Neil pagkatapos ng kanilang breakup.

(CLICK HERE to read related article.)

Subalit sa press conference kagabi, September 24, pinili ni Bela na huwag nang magsalita tungkol dito.

Gusto raw niyang maging pribado pagdating sa kanyang mga personal relationships.

Paliwanag pa ni Bela, “Kasi parang lahat ibinibigay ko na sa showbiz.

“Lahat ng hingin ninyo sa akin, gagawin ko. Talagang game na game ako sa eksena, kahit huli n’yo akong pauwiin, una n’yo akong padatingin, okay lang.

“Pero yung mga little information, hayaan n’yo munang maging tao ako paminsan-minsan.”

Nang tanungin kung “in a relationship” siya ngayon, ngumiti lamang si Bela at sumagot ng: “Let’s just say I haven’t been this happy in a while.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LEAD ROLE. Bukod sa masayang lovelife, isa pang ikinatutuwa ngayon ni Bela ay ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Kapuso network para maging bida sa isang teleserye.

Simula sa Oktubre, isang bida-kontrabida ang role na gagampanan ni Bela sa GMA Afternoon Prime series na Magdalena.

Bagamat ilang beses na siyang naging bahagi ng mga teleserye, maituturing pa rin daw na malaking pressure ang bagong TV project para kay Bela.

“Hindi ko nga alam, e, parang nalilito ako,” sabi niya.

“Parang nawiwindang ako sometimes na, ‘Am I doing my scenes right?’

“Minsan nagtatanong na ako, ‘Am I doing it right?’

“I want it to be perfect talaga. Kapag may kulang, talagang natutulala ako.

“Ayaw kong may magkulang kahit one percent lang.”

Bukod sa pagde-deliver ng tamang pag-arte para sa kanyang role, challenge din daw para kay Bela ang expectations niya sa kanyang sarili at ng mga tao sa paligid niya.

Pahayag niya, “Natsa-challenge ako dahil parang ang lakas ng expectation ko sa sarili ko, ang taas.

“Tapos nakikita ko yung people around me, ang taas din ng expectation about me.

“I think ‘yon talaga ang challenge—to meet everyone’s expectations.”



STRONG CHARACTER. Sa teaser ng Magdalena, kapansin-pansin na gaganap ng isang sexy role si Bela dahil papasok siya sa mundo ng escort service.

Pero sa halip na sexy character, mas gusto ni Bela na isang strong character ang makita sa gagampanan niyang role.

“Actually, ayaw ko siyang i-tag na sexy. Gusto kong isipin na matapang.

“Nae-excite ako doon sa part na matapang kasi hindi pa ako nakagawa ng ganung character," sabi niya.

Sa pamamagitan ng pagganap niya bilang Magdalena, umaasa si Bela na, “Makita ang sarili ko nang matapang.

“Honestly, hindi pa lumalabas yung side na ‘yon sa totoong buhay ko.

“Gusto kong makita kung paano ba ako kapag naging matapang na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano ba ako kapag finally ipinagtatanggol ko na yung sarili ko or paano ba ako kapag kaya ko nang lumaban para sa sarili ko.

“Hindi lang kayo ang mag-aabang, pati ako aabangan ko ‘yon.”

Bagamat gagawin na niya ang role katulad ng sa Magdalena, hindi naman daw ibig sabihin nito ay puro sexy roles na ang susunod niyang proyekto.

Sabi ni Bela, “I think I can still go back to the roles that I’ve done before, if they want to give me those roles.

“It’s not the start of something shocking, you know.

“I don’t want want to give the impression that I’m gonna start doing sexy roles because of Magdalena.

“It’s just that I’m doing a sexy role now. Then, after this, let’s see where I can go.

"I don’t wanna think, like, after this, all my roles are gonna be like sexy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN