Jolo Revilla on being seen with Jodi Sta. Maria in Hong Kong: “Masasabi natin doon, what you see is what you get.”

Pinili ni Jolo Revilla na umiwas sa mga katanungan kaugnay sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria. Paliwanag ng actor-politician, “I just want to make my personal life private.”


Buo ang suporta ni Senator Bong Revilla Jr. sa plano ng anak na si Jolo Revilla na tumakbo bilang bise gobernador ng Cavite sa 2013 elections.

Tiwala raw ang senador sa kakayahan ng anak na pamunuan ang mga Caviteño. (CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ng kanyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon, mayroong usap-usapan na tuluyan nang tatalikuran ni Jolo ang showbiz.

Nilinaw naman ito ng young actor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media sa birthday celebration ng kanyang ama kagabi, September 24, sa Diamond Hotel, sa Maynila.

Ani Jolo, sa ngayon ay magko-concentrate muna siya sa pulitika, pero hindi niya tuluyang iiwan ang showbiz dahil “dito tayo nagsimula, e, dito tayo nakilala.”

ON JODI STA. MARIA. Samantala, inalam din ng entertainment press kay Jolo kung makakasama ba niyang mangampanya sa eleksyon ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

“Hindi pa natin alam,” maikling sagot ni Jolo.

Si Jodi ang napapabalitang karelasyon ngayon ni Jolo.

Posibleng makalaban ni Jolo sa pagka-bise gobernador ng Cavite ang anak ni Senator Ping Lacson na si Ronald Jay Lacson.

Si Ronald Jay ay kapatid ng estranged husband ni Jodi na si Pampi Lacson.

Kaya naman sa buong interview, ilag si Jolo sa mga tanong patungkol kay Jodi.

Paulit-ulit ang sabi niya ng: “Ayaw ko muna pag-usapan ‘yan.”

Aniya pa, “I just want to make my personal life private.”

Pero mayroon pa rin ilang tanong na nakalusot sa mga pag-iwas ni Jolo.

Katulad na lamang nang tanungin siya tungkol sa mga lumabas na larawan niya, kasama si Jodi at anak nitong si Thirdy, habang nagbabakasyon sa Hong Kong.

Matatandaan na noong makapanayam ng PEP si Jodi ukol dito, hindi siya nag-deny na nagpunta siya ng Hong Kong. Pero hindi rin kinumpirma ng Kapamilya actress kung kasama ba niya doon si Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

Ang pabirong sagot naman ni Jolo dito, “Masasabi natin doon, what you see is what you get!”

Giit pa niya, wala naman siyang “inaamin o kinu-confirm” tungkol sa relasyon nila ni Jodi.

Basta ang masasabi lamang daw ni Jolo, “masaya” siya sa kanyang buhay ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN