ABS-CBN rules 34th Catholic Mass Media Awards

ABS-CBN sitcom Toda Max was named Best Comedy Program at last night’s 34th Catholic Mass Media Awards. The main cast of the show—(L-R) Robin Padilla, Pokwang, Angel Locsin, and Vhong Navarro—came in full force to accept the award.


Naging maningning ang 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap kagabi, September 25, dahil sa pagdalo ng mga celebrities mula sa ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Napuno ng manonood at mga bisita ang Star Theater sa CCP Complex, Pasay City, para sa taunang awards night.

Ang CMMA ay nagbibigay ng parangal para sa TV, radyo, at pelikula.

HALL OF FAMERS. Unang pinarangalan ang mga programa na naluklok sa Hall of Fame ng CMMA.

Si Mel Tiangco ang nag-representa sa 24 Oras (GMA-7) para sa Best News TV Program category; samantalang si ABS-CBN President Charo Santos-Concio naman ang representative ng Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) para sa Best TV Drama Program category.

Bahagi na rin ng Hall of Fame ang Dr. Love ng DZMM para sa kategoryang Best Radio Counseling Program.

KAPAMILYA RULES. Pinakamaraming awards na napanalunan ang ABS-CBN—siyam sa TV at siyam sa radyo.

Kaibilang sa mga napanalunan ng ABS-CBN sa TV category ay ang mga sumusunod: Best Drama Series - Budoy; Best Drama Series (Special Citation) - Dahil sa Pag-ibig; Best Comedy Program - Toda Max; Best News Magazine Program - Patrol ng Pilipino for "Monasteryo"; Best News Magazine Program (Special Citation) - Failon Ngayon; Best Children and Youth Program - Wansapanataym; Best Children’s Program (Special Citation) - Matanglawin; Best News Program - TV Patrol Weekend; at
Best Station ID - Pinoy Summer Da Best Forever ft. Sarah Geronimo & Gerald Anderson.

Sa Radio category naman, nanalo ang DZMM ng mga sumusunod: Best Radio News Program - Patrol Balita Alas Dose; Best News Commentary - Failon Ngayon; Best Special Event Coverage - Teleradyo’s "Baha sa Bulacan Coverage"; Best News Program - Radyo Patrol; Best Public Service Program - Radyo Negosyo; Best Counseling Program (Special Citation) - Usapang Kapatid; Best Entertainment Program (Special Citation) - Music and Memories; Best Entertainment Program (Special Citation) - Todo Todo Walang Preno; at Best Business Commentary - Sikap Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST COMEDY PROGRAM. Full force ang main cast ng Toda Max na sina Robin Padilla, Vhong Navarro, Pokwang, at Angel Locsin nang tanggapin nila ang award para sa Best Comedy Program.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang media ang lead stars ng sitcom, sinabi ni Pokwang, "Masayang-masaya kami kasi sa kabila ng kami ay napapagod sa aming taping, nakakapagbigay kami ng saya. Super proud kami kasi magwa-one year pa lang kami, ang Toda Max, at may mga blessings agad."

Hirit naman ni Angel, "Nakakahiya pala pag hindi tayo nanalo kasi kumpletong-kumpleto tayo. Awa po ng Diyos..."

Dagdag naman ni Vhong, "Sabi nga po ni Idol [Robin], kaya pala ipinadala dito para may tagapalakpak pag nanalo ang ABS-CBN shows."

Iba ba ang pakiramdam na nanalo ang Toda Max sa Catholic Mass Media Awards?

Ani Robin, "Siyempre, kasi ang Toda Max, nabuo ’yan dahil sa moral values. Maraming kumukontra sa amin dati dahil sinasabi nila hindi magtatagal ’yan dahil puro moral values. Pero dahil dun, kami ay napansin pa sa... masasabi natin, na isa sa mga pinakamatindi na awards."

Kapansin-pansin ang ginawang pag-mano ni Robin sa Bishop na nagpresent ng award sa kanila.

Kuwento ni Robin, "Ako po ay lumaki sa Catholic school at nag-aral. Alam ko po ang pagbibigay-pugay sa Cardinal, lalo na sa Bishop. Isang bagay yun na dapat ay gawing tama."

GERALD ANDERSON. Si Gerald Anderson ay nagsilbi bilang presenter ng ilang awards kasama ang young actress na si Charee Pineda.

Kinilala bilang Best Station ID ang "Pinoy Summer Da Best Forever" kunsaan kinanta ni Sarah Geronimo ang theme song at nag-rap naman si Gerald.

Ang "advoca-serye" ni Gerald na Budoy ang hinirang na Best Drama Series.

Ani Gerald tungkol sa achievement na ito ng Budoy, "Nakakatuwa, nakaka-proud kasi lahat ng binuhos namin na hardwork nag-pay off at napansin rin ng mga tao kaya overwhelming."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIVE AWARDS FOR TV5. Limang awards ang nakuha ng TV5 mula sa CMMA.

Ang Extreme Makeover Home Edition ay nanalo sa Best Public Service category.

Ang USI (Under Special Investigation) ay nakakuha ng two special citations: isa para sa "Ang Katapusan" episode sa Best TV Special at ang isa naman ay para sa "Sendong" episode sa Best Special Event Coverage category.

Ang Talentadong Pinoy ay nanalo sa Best Entertainment Program category.

Ang Pinoy Explorer ay nagkaroon ng special citation sa Best Adult Educational/Cultural Program category.

Dumalo si Paolo Bediones bilang representative ng TV5.

PRESENTERS. Ang iba pang personalities na nagsilibing presenters kagabi ay sina Ted Failon, Ken Chan, Marvin Agustin, Rovilson Fernandez, Arnold Clavio, Howie Severino, Mel Tiangco, Korina Sanchez, at MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares.

Pati ang mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola ay bahagi ng programa bilang presenters.


Ang mga komedyante na sina Maey Bautista at Betong Sumaya naman ang nagsilbing hosts sa gabi ng parangal. Sina Maey, Betong, at Rovilson Fernandez rin ang tumanggap ng award para sa GMA News TV show nila na Ang Pinaka na nanalong Best Adult Educational/Cultural Program.


Nanalo naman ang isa pang GMA News TV program, ang Tonight with Arnold Clavio, sa Best Talk Show category.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa 34th Catholic Mass Media Awards:


CMMA HALL OF FAME:

Best News TV Program - 24 Oras (GMA-7)
Best TV Drama Program - Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)
Best Radio Counseling Program - Dr. Love (DZMM)


TELEVISION

Best Drama Series - Budoy (ABS-CBN)
Best Drama Series (Special Citation) - Dahil sa Pag-ibig (ABS-CBN)
Best Comedy Program - Toda Max (ABS-CBN)
Best Entertainment Program - Talentadong Pinoy (TV5)
Best TV Special (Special Citation) - USI for "Ang Katapusan" (TV5)
Best Special Coverage (Special Citation) - USI for "Sendong Episode" (TV5)
Best Public Service - Extreme Makeover Home Edition: Philippines (TV5)
Best Adult Educational/Cultural Program - Ang Pinaka (GMA News TV)
Best Adult Educational/Cultural Program (Special Citation) - Pinoy Explorer (TV5)
Best News Magazine Program - Patrol ng Pilipino for "Monasteryo" (ABS-CBN)
Best News Magazine Program (Special Citation) - Failon Ngayon (ABS-CBN)
Best Children and Youth Program - Wansapanataym (ABS-CBN)
Best Children’s Program (Special Citation) - Matanglawin (ABS-CBN)
Best Talk Show - Tonight with Arnold Clavio
Best Branded TV Ad - P&G’s "eStudyante"
Best News Program - TV Patrol Weekend (ABS-CBN)
Best Station ID - Pinoy Summer Da Best Forever ft. Sarah Geronimo & Gerald Anderson (ABS-CBN)


MUSIC

Best Secular Song - "Dahil Sa ’Yo" by Juris
Best Music Video - Choose Philippines for "Piliin Mo Ang Pilipinas" (ABS-CBN)
Best Secular Album - Panaginip by Noel Cabangon
Best Inspirational Album (tie) - Pilgrimage of Faith and My Sweet Serenade
Best Inspirational Song - "Pilgrimage of Faith"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FILM

Students’ Choice Award For Best Picture - Ikaw Ang Pag-ibig


RADIO


Best Radio News Program - Patrol Balita Alas Dose (DZMM)
Best News Commentary - Failon Ngayon (DZMM)
Best Special Event Coverage - DZMM Teleradyo’s "Baha sa Bulacan Coverage" (DZMM)
Best News Program - Radyo Patrol (DZMM)
Best News Program (Special Citation) - Mga Pangunahing Balita (DZRH)
Best Educational Program - Art 2 Art (DZRH)
Best Public Service Program - Radyo Negosyo (DZMM)
Best Drama Program - Pagsarmingan (Bombo Radyo)
Best Counseling Program - The Love Clinic (Rx931)
Best Counseling Program (Special Citation) - Usapang Kapatid (DZMM)
Best Entertainment Program - The Afternoon Cruise (Mellow)
Best Entertainment Program (Special Citation) - Music and Memories (DZMM)
Best Entertainment Program (Special Citation) - Todo Todo Walang Preno (DZMM)
Best Business Commentary - Sikap Pinoy (DZMM)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN