Vicki Belo on ex-boyfriend Hayden Kho Jr.: "Mahal ko pa rin yun kahit papaano. Hindi ko pa nao-over-over."

Bagamat aminado si Dra. Vicki Belo na nakikipag-date siya ngayon, wala pa siyang masasabing partikular na "exclusively dating." Paliwanag niya, “Kasi I’m still looking for… I’m trying to look ng older [guy]… kasi yung mga nag-a-apply, puro younger [sa akin]. Sabi ko, ‘Ano ba yan?’ So, gusto ko older.”


Proud si Dra. Vicki Belo na parami nang parami ang mga celebrity na nagtitiwala sa Belo Medical Group para masolusyunan ang kanilang beauty issues and problems.

Kabilang nga sa celebrities na sumailalim sa Belo beauty treatments and procedures sina Coco Martin (power peel skin treatment), Jennylyn Mercado (Glutathione IV injection), Phoemela Barranda (breast augmentation), at Grace Lee (arms smart liposuction).

Sabi nga ni Vicki, “Nakakatuwa kasi talagang feeling ko, to be chosen by them, especially that Belo has been around for twenty-two years...

“I knew some of you may think we’re kind of new… but twenty-two years in the business that means a lot of experience.

“And for people like Phoem, Grace, Coco or Jen, na yung mukha at katawan nila ang puhunan, the trust they gave to Belo is a big honor, di ba?

“But I’d like to point out that only 10 percent of our patients are moviestars or TV stars, 90 percent are ordinary people.

“Kasi nahihiya yung iba, feeling nung iba baka pang-artista lang.

“When you go to Belo, mae-experience ninyo yung services ng Belo and we try to make every Filipino feel they are important.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Dra. Belo sa presscon para sa pinakabagong kampanya ng Belo Medical Group na Beauty Issues.

Ginanap ito kahapon, Setyembre 25, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



LOVE ISSUES. Nagagawan ng solusyon ni Vicki ang beauty issues niya at ng ibang tao. Pero paano naman niya hinaharap ang kanyang love issues?

“Loveless ako ngayon, e. Ewan ko under recovery pa yata ang heart ko,” biro ni Vicki.

“Nag-aano lang ako… nagde-date, going out. Pero wala akong boyfriend ngayon.”

Matatandaang Pebrero ng taong ito nang tuluyang makipag-break si Vicki sa longtime boyfriend niyang si Hayden Kho Jr., matapos nilang ianunsiyo ang kanilang engagement noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas ang iba’t ibang isyu kaugnay ng third party na kinasangkutan ng aktres na si Nancy Castiglione sa parte ni Hayden.

Na-link naman si Vicki sa mga kaibigan niyang sina Al Galang at Edward Mendez.

Natigil lang ang isyung ito matapos patawarin ni Vicki si Hayden. Pero pinili na lang ng celebrity doctor na makipagkaibigan sa dating nobyo.

Sa mga idine-date ni Vicki ngayon, meron na ba siyang maikukunsiderang “exclusively dating?”

“No exclusive dating, that’s the whole point.

“Kasi I’m still looking for… I’m trying to look ng older [guy]… kasi yung mga nag-a-apply, puro younger [sa akin]. Sabi ko, ‘Ano ba yan?’

“So, gusto ko older.”



MISSING HAYDEN? Matagal din ang pinagsamahan nila ni Hayden, mahal niya pa rin ba ito? Hindi niya ba nami-miss ito?

“Si Hayden… mahal ko pa rin yun kahit papaano. Hindi ko pa nao-over-over.

“Pero alam mo, madaming nangyayari ngayon. He’s doing something and I’m doing mine.

“Once in a while we see and talk to each other pero friends na lang,” paglilinaw ni Vicki.

Ano ang masasabi niya na gustong bumalik ni Hayden sa showbiz?

“Well, dati sinabi ko I’m so anti it. Pero ngayon na… alam ko kasi talaga hilig niya ito [showbiz], e.

“Gusto niya talagang umarte, gusto niyang kumanta. So, I’m happy for him.

“Lalo na ngayon na wala pa yung lisensiya niya, hindi pa naibalik. Parang ano pa ba ang gagawin niya, di ba?”

Kinansela ng Philippine Regulation Commission (PRC) ang medical license ni Hayden noong Agosto 2011 dahil sa “immoral, dishonorable and unethical conduct” nang kumalat ang sex videos niya sangkot ang ilang female celebrities.

Nananatili namang “revoked” ang status ng license to practice medicine ni Hayden bagamat pinagtibay na kamakailan ng Court of Appeals Second Division ang ruling ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 noong January 25, 2011, na ibasura ang kasong violation of Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act na isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KATRINA HALILI. Hindi rin pinalagpas ng PEP na hingan ng reaksiyon si Dra. Belo tungkol sa panganganak ni Katrina kamakailan.

Matatandaang naugnay noon si Katrina sa dating nobyo ni Dra. Belo na si Hayden.

Sabi ng cosmetic surgeon, “Well, congratulations on your baby. I’m sure super cute yun, di ba? Maganda naman siya at sexy.”

Dating endorser ng Belo si Katrina, tatanggapin pa ba niya ito kung sakaling lumapit sa kanya ang aktres para magpa-lipo at matanggal ang mga taba nito mula sa panganganak?

“Siguro hindi na. Ayoko na talaga [maintriga]. Less talk, less mistake.

"Basta ayoko na. Huwag na sa akin,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN