Maja Salvador describes relationship with Matteo Guidicelli after their breakup: "Civil lang."

Maja Salvador describes her closeness to Kim Chiu: “Si Kim kasi, alam niya yung mga problema ko rin po na parang minsan... kasi mabilis akong mapalapit sa mga tao, kahit sa kaibigan. Tapos, siya sinasabi niya na minsan ibalanse ko raw. Huwag daw masyadong todo-bigay yung trust... ganoon.”


Isang anak-mayaman ang ginagampanang papel ng young actress na si Maja Salvador sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak.


Ito raw ang unang beses na gaganap siyang mayaman.

“Sa halos lahat ng seryeng nagawa ko, hindi ako doon mayaman.

“Ito ang first time na ang role ko ay isang mayaman tapos mayabang.

“Ang character ko rito, katulad po sa isang mamahalin at matingkad na sapatos. Pero yung sapatos na yun, nasa loob lang ng kahon, hindi laging ginagamit.

“Tapos yung character ko pa rito, hinahanap kung saan talaga ako nababagay, kung saan talaga ako dapat na lumugar.

“Kasi parang yung character ko, hindi buo rito, e.

"Parang nasa akin na lahat—mahal ako ng magulang ko na nag-adopt sa akin, binibigyan nila ako ng mga mamahaling gamit...

“Lahat nasa akin na, pero pakiramdam ko may kulang pa rin sa pagkatao ko.

“So, parang anong mangyayari pag yung matingkad at mamahaling sapatos na yun, lumabas sa kahon?” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Maja sa pocket presscon ng Ina Kapatid Anak noong Lunes, September 24, sa Whitehouse Restaurant sa Quezon City.



WITH VETERAN ACTRESSES. Si Janice de Belen ang gumaganap na adoptive mother ni Maja sa Ina Kapatid Anak. Ang veteran actress naman na si Pilar Pilapil ang gumaganap na lola ng young actress.

Natutuwa si Maja na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang batikang aktres.

“Ang dami-dami ko kasing natututunan sa kanila. Tapos parang gina-guide nila ako.

“Kasi after ng eksena namin, tinatanong ko sila, ‘Okey lang po ba yung ginawa ko, yung atake?’”

Maipagmamalaki rin daw ni Maja ang istorya ng Ina Kapatid Anak.

“Kasi masasabi ko na talagang pinag-isipan. Magagaling ang mga scriptwriters na gumawa nito.

“Kapag nagbabasa ako ng script, pati ako nae-excite sa mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang pati ako, gusto ko nang mabasa yung ano week five.

“Ako, sisiguraduhin ko, hindi ko man mapapanood every day yung show namin, naka-tape sa bahay para masubaybayan ko itong napakagandang teleserye.”



BEST FRIENDS. Kapwa bida ni Maja sa Ina Kapatid Anak ang best friend niyang si Kim Chiu, na kung i-describe niya noon ay parang isang bata.

“Pero ngayon," ayon kay Maja, "ilang taon na rin kaming magkaibigan, so nakita ko na nag-mature si Kim.

“So, kung dati konting ano lang, umiiyak siya, ngayon, kaya niya nang i-control yung feelings niya kung kelan siya iiyak.

“Masasabi ko pong woman na si Kim sa pagtrato sa buhay niya ngayon.”

Bilang best friend niya si Kim, natural na kapag may problema si Maja ay dinadamayan siya nito at pinapayuhan.

Ano yung isang payo sa kanya ni Kim na masasabi niyang tumatak sa puso at isipan niya?

“Si Kim kasi, alam niya yung mga problema ko rin po na parang minsan...

"Kasi mabilis akong mapalapit sa mga tao, kahit sa kaibigan.

“Tapos, siya, sinasabi niya na minsan ibalanse ko raw. Huwag daw masyadong todo-bigay yung trust... ganoon."



CO-STARS. Si Enchong Dee naman ang kapareha ni Maja dito sa Ina Kapatid Anak.

Nagkakasama na ang dalawa sa ASAP 2012 kaya close na sila kahit ngayon pa lang daw sila magkakasama sa isang serye.

Kapag may naririnig daw si Maja na may problema si Enchong ay binibigyan niya ito ng payo.

“Magbibigay ako ng payo pero parang ikaw na ang bahala [masolusyunan ito]," sabi niya.

Award-winning actress na ngayon si Maja dahil sunud-sunod na parangal na natanggap niya para sa pelikulang Thelma ngayong taon.

Marami tuloy ang nagsasabi na sa kanilang apat na bida sa Ina Kapatid Anak, siya raw ang mas mapapansin o magsa-shine.

Wika naman ni Maja, “Siyempre po, may awards na tayong natanggap, ganyan. Pero hindi naman porke’t may award nang naibigay sa akin, e, ako na agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, masasabi ko na sa aming apat, pare-parehas, sabay-sabay na magsa-shine.

“Kasi nakikita ko kung paano nagpi-prepare sina Enchong, Xian [Lim], especially Kim.

“Ako, nakasama ko si Kim at Xian sa My Binondo Girl. Nakita ko yung ibang Kim at Xian dito sa Ina Kapatid Anak.

“And siyempre kay Enchong, napapanood ko siya sa mga teleserye niya, tapos mayroon pa yung mga MMK [Maalaala Mo Kaya] niya, di ba?

“Ako ang masaya magtrabaho sa Ina Kapatid Anak dahil nakikita mo willing ibigay lahat.

“Yung best talaga namin, pagsama-samahin para makagawa ng isang magandang project.”



LOVELIFE. Sa huli, tinanong ng PEP si Maja kung may nanliligaw na sa kanya pagkatapos nilang maghiwalay ni Matteo Guidicelli.

“Wala pa,” sagot niya.

Nag-e-effort ba si Matteo para makipagbalikan sa kanya?

“Nag-e-effort talaga?” natatawang tanong ni Maja.

“Walang ganoon. Ako, ngayon, happy ako na maging single.”

Friends ba sila ni Matteo?

“Civil lang," maikling sagot ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN