Nadine Samonte "looking forward" to and "excited" about new project with TV5

Hindi direktang sinagot ni Nadine Samonte kung naging mas “fulfilled actress” ba siya matapos niyang lumipat sa TV5. Ang masasabi lamang daw niya, "Sa bawat ginagawa ko, sobrang pa-fulfill nang pa-fulfill.”


Hindi na bago sa paggawa ng mga fantaserye ang Kapatid star na si Nadine Samonte.

Maski kasi noong nasa GMA-7 pa siya’y nagbida na siya sa ilang fantaserye; tulad ng Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa, (2005), Darna (2005), at Super Twins (2007).

Kaya naman “excited” siya sa gagawin niyang proyekto ngayon sa TV5, ang Kidlat, kung saan makakasama niya sina Derek Ramsay at Ritz Azul.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa story conference ng Kidlat noong Setyembre 24 sa Gateway Suites, Cubao, Quezon City.

Maaksyon ang bagong show na ito ni Nadine, at ganito raw ang genré na gustung-gusto niyang ginagawa.

Aniya, “This is my dream role, yung may mga action na eksena, ‘yon talaga yung gusto ko.

“Kaya kapag nagpa-fantaserye ako, tuwang tuwa ako, kasi alam ko nandun yung mga takbuhan, may labanan, ganyan. Gustung-gusto ko ‘yon.”

WORKING WITH DEREK. Unang beses na makakatrabaho ni Nadine si Derek sa isang proyekto.

Masaya raw siyang makatrabaho ang aktor, pero mas masaya raw siya sa pagkakaroon ng panibagong TV series.

Ang huling TV show ni Nadine sa Kapatid network ay ang Valiente, na nagtapos nito lamang Hunyo.

“Happy naman ako kasi at least new work,” sagot ni Nadine nang tanungin ang kanyang reaksiyon sa bagong TV project niya.

“Kasi sa akin naman, ang pinakamasaya para sa akin, e, yung trabaho and it follows na yung mga makakasama ko.

“Lalo na kung yung mga nakatrabaho ko na before, siyempre mas masaya kasi mas magaan na ‘yon, madali na.

“Sobrang happy ako kasi sobrang big project ito with TV5, yung Kidlat, tapos parang talagang ipu-push nila nang sobrang bongga.

“Tapos second, siyempre first time ko makakatrabaho si Derek. First time ko makakatrabaho yung ibang artist.

“So looking forward ako and excited.”

FULFILLED ACTRESS. Kabi-kabila ang mga proyektong ginagawa ngayon ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa TV5 sa tiwalang ibinibigay sa kanya.

“Happy, sobra, sobrang happy!” bulalas ng Kapatid actress.

“Sobrang I’m thankful, kasi nabigyan ako ng opportunity na ganito kagandang show, yung mga ibinigay sa akin, magaganda yung show…

“Sobrang happy lang ako, sobrang blessed lang ako na kahit papaano, napa-stop man ako ng sandaling panahon, heto na naman ako na malaking project.

“So, sobrang happy ako.”

Masasabi kaya ni Nadine na simula nang lumipat siya sa TV5 ay mas naging fulfilled siya bilang aktres?

Sandaling huminto si Nadine at saka sumagot: “Sa bawat ginagawa ko, sobrang pa-fulfill nang pa-fulfill, alam mo yung gano’n?

“So ito, fulfilled na naman ako, yung masasabi ko na after ng project na ‘to, mas fulfilled na naman ako.

“Kasi bawat project na ginagawa ko, bawat show, padagdag nang padagdag yung kaalaman ko, paiba nang paiba yung characters, pabigat nang pabigat yung role.

“So, mas kaabang-abang for me, mas looking forward lagi kung ano yung next, yung gano’n.”

Abala rin ngayon si Nadine sa paggawa ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na Mga Kuwento ni Lola Basyang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN