Enzo Pineda wants to do mature roles: "Kailangang mag-graduate na ako sa teenybopper image at pa-cute.”

Hindi naman daw basta pagiging daring lang ang gusto ni Enzo Pineda na gawin. "It’s parang more on macho type na mas mature na," aniya.


Matapos ang pagrampa ni Enzo Pineda na naka-underwear lang sa katatapos na Bench Universe: The 2012 Denim and Underwear Show, inaasahang tuluyan na nga niyang paninindigan ang pagkakaroon ng imahe na medyo daring na.

“It was a whole different experience for me,” sabi ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Linggo, September 23 sa Party Pilipinas.

“Ang daming tao na sumisigaw para sa ‘yo. Fulfilling siya. And worth it yung lahat ng effort na ibinuhos ko dito.

“Siyempre, you’re walking sa arena na naka-underwear lang. ’Tapos thousands of people are watching. Of course, nakakailang.

“And it takes focus and confidence, di ba? So nagawa ko naman ‘yon. And I’m just so happy.”

Ang expectation nga sa kanya pagkatapos niyon ay mas magiging mapangahas pa nga siya pagdating sa pagpapakita ng katawan.

“Malamang!” sabay ngiti niya. “Ginusto ko ito, e.

“At the same time, it’s not basically daring. It’s parang more on macho type na mas mature na.

"Kailangang mag-graduate na ako sa teenybopper image at pa-cute.”

At simula na raw ito sa pelikulang Basement na ginagawa niya ngayon.

Married man na may other woman ang character na ginagampanan niya rito.

“Actually, patapos na kami ng shooting. Hopefully after this, soap naman ang kasunod para tuluy-tuloy lang ang trabaho.

“Pero happy ako sa work ko ngayon, kasi nagagawa ko siya nang tama. At the same time, when it comes to acting, I’m really trying to improve.

“’Ayun! Parang… I just have to keep pushing myself.”

INSPIRING EACH OTHER. Happy siya sa work. Mukhang happy rin naman siya sa lovelife.

“Oo naman!” sabay tawa ni Enzo.

Patuloy lang daw na inspirasyon nila ng rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes ang isa’t isa.

“Gano’n pa rin kami. Na when it comes to work, we just have to focus first.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kami ni Louise, we really appreciate what we have right now.

"And ayaw naming hindi mapagbuti ang kung anumang work na ibinibigay sa amin right now.

“Minsan lang yung mga ganitong opportunities na ibinibigay sa amin. So, we really have to make the most out of it.

"At the same time, inspired kami. Parang wala na kaming hihilingin pa.

“You know, we just have to work hard. Kasi unti-unti na naming naa-achieve yung mga pangarap namin,” nakangiting saad pa ni Enzo.

TIME FOR EACH OTHER. Patapos na ang One True Love na pinagbibidahan nina Louise at ng ka-loveteam nito na si Alden Richards.

Kaya malamang na habang naghihintay ng bagong project ang aktres, may time na ito para sa kanila ni Enzo.

“She deserves to have a break. Mahirap din ang may soap. Halos araw-araw ang taping. Nakikita ko nga siya lately parang pumapayat," sabi ni Enzo tungkol kay Louise.

“Nai-stress siya. Minsan wala siyang driver. Galing pa siya ng Cavite going to GMA.

“Wala namang problema kung yung time namin for each other ang pag-uusapan.

"Like ngayon nga, magkasama kaming nagsu-shoot ng Basement. Kahit hindi kami ang magka-partner, at least magkasama kami sa isang project.”

May plano na ba siya sa sandaling mag-break from work si Louise?

Something like, pagbabakasyon out of town or out of the country?

“Hindi ko pa alam. Bahala na.

“Lumalabas naman kami kung minsan. We do have dinner also with her family.

“Hindi kami nakakapanood ng movie together. Wala na talagang time, e. Late na kami natatapos sa trabaho. Wala na namang open na sinehan kapag midnight na.

“Usually pagkatapos naming kumain, uwian na. Kasi pagod na, e," kuwento ni Enzo.

DOING SOMETHING DIFFERENT. Sa Party Pilipinas, dati ay sayaw lang ang kanyang ginagawa kasama ang iba pang Kapuso stars. Nitong Sunday, sumabak na rin siya sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Pinag-rap ako.

“Ok sa akin yung gano’n na may konting singing din. Para maiba naman.

“Kasi ako, gusto ko rin naman talagang kumanta. Gusto kong mag-rap. Something different for me.

"At the same time, challenging din for me if I do something different.”

May plano rin siyang maging isang recording artist?

“Oo naman. Why not? Malay mo, di ba?

"Malay mo next year, biglang magka-album ako,” nangiting sabi pa ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN