Xian Lim on why he gave Kim Chiu a Prada bag: "Gusto ko lang malaman niya na palagi siyang nasa isip ko, ganoon."

Marami ang nakakapansin na mailap daw si Xian Lim dahil hirap itong magtiwala. Sabi naman ni Xian tungkol sa “trust issue: “Natawag na lang siguro na trust issue. Pero hindi naman ganoon... more to myself kasi ako, e. Yung masaya na akong mag-isa… ganoon kasi ako, e.”


Buhay na buhay na naman ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu na huling napanood at kiniligan sa My Binondo Girl.

Muling pinagsama ng ABS-CBN ang dalawa sa bagong teleseryeng Ina Kapatid Anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa presscon ng Ina Kapatid Anak noong Lunes, September 24, sa Whitehouse Restaurant, Quezon City.

Tinanong namin ang young actor kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit click ang tambalan nila ni Kim.

Sagot niya, “Yung sinasabi ko dati na siguro dahil kumportable kami sa isa’t isa, yung trust namin sa isa’t isa, hindi kami yung parang may itinatago.

“Kung mayroong ilangan, halimbawa magkaeksena kami, sasabihin ko lang sa kanya, ‘Kim, nahihiya ako!’”



NEW CHALLENGES. Dito sa Ina Kapatid Anak ay gumaganap si Xian bilang si Liam, na love interest ni Kim sa papel na Celine.

Ano ang challenges para kay Xian ng bago niyang character?

“Ang challenges siguro para sa role ko yung mayroon akong kapatid. Kasi wala naman akong kapatid sa totoong buhay.

“My whole life, ako lang mag-isa, kasama ko lang yung nanay ko.

“’Eto, very caring sa kapatid, sa baby sister ko [Maja Salvador].

"So, iyon yung parang saan ko kukunin yung ganoon—na maalaga sa kapatid gayong hindi ko naman na-experience yung ganoon since wala nga akong kapatid."

Dagdag ni Xian, “Isa pa siguro yung makatrabaho ko yung mga veterans, kasi ang dami nila rito, e.

“Yung nakatrabaho ko lang sa My Binondo Girl si Miss Pie [Cherry Pie Picache]. E, dito, sina Tito Ronaldo [Valdez], Tita Pilar [Pilapil], Tito Eddie [Guttierez]...

“Sa totoong buhay nga, pag nakikita ko sila, kinakabahan na ako. What more kapag nakakasama ko pa sila sa mga eksena.

“So, iyon yung isa rin sa mga challenges, kasi hindi pa ako na-expose sa kanila."

WORKING WITH VETERAN STARS. Ano ang pakiramdam ni Xian nang malaman niya na marami silang veteran stars na makakasama sa kanilang bagong teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sago ng young actor, “Nung story conference pa lang namin para sa Ina Kapatid Anak, kinabahan na ako noon kasi nakita ko kung sino ang mga makakasama ko.”

Kumusta naman ang working relationship niya sa mga veteran actors?

“Nakakatuwa nga, kasi ako siyempre, nung mga first few taping days, hindi ko pa alam kung ano yung ie-expect ko, e.

“Hindi ko alam kung puwede bang mag-engage sa conversation nila, kasi hindi ko alam kung paano ko sila ia-approach.

“Baka ma-feel nila na nadidiskuntento sila pag makikipagkuwetuhan kami… so hindi ko pa alam.

“Pero ano, kami ni Enchong [Dee] kasi, kasama namin si Tito Eddie, di ba?

“Nagkukwento siya ng life niya kung paano siyang naging artista, tapos sobrang jolly.

“Maski si Tito Ron [Ronaldo Valdez], yung pagkuwento niya, parang ano lang... loko-lokohan lang. Parang very, very barkada lang.

“Nagkaka-bond kami off-screen.”

REAL SCORE WITH KIM. Binalikan ng PEP ang estado ng relasyon ni Xian kay Kim sa likod ng kamera. Tuloy pa ba ang panliligaw niya sa young actress?

Sagot ni Xian, “Yun nga, patuloy kong sinasabi na I’m always gonna be here to make Kim feel really special.

“Well, all throughout, if she needs a helping hand, an open ear, I’ll be here.”

Si Kim na ba talaga ang gusto niyang maging girlfriend?

"Kahit naman siguro sinong lalaki, gustong maging girlfriend si Kim.

“Si Kim kasi, she has all the qualities a guy will look for.

“Kasi ako, I like yung mga conservative, yung mga mabait, maalagain.

“Mabait si Kim. Wala kang makikita sa buto ni Kim na... wala siyang mean bone, kumbaga.”



PRECIOUS GIFT. Sabi ni Kim, binigyan siya ni Xian ng Prada bag na kulay pink kahit wala namang okasyon.

Kaya ang tanong namin kay Xian: Ano ang istorya ng Prada bag?

“Istorya talaga?” natatawang balik-tanong ni Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ano pa man ‘yan, kahit ano pang things ‘yan, it’s the thought na wala lang… gusto ko lang malaman niya na palagi siyang nasa isip ko, ganoon.

“Di ba, ganoon naman yun, e. Parang it doesn’t matter kung ano yung ibinigay mo, as long as naiisip mo siya.”


TRUST ISSUE. Close din si Xian sa co-star nila sa Ina Kapatid Anak na si Enchong Dee dahil ilang beses na silang nagkatrabaho sa pelikula at teleserye.

Sa isang interview kay Enchong, sinabi nito na may "trust issue" kay Xian dahil hindi ito basta nagtitiwala sa isang tao.

Pero ayon kay Xian, “Natawag na lang siguro na trust issue. Pero hindi naman ganoon... more to myself kasi ako, e.

“Yung masaya na akong mag-isa… ganoon kasi ako, e. Parang okey lang kung papansinin ninyo ako, makikipag-usap ako.

“So, tinanong ni Enchong nung nagkasama kami sa movie [The Reunion], bakit daw ako ganoon. Hindi raw dapat ako ganoon.

"So, iyon yung mga napag-usapan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN