Jed Madela says decision to leave Universal Records difficult; wants original hit from Star Records

Sa paglipat ni Jed Madela sa Star Records, isa lang ang hiling niya: “So, yun talaga ang sinabi ko sa Star Records na I want an original hit. Na kumbaga, kahit wala na ako sa industriya o kahit pahinga na ako, pag narinig ng mga tao, ‘Ay, si Jed Madela yung kumanta niyan.’ Na kahit sino pa ang mag-revive nung kanta, sasabihin, ‘Ay kay Jed yung original niyan.’”


Nahirang si Jed Madela bilang Best Male Recording Artist sa Star Awards For Music sa dalawang taong magkasunod, 2011 at 2012.

Ikinatuwa naman ito ni Jed.

Aniya, “Sobrang happy kasi siyempre, yun nga, consistent.

“For the past two years, same award, which is parang ano siya… proof for myself that I’m doing well sa trabaho ko.

“And siyempre, recording artist of the year, di ba, parang, ’Wow!’ Napapansin talaga yung mga album na ginawa ko.

“So for the past two years na nakatanggap ako ng award sa PMPC [Philippine Movie Press Club] is something big for me talaga.

“Na parang assurance na I’m doing the right thing, parang ganoon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jed noong Linggo, September 23, pagkatapos ng ASAP 2010.



BIG NAMES. Aminado si Jed na kinabahan siya nang malaman niya kung sinu-sino ang mga makakalaban niya sa Best Male Recording Artist category.

“Honestly, siyempre ayokong makipagplastikan na sabihin ko hindi ako nag-e-expect. Siyempre nag-e-expect ako na sana manalo ako.

“Pero yung the mere fact na nasama ako sa lineup ng nominees, na hindi biro na isama ka sa mga tulad nina Gary [Valenciano], nina Martin [Nievera] na, you know, mga beterano na talaga, okey na sa akin yun, e…

"Sobrang assurance na sa akin yun na, ‘Okey ka na Jed, okey yung ginagawa mo!’

“Kasi napapansin yung mga albums mo at yung mga pag-perform mo, di ba?

“And plus pa yung nanalo pa ako, it’s a big exclamation point talaga sa akin na tama yung ginagawa ko.”



LAST ALBUM. Napansin si Jed bilang isang mahusay na singer sa mga albums na ginawa niya sa Universal Records, kabilang na ang Breathe Again na siyang nagpanalo sa kanya sa nakaraang Star Awards for Music.

Ito na ang huli niyang album sa Universal Records dahil pagkatapos nito ay lilipat na siya sa Star Records, ang recording arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon ba siyang mixed emotions sa kanyang pag-alis sa Universal Records?

“Oo, super mixed emotions talaga,” pagsang-ayon ni Jed.

“Kasi, yun nga, nung nag-i-speech ako, medyo nanginginig ako ng konti tsaka medyo napaiyak ako ng konti sa dulo.

“Mixed emotions, in a way, na sobrang saya ko na, yun nga, I left Universal with something big din.

“Na parang regalo ko rin sa kanila na yung pinaghirapan namin na last album na Breathe Again, galing sa kanila yun…

“At parang ano na rin, na parang everything was worth it because of this award.

“And yun, malungkot kasi iniwan ko sila.

"But then, masaya rin kasi I’ll be venturing out in a new group ulit with Star Records.

“And yun nga, excited kasi ang daming naka-line up na projects. So yun nga… mixed emotions.”



NEW RECORD LABEL. Ipinaliwanag ni Jed ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang umalis na sa Universal Records at lumipat sa Star Records.

“Well, unang-una, siyempre ako, hindi ko talaga ide-deny na sobrang laki ng utang na loob ko sa Universal.

“Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin yung time dati nung nagsisimula ako, ang daming humindi sa akin.

“Talagang nilako ako dati ng tita ko, na manager ko rin, sa mga record labels.

“And siyempre, sino ba talaga si Jed Madela ten years ago?

“So yun… puro lang, ‘Sige, we’ll call you!’ Ganoon lang.

"Sa Universal naman, hindi kami nakapunta ng Universal noon.

“I was performing in a bar. And noong gabing yun, nandoon si Tita Bella Tan [of Universal Records], kasama niya yung mga kaibigan niya.

“Tapos ang dami nilang ni-request na mga kanta. Kinanta ko naman lahat.

“Tapos in-invite niya ako sa table niya. Binigyan niya ako ng calling card.

“Pinapunta niya ako sa office nila. And right there and then, binigyan niya ako ng recording contract.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, si Tita Bella at ang Universal Records ang unang-unang sumugal sa akin… na from a nobody na hindi kilala, talagang dun sila nag-invest sa akin.

“And sobrang tinatanaw ko yun ng utang na loob sa kanila.

“And yun nga, siyempre in that nine years ko sa kanila, ang daming nangyari, ang dami kong nagawang album sa kanila.

“Seven solo albums and numerous na mga compilation albums. Talagang inalagaan naman nila ako for the past nine years.

“Pero yun nga lang siyempre, I think I found it ano na... it was time for me to grow…

“And time for me to move on to another set of working environment, another set of people na makakapagpalabas pa sa kung anong meron pa sa isang Jed Madela.

“Kasi siyempre, nine years working with the same people, you know, they brought out a lot in me…

“Na yung mga things na hindi ko kayang gawin sa recording, pinalabas ng Universal yun.

“So what more if you work with another set of creative minds, another set of arrangers, composers?

“You know, di ba, I’m sure mayroon naman silang fresh and new ideas na makikita sa isang Jed Madela na puwede nilang ilabas in the future.”



DIFFICULT DECISION. Ayon pa kay Jed, hindi naging madali sa kanya ang naging desisyon niya na iwanan ang Universal Records.

“Siguro umabot din ng dalawang taon na pag-iisip. Pero hindi naman yung seryoso na kailangan ko nang umalis sa Universal.

“It was more of weighing the possibilities.

“Kasi siyempre, sobrang malapit sa puso ko ang mga taga-Universal.

“Pamilya ko na silang lahat mula sa mga staff, sa management, pati sa mga technicians... lahat.

“Pag wala akong trabaho minsan, tumatambay lang ako doon, nakikikain... ganoon na kami ka-close.

“But then siyempre, inisip ko rin na I have to grow, I have to move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And for the past nine years, paulit-ulit na lang yung ginagawa ko, puro revivals.”

Paano ang paalaman?

“We scheduled the meeting. And then, yun nga, nag-meeting talaga kami…

"We really opened up, we laid down our cards on the table.

“Sinabi namin na, ‘You know, we’re really happy with the nine years na pagsasamahan natin.’

“But then we felt that high time for me to move on to another environment. Pero during that time, wala pang Star Records doon.

“May mga offers mula sa ibang labels na nag-aano [offer] rin, pero wala pa kaming final decision.

“Pero what was final is that I was sure that was leaving already.

"After naming mag-usap, okey naman, naintindihan naman nila.

“Sinabi naman nila na nalungkot sila sa naging desisyon ko, but then they respect my decision kasi para naman sa akin yun.

“So, ayun nga, yung ibang sobrang close ko doon, nag-iyakan na.

“Pati yung mga sales ladies sa department stores na nami-meet ko doon, sinasabi nila, ‘Sir Jed, nung nag-meeting kami, sinabi na hindi ka na sa amin, umiyak talaga kami, ganito-ganyan.’

“Kasi, yun nga, sinasabi nila isa raw ako sa pinakamabentang album talaga kahit hindi ako nagpo-promote… ganoon.

“Ayun, mahirap, yung pagse-separate, but then everything ended well,” saad ni Jed.



WITH STAR RECORDS. Ngayong nasa Star Records na siya, ano ang plano nito sa kanya?

“Sabi ko sa kanila, pinaka-priority ko ngayon is to have a hit song na original na sa akin.

“Kasi for the past nine years, yung mga napasikat ko namang kanta, like yung ’The Past,’ ’I Don’t Wanna Miss A Thing,’ ’Love Always Find a Way,’ lahat naman yun revivals.

“So yun talaga ang sinabi ko sa Star Records na I want an original hit.

“Na kumbaga, kahit wala na ako sa industriya o kahit pahinga na ako, pag narinig ng mga tao, ‘Ay, si Jed Madela yung kumanta niyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit sino pa ang mag-revive nung kanta, sasabihin, ‘Ay, kay Jed yung original niyan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN