Jake Vargas teams up anew with Bea Binene via You’re My Only One; goes head to head with ABS-CBN’s Be Careful With My Heart

Jake Vargas reveals that their new show, tentatively titled You’re My Only One, will be on the same timeslot as ABS-CBN’s hit romantic-comedy series Be Careful With My Heart. He says: “Opo, ‘yan yung itatapat ng GMA. Sana magiging ano yung ratings namin, maging maganda at sana maraming sumuporta na tao.”


Excited makisaya si Jake Vargas sa mga kapwa niya Candy Cuties at iba pang teenagers sa kauna-unahan niyang pag-attend sa Candy Fair ngayong taon.

Ang event na sponsored ng Candy Magazine na ginanap sa QC Libis Megatent noong Sabado, September 22.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake na nagbalita tungkol sa kanyang mga projects.

“Ayun, masaya talaga kasi bumalik na yung Pepito Manaloto, saka yung bago naming show ni Bea Benine, yung pang-umaga na drama.”

Ang tinutukoy ni Jake na "bagong show" ay ang You’re My Only One, na itatapat ng GMA-7 sa pang-umagang serye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

“Opo, ‘yan yung itatapat ng GMA. Sana magiging ano yung ratings namin, maging maganda at sana maraming sumuporta na tao," asam ng young actor.

Napi-pressure ba sila sa sobrang lakas ng makakalaban nilang programa?

“Opo, kasi yung show na yun, parang ang sobrang saya at tatapatan namin ng drama.

“Kaya naman sobrang napakalaking challenge niyan para sa amin.”

Si Jake ang leading man ni Bea sa You’re My Only One, pero magkakaroon daw sila ng ka-love triangle.

Balitang pinagpipilian pa kina Joshua Dionisio at Kristoffer Martin ang makakasama nila.



NEW HOUSE. Sa ngayon, todo-kayod si Jake sa pagpapagawa ng sarili niyang bahay.

Matatandaang inunang ipinagawa ni Jake ang bahay nila sa probinsiya para sa kanyang pamilya.

“Okay na yung bahay namin, pero nagpapagawa ako ng bahay para sa sarili ko, sa tapat lang din nung bahay namin," sabi ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN