Shaina Magdayao on rumor linking her to Diether Ocampo: “Kuya ko nga siya, so ba’t naman manliligaw?”

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang relasyon ni Shaina Magdayao kay John Lloyd Cruz. Pero hanggang ngayon ay hindi pa raw handa ang young actress na pumasok sa isang panibagong pag-ibig. Paliwanag ni Shaina, "Kung may gustong makipagkaibigan, then fine. Ayoko muna ng commitment. First time yatang ine-enjoy yung pagiging single ko, so nanamnamin ko muna ito. When I am ready, I will let you know.”


Kung si John Lloyd Cruz ay nauugnay ngayon kay Angelica Panganiban, ang ex-girlfriend naman ng aktor na si Shaina Magdayao ay pilit na ini-link ngayon kay Diether Ocampo.

Pero mabilis na pinabulaanan ni Shaina ang balita tungkol sa kanila ni Diether nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Christmas station ID shoot ng ABS CBN.

Wika ng 22-year-old actress, “He’s my kuya. Kung gaano ako katagal sa ABS, ganun ko na siya katagal kakilala dahil we’re under one handler.

“Kuya ko nga siya, so ba’t naman manliligaw?”

Nilinaw rin ni Shaina na kung lumalabas man sila ng 38-year-old actor ay kasama nila ang iba pang talents na hawak din ng handler nilang si Monch Navales ng Star Magic.

Diin ng dalaga, “Hindi kami lumalabas na kami lang. If we ever do hang out, kasama yung buong grupo namin.

“We call our group Monchsters, so sina Bea [Binene], Zanjoe [Marudo], Enchong [Dee]... we are all under one handler.”

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. Sinabi rin ni Shaina na hindi pa siya handa para sa bagong pakikipagrelasyon, kahit open siya kung sinuman ang gustong manligaw.

“Let’s all be friends. Kung may gustong makipagkaibigan, then fine.

“Ayoko muna ng commitment.

"First time yatang ine-enjoy yung pagiging single ko, so nanamnamin ko muna ito.

“When I am ready, I will let you know.”



MOVING ON. Ipinagpapasalamat ni Shaina na buo ang suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya na nakatulong nang malaki para maka-move on siya mula sa breakup nila ni John Lloyd.

“My whole family is always there for me so I’m really thankful for that.”

Masaya raw niyang hinaharap ang kanyang buhay lalo na ang mga magagandang nangyayari sa kanyang career.

Nagpapasalamat nga ang aktres sa magandang pagtanggap ng tao sa afternoon soap niyang Kung Ako’y Iiwan Mo, na extended sa pangatlong pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang technically, our third season already and inabot kami ng November…

“Na na-realize nga naming mga isang taon na kaming nagte-taping, so masaya kami.

“We’re all very thankful kasi isang taon na kaming lahat may trabaho—isang buong taon na kaming blessed.

“Siyempre, may happy Christmas ang aming staff, ang aming crew, dahil nga may trabaho kami.

“So we’re all very thankful dahil kung hindi nila kami sinusuportahan, hindi kami umeere hanggang ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN