Maricel Soriano returns to the Kapamilya network

Pagkatapos ng tatlong taon ay magbabalik sa bakuran ng ABS-CBN ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Pumirma siya ng kontrata para sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kunsaan makakasama niya ang ilan sa mga young stars ng Kapamilya network.


Pagkatapos ng ilang tao ay balik-Kapamilya network si Maricel Soriano.

Kabilang si Maricel sa malaking cast ng upcoming primetime soap ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Makakasama niya rito sina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Diana Zubiri, Rayver Cruz, Tonton Gutierrez, at Dina Bonnevie.

Huling napanood ang Diamond Star sa ABS-CBN sa horror-suspense series na Florinda noong 2009.

Ayon kay Maricel, ang magandang istorya at ang mga makakasama ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

“Unang-una, gusto kong magpasalamt sa ABS dahil isa na namang makabuluhan at magandang proyekto ang ibinigay nila sa akin. Sana maibigan ninyo, abangan ninyo ang isang napakagandang proyekto na tulad nito,” sabi ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon pa kay Maricel, ang pagbabalik niya sa teleserye ay hudyat na tapos na ang kanyang pagbabaksyon.

“Magandang project kasi, yun ang pinag-usapan naming na gagawin ko.

"So, tapos na yung bakasyon ko! Hahaha!

"Basta this is a very nice project.”

Bagamat noong 2009 pa siya huling gumawa ng project sa ABS-CBN, hindi naman talaga nawala sa sirkulasyon ang Diamond Star.

Nagkaroon siya ng month-long drama anthology sa TV5 at nag-guest din siya sa iba’t ibang programa ng GMA-7.

Sa kanyang pagbabalik-Kapamilya, hindi itinago ni Maricel ang kanyang excitement na makatrabaho ang ilan sa mga batang artista, lalo na si Gerald.

“Si Gerald, excited ako kasi bago na naman itong mga makakatrabaho kong mga young ones na alam ko mahuhusay sila.

"Saka nae-excite ako na makakatrabaho ko uli si Tonton saka si Dina.

"Siyempre excited ako kasi matagal na rin kaming hindi nakapagtrabaho, ang daming taon na, e.

"Kaya heto na naman ang aming balik-tambalan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN