Newbie actor Pancho Magno keen to prove himself in Kapuso network where his mom is an executive

“Wala namang lahat ng actors noon do good overnight, e. Kung sino man ang magaling ngayon, hindi naman magaling in a year, e,” says newbie Pancho Magno about striving to be a better actor.


Mula sa pagiging supporting actor sa mga nakaraan niyang teleserye, gaganap na bilang leading man ang baguhang aktor na si Pancho Magno.

Isa ang 25-year-old licensed nurse sa tatlong magiging leading men ni Bela Padilla sa bagong teleserye sa hapon ng GMA-7, ang Magdalena. Makakasama nila rito sina Dion Ignacio at Ryan Eigenmann. (CLICK HERE to read related article)

Bagamat maituturing na baguhang aktor si Pancho, sinabi niya na ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang kanyang kakayahan.

“Talaga namang lagi kong pinaghahandaan yung mga shows, like, I do workshops,” sabi ni Pancho nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Magdalena noong Lunes, Setyembre 24.

Sabi pa niya, “Ngayon, mas doble yung kaba ko, in a way, kasi lead ako, first time kong mag-lead.

“Gusto kong maipakita na sobrang worth na kinuha ako.

“Baka kasi sabihin nila, ‘Si Pancho, wala pala.’

“Ayaw ko naman masabihan ng ganun, para sa akin din naman ‘yon.”

Unang lumabas si Pancho sa telebisyon sa epicseryeng Amaya. Nasundan ito ng supporting roles sa Broken Vow at Kasalanan Bang Ibigin Ka?.



NEPOTISM ISSUE. Bukod sa pagpapakita ng kakayahan sa pag-arte, isa pang dahilan kung bakit gusto ni Pancho na maging mahusay sa larangang pinasok niya ay para patunayan sa publiko na karapat-dapat siya sa industriya—hindi lang dahil anak siya ng isang TV executive.

Simula pa man, hindi naman ikinakaila ni Pancho na anak siya ng assistant vice president for Drama ng GMA Network na si Redgie Acuña-Magno.

Dahil dito, madalas daw nasasabi na kaya siya nakapasok sa showbiz ay dahil sa kanyang ina.

Aminado si Pancho na kahit papaano ay nakatulong ito.

Saad niya, “Sobrang hypocrite ko naman kapag sinabi kong walang advantage.

“Partly, oo advantage, pero ang laki ng disadvantage.

“Kapag gumawa ako ng [teleserye], like ngayon, sasabihin nila na kaya ako nandiyan dahil nga sa mom ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit hangga’t maaari, ayaw sana ni Pancho na ganito ang isipin ng mga tao.

Aniya, “Ang pangit naman na laging naka-connect sa mom ko.

“Kaya ipinapakita ko na rin sa kanila, sa mga viewers [na kaya ko].

“Kahit naman sinong tao, ang pangit talaga na laging nakadikit sa mom mo.

“Advantage nga, pero may disadvantage din.

“Ang advantage mo siguro, ‘yon lang. Pero ang disadvantage, matagal mong dadalhin, e.

“Like, kunwari naging best actor ka, tapos kaka-start mo pa lang, habambuhay na iisipin ng tao na may ginawa ka.”

Sa ngayon, pagbubutihin na lamang daw ni Pancho anumang trabaho ang ibigay sa kanya para makagawa ng sariling pangalan.

Saad niya, “Wala namang lahat ng actors noon do good overnight, e. Kung sino man ang magaling ngayon, hindi naman magaling in a year, e.”

Bukod dito, susundin na lamang daw ni Pancho ang isa sa mahahalagang paalala ng kanyang ina tungkol sa showbiz.

“Huwag daw akong [magpapaapekto] sa intriga. It’s either makakasira ‘yan sa work mo or sa sarili mo,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN