JC Tiuseco on doing love scene with Megan Young: “Ang inilagay ko kasi sa isip ko, trabaho yung ginagawa ko, walang personalan.”

Ano ba ang sikreto ng magandang pangangatawan ni JC Tiuseco? “Kapag medyo na-reach ko na yung ideal weight ko, lahat ng gusto kong kainin, kinakain ko, pero most of the time, in moderation. Kahit naman anong bagay, kapag sumobra, masama.”


Hindi raw nailang si JC Tiuseco sa love scene nila ni Megan Young para sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na Ride To Love.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang inilagay ko kasi sa isip ko, trabaho yung ginagawa ko, walang personalan.”

Naungkat kay JC ang tungkol sa love scene nila ni Megan dahil sa balitang nali-link ang aktres kay Mikael Daez.

Magkaibigan at magkasama sa Mercator Artist & Model Management sina JC at Mikael.

Sa palagay ni JC, may relasyon nga ba talaga sina Mikael at Megan?

“A, hindi ko alam! Hindi naman ako nakikialam sa personal na buhay ng ibang tao, e.

“Magkaibigan kami ni Mikael pero hindi kami nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay.”

Hindi kaya siya pagselosan ni Mikael dahil sa love scene nila ni Megan?

“A, hindi, hindi... trabaho lang naman, e. Isa pa, sila ba? Hindi ko talaga alam kung sila nga.”



MODELLING. Nadako naman ang usapan namin sa pagrampa ni JC sa katatapos lamang na Cosmo Bachelor Bash.

Rumampa si JC na walang suot na shirt at naka-maong pants lang, revealing his six-pack at nagmumurang abs.

Isa si JC sa napuri nang husto dahil sa maganda nitong pangangatawan.

“A, talaga? Mabuti naman kung nagustuhan ng mga nanood.

“Pinaghirapan ko naman kasi ang pagdyi-gym, ang pagwu-workout, kaya siguro nagustuhan ng mga tao ang resulta.”

Hindi na ba siya naiilang kapag rumarampa siya sa harap ng maraming tao na nakahubad siya?

“Noong una, pero ngayon hindi na. Medyo nasanay na rin naman ako.

“At isa pa, shirt lang naman ang inalis ko, nakapantalon naman ako," sabi niya.

Big no-no pa rin daw kay JC ang rumampa na naka-underwear o naka-trunks dahil hindi raw sang-ayon dito ang kanyang mga magulang.



HEALTH TIPS. Kapag wala siyang trabaho, sa gym siya nagbababad at nag-uubos ng oras na makikita naman ang magandang resulta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-share pa nga ng ilang tips si JC tungkol sa pagme-maintain ng magandang pangangatawan.

“Iyon lang naman, proper diet and exercise.”

Pero hindi naman daw sa lahat ng oras ay niya dine-deprive niya ang sarili niya sa pagkain.

“Kapag medyo na-reach ko na yung ideal weight ko, lahat ng gusto kong kainin, kinakain ko.

"Pero most of the time, in moderation. Kahit naman anong bagay, kapag sumobra, masama.”



SCARY MOVIE. Malapit nang magkaroon muli ng regular show si JC sa Kapuso network habang tinatapos niya ang dalawang pelikula.

Bukod sa Ride To Love, kasali rin si JC sa entry ng Regal na Shake Rattle & Roll 14 (SRR) sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Pinagbibidahan ni Dennis Trillo ang episode na “The Lost Commando,” at gumaganap sila bilang mga sundalo.

Ayaw munang ikuwento ni JC ang buong istorya ng episode nila, pero nakakatakot daw talaga ito.

Aniya, “Sa bundok yung shooting namin, nakakatakot yung lugar, and nakakatakot yung mga eksena namin.

“Madalas nga, nakakalimutan ko na nagsu-shoot lang kami ng pelikula, para kasing totoo yung mga eksena.”

Ang direktor nila rito ay si Chito Roño at balitang na-impress ito sa acting ni JC.

“Narinig ko nga rin na maganda yung feedback sa akin ni Direk Chito, at natutuwa naman ako, siyempre.

“Masarap gumawa ng horror na pelikula, ibang klase kasi kapag yung acting mo, takot ka, nakaka-challenge.”

Para nga raw siyang nagbalik-tanaw noong contestant/castaway pa lang siya sa pinakaunang Survivor Philippines.

“Doon sa Survivor, maraming mga challenges, mga obstacles na kailangan naming gawin... kung paano makaka-survive sa mga challenges.

“Sa movie namin na SRR, ibang klaseng survival ang kinakaharap namin,” sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN