Jericho Rosales on relationship with Kim Jones: “Walang negative na nangyayari.”

“At the moment, okay kami doon sa status naming dalawa. Kapag dumating ang time na ‘yon, I’m sure, magkakaroon pa ng preparations so there’s still time,” Jericho Rosales said when asked about settling down with girlfriend Kim Jones.


Halata sa mga salita ni Jericho Rosales kung gaano siya ka-in love ngayon sa kanyang girlfriend na si Kim Jones.

“Kim is a very nice person.

"She loves sports, she loves what I do, she loves me, I love her back. We love each other.

"I’m just so blessed to find someone like her,” sabi ni Jericho tungkol kay Kim nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Collezione C2.

Ang press conference na ito na inihanda para sa aktor ay ginanap kahapon, Setyembre 27, sa Palm Grove Rockwell Club sa Makati City.

Para kay Echo, bagamat nagtratrabaho rin si Kim bilang TV host at radio jock, may kaibahan pa rin kumpara sa pagkakaroon ng girlfriend na katulad niyang mas kilala sa industriya.

“I would say mayroon mang pagkakaiba, nasa tao talaga, nasa paraan talaga ng pagha-handle ninyo ng relationship.

“Maraming-maraming magkarelasyon sa showbiz na medyo mahirap, mabigat, maraming pressure.”

“Siguro, ‘yon lang, mas bawas kapag hindi parehong artista—siya host, ako actor-singer.

“Interesado ako sa mundo niya, interesado siya sa mundo ko.

“Walang negative na nangyayari. She learns from me, I learn from her.”

Gayunman, ayon kay Echo, depende pa rin sa magkasintahan kung paano magiging maayos ang kanilang relasyon.

“Sa dulo talaga, depende kung papaano i-handle ang relationship n’yo.

"If there’s respect, love, and sacrifice, of course, nandiyan na lahat.

“Actually, covered lahat ng love ‘yan.

“Kapag may respeto, may konting sacrifices, understanding, maganda yung magiging relationship ninyong dalawa.

"It depends also sa foundation ninyo.”

Ipinaliwanag din ng Kapamilya actor ang maaaring maging epekto ng pagiging magkasintahan ng mga artista dahil sa gusto ng publiko.

“Pinakamahirap sa lahat yung popularity, di ba?” sabi ni Echo.

“Mahirap kasi kapag pinagtagpo kayo ng publiko, e.

“Publiko yung nagdidikta kung ano yung magiging takbo ng relasyon ninyo, hindi yung natagpuan mo yung isang gusto mo talaga tapos nagustuhan din ng publiko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MEET THE FOLKS. Samantala, tinanong din ng media si Echo tungkol sa napabalitang pagpapakilala ni Kim sa kanya sa mga kamag-anak nito.

Noong nakaraang buwan kasi ay sumama si Echo sa birthday celebration ni Kim sa Australia.

“I met her mom, yung sister niya, and yung ibang family members,” banggit ni Echo.

Ano naman ang nasabi ng pamilya ni Kim tungkol sa kanya?

“Cool naman, okay naman daw ako. Two thumbs up,” sagot ni Echo.

Ibig sabihin kaya nito ay mauuwi na sa kasalan ang kanilang relasyon?

Handa na raw si Echo na mag-settle down. Pero sabi niya, “There’s still work to be [considered].

“Kailangan pa rin ng preparasyon pagdating sa bagay na ‘yan.

“Siyempre, marami akong kailangang i-consider pagdating sa bagay na ‘yan.”

Gayunman, hindi itinanggi ni Echo na minsan ay napag-uusapan nila ang tungkol sa pagpapakasal.

“Sa mga biru-biruan, sa mga ano, siyempre napag-uusapan ‘yan.

“Pero kung kailan, kung ano ang gagawin natin, maganda muna na hindi pag-uusapan.

“Kailangan sorpresa na lang ‘yan.”

Dagdag pa niya, “Well, we’re enjoying our relationship right now.

“Kung may ganyan, I’m sure naman na malalaman n’yo ‘yan.

“Right now, ine-enjoy namin ang relationship namin.”



AWKWARD MOMENT WITH SENATOR CHIZ? Samantala, kamakailan ay naging guest si Echo sa morning talk show ni Kris Aquino na Kris TV.

Pabirong natanong si Echo kung may awkward moment dahil si Senator Chiz Escudero ang co-host ni Kris sa programang ito.

Si Senator Chiz ay madalas na nakikita ngayon na kasamang lumalabas ng dating girlfriend ni Jericho na si Heart Evangelista.

Nang tanungin ng media si Echo tungkol sa episode na ito ng Kris TV, sabi niya, “Wala namang awkwardness.

“Parang joke lang nila ‘yon sa kanilang dalawa lang, so hindi na ako sumali.”

Dagdag pa ni Echo, “Okay naman ako, wala naman akong [problema] doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, ayaw ko namang magpatay-malisya, alam ko naman ang pinag-uusapan nila.

“Tapos na ‘yon, masaya ako para sa mga tao.”



WORKING WITH EX-GIRLFRIENDS. Dahil dito, muling natanong si Echo tungkol sa posibleng pakikipagtrabaho sa mga naging girlfriends niya, gaya nga ni Heart o ni Kristine Hermosa.

Sabi ni Echo, wala namang problema na makatrabaho sila.

Subalit ang inaalala niya, “The problem is yung buzz about the personal life will be noisier than the project.

“I don’t want to disappoint the paying public kung ano yung mapapanood nila.

“That naman, mapapanood nila sa TV shows natin, di ba? Let it be the free stuff that they can watch.

“But if they’re going to pay for something, babayaran nila yung pelikula, something really original at wala doon sa [personal life].

“I don’t like banking on my personal life. That’s just my reason.

"There have been offers to do films with my [ex-girlfriend].”

Sa huli, sinabi ni Echo na bilang respeto sa kanyang kasalukuyang girlfriend, umiiwas na rin siyang makipagtrabaho sa mga nakarelasyon niya noon.

“To be honest, even though you are respected by your partner, ibigay mo na lang sa kanya ‘yon. Bonus na ‘yon.

“I mean, the best thing na puwede kong ibigay sa partner ko is security.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN