PEP EXCLUSIVE: Marvin Agustin answers issues and controversies about Artista Academy

Sinagot ni Marvin Agustin ang isyung may mga paborito raw na estudyante ang mga hurado ng Artista Academy. Aniya, "You know what, at the end of the day, hindi nagiging paborito ang isang tao dahil wala lang. Nagiging paborito ang isang tao dahil may nakikitang drive, potensiyal talaga o nakikitaan mo na ito yung talagang sisikat."


Excited na si Marvin Agustin dahil palapit na nang palapit ang grand finals ng hinu-host niyang Artista Academy, ang reality artista search ng TV5.

Hindi nga maiwasang ikumpara ni Marvin ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz sa mga pinagdadaanan ngayon ng mga estudyante o artista aspirants ng Artista Academy.

Ayon kay Marvin, “Siyempre natutuwa ako sa development ng mga bata.

“Masarap kasi sa pakiramdam for the production, for the channel, na you have been able to develop the future stars of not just the station but, you know, the possible stars of the industry.

“Tulad ko noon na nagdaan din ako sa kung anu-anong auditions. Kung alam lang nila ang mga pinagdaanan ko.

“Hindi lang kasi televised ang aming hirap, ang aming training, kaya hindi nila alam na umiiyak din kami pag nahihirapan din kami at nasasaktan.

“Ngayon kasi, talagang magnified because people see it, people watch it, you know, whatever challenges na pinagdadaanan ng mga bata.

“Ganun din kami noon na minsan kunwari akala mo sa iyo na yung show, tapos hindi napunta sa iyo.

"Parang ganito rin yun, e, na akala mo end of the world na.

“Kunwari, yung mga na-eliminate, eto may wildcard, meron pa silang isang pagkakataon, di ba?

“Kaya ako, fan ng reality shows, e, fan ako ng isang talent- developmental reality show dahil sa pangako, dahil sa tsansa, na matupad mo ang pangarap mo.

“The show is just a tool, it’s just an avenue para i-bridge ka doon sa gusto mo, kung gusto mong maging singer, kung gusto mong maging artista, kung gusto mong maging sikat na celebrity.

“Bridge lang ang show, pero nasa bata pa rin yun, e, kung paano niya ipaglalaban ang pangarap niya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin kahapon, Setyembre 26, sa pag-aari niyang Sumo Sam restaurant sa Podium Mall sa Ortigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FINAL SIX. Marami pa raw dapat abangan sa show, lalo na sa darating na "Live Exam" sa Sabado, Setyembre 29, na crucial na bahagi ng contest.

Dito na raw malalaman ang Final 6 na panggagalingan ng mananalong Best Actor at Best Actress, na magkakamit ng kabuuang halagang premyo na P20 million.

Noong nakaraang Sabado, Setyembre 22, inanunsiyo na sina Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Chanel Morales, at Sophie Albert bilang siguradong pasok sa Final 6.

Nangahulugang nanganganib malaglag o nasa danger zone ang mga kapwa students nilang sina Mark Neumann, Benjo Leoncio, Malak So Shdifat, at Shaira Mae.

Ang Danger 4 na ito ay makikipaglaban sa "Tropang Kickout," o ang mga eliminated contestants, na sina Chris Leonardo, Jon Orlando, Brent Manzano, Nicole Estrada, Stephanie Rowe, at Marvelous Alejo, para sa natitirang dalawang slots sa Final 6.

Bilang host ng show, ano ang pakiramdam ni Marvin na kasama siya sa journey ng mga contestants sa kanilang paunang hakbang pagpasok sa showbiz?

“Masaya. Feeling ko, parang yung show—not just me e, ang hirap i-claim, e—nakakapag-enable kami ng mga bata na tuparin ang mga pangarap nila.

“Of course, kita naman natin sa audition pa lang, more than ten thousand ang nangarap, and then having the sixteen [finalists], and now we’ll just have the Final Six.

“Meron na tayong apat at dalawa na lang yung pipiliin natin sa Sabado.

“Alam natin na malaki yung possibilities… Yung sixteen pa nga lang, maaaring sumikat talaga iyan kung ipaglalaban lang nila yung gusto nilang mangyari sa buhay nila. Lalo na yung anim na magiging Final Six natin.

“Kami, instrumento lang kami, tutulong lang kami, magga-guide lang kami, just like yung mga mentor na tumulong sa buhay ko.

“Just like the station, alam naman natin na galing ako sa 2 [ABS-CBN], nag-7 [GMA-7] ako, ngayon nasa 5 [TV5] ako, na ine-expand pa nila yung mga gusto kong mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Producer nila ako ngayon [sa Kanta Pilipinas], host nila ako ngayon.

“Masaya ako kasi parang katulad nung mga bata, may pangarap sila, may istasyon, may show, na maaaring matupad ang pangarap nila.

“Ako, ganun din, nandito ako sa TV5 ngayon, first time na producer sa TV.

“Ang sarap ng ganung pakiramdam na may taong nagtitiwala, nagga-guide, at may posisibility na matupad ang pangarap mo sa buhay.”

Ano ang advice na puwede niyang ibigay sa mga kickout na makikipaglaban sa dalawang huling slots sa Final 6?

“Sabi ko nga, walang ibang taong makikipaglaban sa pangarap mo kundi ikaw.

“Pangalawa, walang susuko, laban kung laban, lagi kong sinasabi iyan.

“Mararamdaman ng tao at alam mo sa sarili mo kung sincere ka sa gusto mong gawin, kung gusto mo talagang manalo.

“Dahil kahit hindi ikaw ang pinapaboran ngayon, kung makita nila na decision time at nag-level up ka, at nakita nilang, ‘Ito ang star,’ hindi niya hahayaan na matalo siya o hindi niya hahayaang hindi makita ang lahat niya para mapansin.

“Ganun sa industriya, e. Kahit na series of hit movies ka, kahit na series of hit TV shows ka, minsang may pumalya lang sa iyo, napakahirap nang bumangon, e.

“So, mas mahigpit ang laban ngayon sa industriya, not just sa Artista Academy but in the industry itself.

“Sa dami ng gustong maging artista, hindi ka dapat nagre-relax o hindi dapat lumalamlam ang kagustuhan mong maabot ang pangarap mo.”



ISSUES AND CONTROVERSIES. Hindi nawawala sa isang contest ang mga isyu at kontrobersiya. Maging ang Artista Academy ay hindi nakaligtas sa ilang intriga.

Una na nga rito ang pagkukumpara sa show nila sa reality artista search ng ibang istasyon.

May mga nagsasabi na tila mas artistahin daw ang napili nilang contestants kaysa sa napili ng ibang shows.

Ano ang masasabi ni Marvin dito?

“Well, bawat istasyon naman, iba’t iba ang hinahanap, e. Ang bawat istasyon meron silang objective sa reality shows na ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can only speak for TV5, for Artista Academy, yun talaga kasi ang objective namin—maghanap talaga ng artista, new stars, that could lead the new soap operas ng TV5.

“Talagang alam naman natin ang molde pag sinabi nating lead stars. So, yun talaga yung hinanap.

“Tapos yung talent, hinuhubog sila ngayon.

“Noong simula, hindi namin masabi na yung kinuha namin pinakamagaling umarte o pinakamagaling kumanta o pinakamagaling sumayaw o pinakamagandang personality.

“We started with the looks and, now, tinutupad namin yung pangako namin na ite-train namin silang maging magaling na artista, maging mabuting bata. Yun ang mga klase kaya siya Academy.

“So, yun ang naging objective talaga ng Artista Academy.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa diumano’y sinasabing may “favorite” daw ang judges at mentors sa mga contestant?

“Alam mo yung term na favorite, dati actually, even I, myself, you feel bad pag may mga favorite-favorite.

“But you know what, at the end of the day, hindi nagiging paborito ang isang tao dahil wala lang.

“Nagiging paborito ang isang tao dahil may nakikitang drive, potensiyal talaga, o nakikitaan mo na ito yung talagang sisikat.

“Dati, parang iniisip ko rin bakit si ganyan nabibigyan?

“Minsan tanungin din natin yung sarili natin, bakit hindi tayo nagiging favorite?

“Baka meron tayong hindi ginagawa na dapat nating gawin o hindi natin ipinakikita o ibinibigay lahat para tayo maging favorite.

“You know, even the audience, may favorite.

“So, ang pagkakaroon ng favorite ay hindi siya kaso o hindi siya mali, e.”

Kadalasan, negatibo ang implikasyon pag sinasabing may “favoritism” na nagaganap sa isang contest. Pero gustong linawin ni Marvin ang akusasyong ito sa Artista Academy.

“I think it will always fall under the criteria e. May criteria na sinusunod ang mga judges.

“Hindi naman iyan personal decision lang, panel iyan, e. Istasyon ang namimili and also the judges ang namimili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hawak nila talaga kung sino ang mananalo. There are criteria to follow.”

Pinangalanan na ng PEP sina Vin Abrenica at Akihiro Blanco na naiintrigang paborito raw dahil sa pagkakaroon nila ng kamag-anak sa showbiz.

Si Vin ay kapatid ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica at si Akihiro naman ay pamangkin ng Kapamilya actor na si James Blanco.

Ano ang masasabi ni Marvin dito?

Sabi niya, “I don’t think yung connection… having a relative in the industry, o kapatid o kamag-anak, would play an element or a factor sa pagpili kung sino ang mananalo.

“Magiging katawa-tawa ang isang reality show kung yun ang magiging criteria.

“Again, may criteria ang Artista Academy.

“Every week, nag-iiba iyan—acting, yung performance nila sa gala, yung acceptance ng tao sa kanila.

“Doon ang pinanggagalingan niyan, e.

“Hindi dahil kapatid e angat ka na. It was never, never in the criteria.”

Naiintindihan naman ng PEP ang pagtanggi ni Marvin na sagutin ang tanong kung may personal bet siya sa contestants. Host nga naman siya ng show.

Pero ang masasabi lang ni Marvin, “Happy ako doon sa natira sa Top 4. Haping-happy ako.

“I think our judges made the right decision, the best decision na itira yung apat.

“Doon sa mga natitira na maglalaban para sa dalawa pang slot, it’s going to be a tough decision for sure for the judges, dahil ang hirap nga, e.”



ON BEING HOST AND PRODUCER. Naitanong din ng PEP kay Marvin kung bakit mas pinipili niyang maging host at producer ngayon kaysa umarte sa teleserye.

“Mag-host at maging producer," pambungad ni Marvin. "Una, mag-host, sabi ko nga, fan ako ng reality shows.

“Feeling ko rin kasi, sa istorya ng buhay ko, I could be an inspiration to these kids.

“Kasi ako noon, wala akong pormal na klase o training, ipinakita at ipinaramdam ko lang sa mga tao at sa industry, at saka minahal ko lang ang trabaho ko—narating ko kung ano yung gusto kong marating dito sa industriya na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya parang gusto kong masabi nung mga bata na, ‘Kung kaya ni Marvin, kaya ko rin.’

“Hindi naman ako ganung kaespesyal, hindi ako ganun katangkaran, hindi naman ako ang pinakapogi sa industriya.

“But I want them to realize and I want them to know na walang ibang taong makikipaglaban sa pangarap mo kundi ikaw.

“Ako, hanggang ngayon, ipinaglalaban ko ang pangarap ko na maging artista habang buhay.”

Balik-tanong ng PEP: Nagsasawa na kaya siya sa pag-aartista kaya hindi muna siya nagte-teleserye?

“Well, may gagawin din naman akong teleserye with Channel 5.

“Actually, gusto ko ring mag-teleserye talaga, pinaplano lang namin.

“Kaya lang, may bago akong mga pangarap, e. Pangarap ko kasi talagang maging entertainment producer.

“And, parang feeling ko, if I do something like this, hindi lang ako nakakapag-entertain, e, kundi nakakatulong akong makapagpatupad ng pangarap ng ibang tao. Dahil ito ay negosyo, kaya nakaka-employ kami ng mga tao.

“So, parang hindi na lang siya nagiging entertainment for myself or for people, kundi nagiging source na rin siya ng katuparan ng pangarap, ng trabaho.

“Kaya ang sarap, ang sarap maging producer.”

Pagkatapos ng Artista Academy ay sisimulan na raw ni Marvin bilang producer ang bagong singing competition ng TV5, ang Kanta Pilipinas.

Next month nga raw ay magsisimula na ang production nito pero baka early next year pa raw ang airing nito.

“October 14 start na ang production namin. Tapos na ang auditions namin.

“We have selected our 25 contestants for our next singing superstars. Basta unti-unti naming ilalatag.

“Hindi lang kami makasabay sa Artista Academy promotion, e, para hindi malito ang mga tao.

“But right after Artista Academy, mararamdaman na nila yung presence ng Kanta Pilipinas.



ENJOYING THE KAPATID ENERGY. Masaya at kuntento raw si Marvin sa pagtatrabaho niya bilang isang Kapatid.

Ano ang nakukuha niya ngayon si TV5 na hindi niya nakuha sa ABS-CBN at GMA-7 noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eto, itong bagong energy ko,” sagot ni Marvin.

“I can say na I’m a very creative person. I love creating concepts.

“Binigyan ako ng ganitong pagkakataon ngayon, that’s why I have this kind of parang bagong-bagong energy sa buhay na napakasarap at enjoy na enjoy ako.”

Mas na-explore niya raw ang kanyang creative side hindi lang bilang isang artista.

“Lagi ko namang sinasabi, with Channel 2, sinimulan nila yung pangarap ko.

“With Channel 7 noon, in-expand nila, binigyan nila ako ng iba’t ibang klaseng roles na I never thought I’ll be doing.

“Ngayon naman, ‘eto, may bago akong ambisyon sa buhay na ibinigay ng Channel 5 sa akin.”

Hindi ba masa-sidetrack ang pagiging artista niya?

“No, lagi ko namang sinasabi na I will never stop acting. Mas nakaplano lang siguro ngayon.”

Marami pa raw gagawin si Marvin sa TV5 na kasama sa kanyang pinirmahang two-year non-exclusive guaranteed contract.

Kaya sabi ni Marvin, matagal-tagal pa rin siyang magiging Kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN