Vandolph on the recent Dolphy tribute: “Sobrang saya, napaiyak ako... dahil sa nakita kong ang laki ng show.”

Damit ni Dolphy ang suot ni Vandolph noong nakaraang Alay Tawa, A Musical Tribute to the King of Comedy. Kuwento niya: “Actually, I’ve a lot of suits like this. And right now it’s his,” sabay hawak sa suot niyang gray suit. Magkasukat kami, e. Yung beywang lang, medyo lumaki ako nang konti kaya…”


Isa si Vandolph sa walang patid at walang-sawa sa pagpapasalamat sa mga sumuporta sa nakaraang tribute para sa yumao niyang ama na si Dolphy.

Ginanap ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, noong September 19.

Ipalalabas naman ito ng magkakasabay ng ABS-CBN, GMA-7, at TV5, bukas ng gabi, September 30.

Maluha-luha pa si Vandolph habang kausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.

Hindi raw nito akalain na napakalaking gathering of stars pala ang tribute kay Dolphy ng pinagsama-samang puwersa ng GMA-7, TV5, at ABS-CBN.

Nasa entablado pa si Vandolph nang maganap ang interview ng PEP sa kanya habang ninanamnam nito ang naganap na pagtatanghal.

Bungad niya, “Sobrang saya, napaiyak ako kanina dahil sa nakita kong ang laki ng show.

“Naiisip ko rin yung laging sinasabi ng dad ko na gusto niya, masaya at sama-sama yung mga kapwa niya artista.

“I’m sure nandito lang si Daddy, napanood niya yung mga nangyari dito sa stage. I’m sure, happy siya ngayon,” pahayag ni Vandolph.

Anong production number sa show ang pinakanagustuhan niya?

“Ahmm… siyempre yung sa amin—yung parang Jackson Five pero ginawang Quizon Five.”

“Then yung last part, of course. All the brothers, saka si Ate Sahlee sang along with us, ’tapos umakyat pa si Tita Zsa Zsa [Padilla] and Zia [Quizon].

EMOTIONAL. Bakit naiyak na naman siya sa ilang mga segments ng show?

“I still remember him [Dolphy]. ’Tapos, magkakasama kami, ’tapos malungkot yung kanta—emotional pa rin kami,” paliwanag niya.

Marami ang bumilib sa laki ng production ng show lalo na ang attendance ng mga artistang nakibahagi sa tribute.

“Yes, yes. Sa buong buhay ko hindi ko na makakalimutan ito!” pagsang-ayon niya.

Hindi ba siya napi-pressure dahil ang tingin ng mga tao ay sila na ang magpapatuloy ng naiwan ni Dophy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sa aming lahat… pinagsama-sama kami. May forte ako, may forte si Epy, may forte si Kaizz [Eric]. Pero pinagsama-sama mo yung lahat—Dolphy pa rin yun.”


MEMORABILIA. Nabanggit ni Eric ang pagtatayo ng museum para sa mga memorabilia ng kanilang ama, alam ba ni Vandolph kung saan itatayo ang museum?

“Sa Taguig. I don’t know with Kaizz, he’s fixing everything, e. Lahat ng mga damit niya—everything—doon ilalagay.”

Balitang hindi pa ginagalaw ni Zsa Zsa ang ibang mga gamit ni Dolphy.

Ayon kay Vandolph, meron na silang nakuha mula sa mga personal belongings ng ama maliban sa ibang pantalon na hindi raw kasya sa kanya.

“Actually, I’ve a lot of suits like this. And right now it’s his,” sabay hawak sa suot niyang gray suit.

“Magkasukat kami, e. Yung beywang lang, medyo lumaki ako nang konti kaya…”

Pagpapatuloy ni Vandolph, “Almost everything. Lahat ng suits ko galing sa kanya and may binigay siya sa aking letter, birthday card.”

Lahat ba silang magkakapatid meron ding nakuha mula sa gamit ng kanilang ama?

“Ahm… after the libing niya, sama-sama kami, kinuha namin yung mga recent damit niya... Yun.

“Hindi namin nilabhan. Para yung scent lang niya ang maaamoy namin.”

Ano pa bang ibang belongings ng Comedy King ang nakuha nilang magkakapatid?

“Wala pa, wala pa. Pag-uusapan pa lang naming magkakapatid. Ang dami kasing nangyari, e.

“Si Tita Zsa Zsa pa, nagkaroon ng problem kaya naatras lahat," tukoy naman ni Vandolph sa nakaraang kidney operation ni Zsa Zsa.


MOM ALMA. Pati ang ina niyang si Alma Moreno ay may multiple sclerosis na matagal na nitong iniinda.

“Yes, yes,” pagsang-ayon ni Vandolph.

Ano ang napi-feel niya sa tuluyang pagba-back out na nga ni Alma sa nauna nitong intensyon na tumakbo sa Senado?

“Siyempre, masaya ako. Pero darating na lang yun, yung time na yun kung talagang gusto niya—it will come. Pero sa ngayon, health muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang gamot doon. Bawal doon ma-stress at mapagod. Sa States, one in one thousand ang nagkakaroon ng gano’ng sakit.

Si Alma ay nagpapa-stem cell therapy ngayon para sa kanyang karamdaman.

Banggit ni Vandolph, “Yung stem cell niya, nagsimula na. Sana um-effect… awa ng Diyos.”

Matagal nang dala-dala ni Alma ang sakit niyang ito pero wala itong bahid sa mukha at pangangatawan ng dating sexy actress na ngayo’y Parañaque councilor na.

“Ang nagpapalakas kay Mama, kami, e, at ang suporta ng mga tao sa kanya—yun lang naman, e.”

Siya ba ay may intensyong tumakbo sa pulitika?

Tugon agad niya, “Ah, wala pa sa ngayon. Siyempre, inuuna ko muna yung family ko.

“And of course yung nangyari sa amin… sa dad ko. It will come na lang.”

Samantala, patuloy pa rin namang tumatakbo ang career ni Vandolph.

“Kasama ako sa Be Careful With My Heart.

“Matatapos na yung movie namin ni Chairman Rocketts [Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts], yung Fighting Chefs—abangan nila yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN