Dingdong Dantes and Tiktik co-producers target PG-13 rating

Puring-puri ng actor-producer na si Dingdong Dantes ang mga Filipino artists na gumawa ng special effects ng pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles. Sabi ni Dingdong, "Through this project, makikita nila kung gaano kagaling ang mga local artists natin. Kung hindi dahil sa husay at tiyaga nila, hindi matatapos itong project. Kaya hats off tayo sa galing ng Pinoy."


Hindi itinanggi ni Dingdong Dantes at ng iba pang producers ng horror-suspense thriller na Tiktik: The Aswang Chronicles na umabot na sa 70 million pesos ang kabuuang gastos nila.

Ang pelikula ay iprinodyus ng Agostodos Pictures ni Dingdong, Reality Entertainment ni Dondong Monteverde, at ng PostManila Mothership.

Sa October 17 na ito ipapalabas sa mga sinehan.

Hindi naman kataka-takang umabot sa ganung halaga ang Tiktik base sa ipinakitang preview ng pelikula sa press sa PostManila production house sa Makati City last September 26.

Dito ay nalaman ng media kung paano ginawa at nabuo ang pelikula. Makikita rin na pinaganda at binigyan ng realistic feel ang special effects at computer-generated images.

Kuwento ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang softaware na ginamit nila para sa special effects ng Tiktik ay kapareho ng ginamit sa blockbuster Hollywood films na Avatar at Lord of the Rings.

Binusisi raw ng production team ang pagbuo sa images ng mga aswang, pati na ang buong atmosphere ng pelikula gamit ang green screen o chroma wall.

Sabi ni Dingdong, “Sa isang malaking abandoned warehouse sa FTI (Food Terminal Incorporated) in Taguig City ginawa ang buong pelikula using green screens.

“Nabigyan ng illusion ang pelikula na kinunan ito sa isang malayong probinsiya na tinitirhan ng mga aswang.

“Honestly, it’s a painstaking project because it took us like 18 months para mabuo namin ang kuwento ng Tiktik.

“Kasi, hindi lang naman dahil sa pag-shoot at paggawa ng CGI... mahabang proseso ang kailangan, e.

"Ayaw naming madaliin ito because it’s a project na special para sa aming lahat.

“Kaya hindi na namin inisip na it will take almost two years bago matapos ang Tiktik.

"Ang gusto namin ay magandang lalabas ang buong pelikula. Ayaw naming mapahiya.

"We want it to come out great and people will appreciate all the efforts na ibinuhos namin sa project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PINOY ARTISTS. Ipinagmamalaki rin ni Dingdong ang mga mahuhusay na local artists na kinuha nila para makalikha ng mga kakaibang imahe sa pelikula.

“This is our way of showcasing ang husay nating mga Pinoy when it comes to creating images gamit ang mga high-tech equipments ngayon sa paggawa ng pelikula.

“May mga nababasa nga tayo na ang ibang special effects team ng certain Hollywood movie ay binubuo ng mga Pinoy.

"They hire Filipinos dahil alam nilang maingat at maayos magtrabaho. Kaya tayo naman ang magbigay ng trabaho sa kanila.

"Through this project, makikita nila kung gaano kagaling ang mga local artists natin.

“Kung hindi dahil sa husay at tiyaga nila, hindi matatapos itong project.

"Kaya hats off tayo sa galing ng Pinoy,” nakangiting sabi ni Dong.

GOING FOR PG-13. Dahil sa graphic scenes ng Tiktik, hindi na umaasa ang producers nito na makakuha sila ng General Patronage rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang habol na lang daw nila ay PG-13 rating.

Saad ni Dingdong, “Sa trailer na lang kasi, makikita na nila yung gore at medyo violent na mga eksena.

"Tapos yung tagline pa namin ay ‘isang pelikula na may puso, bituka, atay, at iba pang lamanloob.’ So, hindi na siya talaga pambata.

"Kaya tama lang yung PG-13.”

Kahit nga raw ang character ni Dingdong bilang Makoy, na kakainisan ng marami, ay first time niyang ginawa.

“First time kong gumanap talaga ng ganitong kaangas na character.

“Yung sa umpisa pa lang ng movie, maiinis ka na sa kanya kasi laging nagagalit, mainitin ang ulo, nagmumura, tapos walang pinapatawad na patulan—bata man o matanda.

“It’s different from the character I did sa Segunda Mano.

"Doon naman kasi, very creepy siya. Itinatago niya yung totoong evil side niya.

“Sa Tiktik naman, alam mo nang asshole siya. Yung hindi magpapatalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero may rason kung bakit siya gano’n.

"It’s all because he wants to get back with his wife Sonia [played by Lovi Poe] who is pregnant. Nataon lang na inatake sila ng mga aswang.”

SERIES OF ASWANG STORIES. Kung maging matagumpay raw sa takilya ang Tiktik, plano nilang gumawa ng series of aswang stories.

Ayon sa Kapuso actor, “Kaya we kept the title The Aswang Chronicles, kasi marami pa kaming mga balak na kuwento.

“Si Direk Erik Matti kasi, marami siyang parating baon na kuwento tungkol sa mga aswang.

"He’s from Bacolod kasi at marami siyang mga naririnig na kuwento about aswangs noong bata pa siya.

"Kaya we are immortalizing those stories sa big screen.”

INVITATIONS. May invitation na rin daw ang Tiktik: The Aswang Chronicles mula sa iba’t ibang Asian countries for distribution and release, partikular na sa Indonesia at Singapore.

Naimbitahan din ang pelikula na maipalabas sa isang international film festival, pero tinanggihan nila.

Paliwanag ni Dingdong, “Yung film festival na yun kasi, ngayong September siya.

"Hindi na namin tinanggap dahil yung pagtapos talaga ng Tiktik is a week before its playdate on October 17.

“Like what we said nga, ayaw naming madaliin ang project. Gusto namin na maayos at talagang reding-ready na siya kapag ipinalabas na siya.

“Tungkol naman sa distribution, si Dondon [Monteverde] ang nakakaalam niyan.

“Pero he already told me na may mga interesado na i-distribute ang Tiktik sa ibang Asian countries.

“Good news ‘yan kasi nga we’re making a local film that would be at par with some of the best horror films in Asia.”

Bukod sa promotion ng Tiktik: The Aswang Chronicles, abala rin si Dingdong sa pagtapos ng pelikulang One More Try kunsaan kasama niya sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at at Zanjoe Marudo. Isa ito sa official entries para sa 2012 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Busy rin ang actor sa kanyang paghu-host ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Magsisimula na rin siya sa taping ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Haram, na pagtatambalan nila ni Kylie Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN