Part 1. Vice Ganda confident This Guy’s In Love With U Mare will surpass record set by Praybeyt Benjamin

Isiniwalat ni Vice Ganda na nagka-girlfriend siya noon. Kuwento niya, “Nagka-girlfriend po ako ng babae—mga lima rin, noong high school, college po ako. Nakaka-appreciate pa rin ako ng kagandahan ng babae. Hanggang ganoon lang, nagugustuhan ko sila. Bakla na talaga ako. Hanggang sa, ‘ganda nito,’ ganoon.”


Isang bading na magpapanggap na lalaki ang ginagampanang papel ni Vice Ganda sa bago niyang pelikula na This Guy’s In Love With U Mare.

Boyfriend kasi ni Vice sa pelikula si Luis Manzano, pero na-in love si Luis sa karakter ni Toni Gonzaga. Kaya ang ginawa ni Vice ay nagpanggap siyang lalaki upang maligawan si Toni.

Sa presscon ng This Guy’s In Love With U Mare kagabi, September 27, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, tinanong si Vice kung na-in love o nanligaw na siya sa isang babae sa tunay na buhay.

Sagot ng comedian-TV host, “Nagka-girlfriend po ako ng babae—mga lima rin, noong high school, college po ako.

“Nakaka-appreciate pa rin ako ng kagandahan ng babae. Hanggang ganoon lang, nagugustuhan ko sila.

“Bakla na talaga ako. Hanggang sa, ‘ganda nito,’ ganoon.”

Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kung nakaka-relate siya sa role niya sa pelikula.

Biro niya, “Yung role ko kasi rito, bakla, kaya hindi ako masyadong maka-relate.”

Pero dugtong niya, “Sobrang relate, sobra!

“Sabi ko nga kay Direk [Wenn Deramas], ‘Eto, alam mong eksena ko ito sa totoong buhay, dinala-dala mo rito!’”

CRUSH ON KAYE. Consistent naman si Vice sa pagsasabing si Kaye Abad ang crush niya sa mga artistang babae dahil gandang-ganda raw siya rito.

“Gusto ko si Kaye Abad. Gandang-ganda ako sa kanya.

“Ang seksi niya, ang ganda niya. Gustung-gusto ko siya.

“At kung magge-girlfriend ako, si Kaye Abad ang liligawan ko.”

Biro pa ni Vice, “May chance kami ni Kaye. Kasi kahawig ko naman daw po yung taga-Parokya ni Edgar.”

Ang tinutukoy ni Vice ay si Chito Miranda na naging boyfriend noon ni Kaye.

NO SEX, PLEASE. Nagka-girlfrend man daw noon si Vice, pero hindi raw siya nagkaroon ng anumang sexual experience sa babae.

“Hindi ko kaya, e. Minsan malapit na dun, tututok na, biglang hindi na, ang lamig, e! Hindi ko kaya!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong sabi ng mga naging girlfriends niya?

“Hindi ko na sila nakausap. Nahihiya nga ako sa kanila.

“Kasi, lahat ng naging girlfriend ko dati, nung alam ko na hindi na talaga magwo-work, bigla na lang akong nawala.

“Yung iba naman, nakikita ko pa, nanonood sila sa akin sa comedy bar. Nahihiya nga ako.”

STILL A MAN. Kung sakaling gagawa siya ng role na lalaki talaga siya, mabibigyan kaya niya ito ng justice?

“Feeling ko rin po,” sagot ni Vice.

“Kasi, marami akong mga kaibigan… si Toni at kahit sina Anne [Curtis] na kasama ko, ang asta ko raw, lalaking-lalaki pa rin.

“Although sa pananamit ko, pinipilit kong magpa-girl. Pero, lalaki pa rin ako.

“Tulad ngayon, nahihirapan na ako, kasi iniipit ko ang paa ko. E, sanay akong naka-ganyan [nakabukaka].

“Kaya sabi nga nila, ‘Lalaking-lalaki ka pa rin.’

“Kaya feeling ko, kung bibigyan ako ng role na lalaki, kering-keri ko pa rin.

“Huwag lang yung kissing scene sa girl!” natatawa niyang sabi.

Ayaw naman i-reveal ni Vice kung natuloy ba ang kissing scene nila ni Toni sa pelikula.

BREAKING THE RECORD. Ang Praybeyt Benjamin, na pinagbidahan ni Vice nooong 2011, ang may hawak ngayon ng record bilang highest-grossing Filipino movie.

Kaya marami ang nag-aabang kung malalagpasan ng This Guy’s In Love With U Mare ang naging record ng Praybeyt Benjamin.

Sabi naman ni Vice, “Actually, tinanong din ako niyan noon, kung hindi raw ba ako nape-pressure na ang susundan ko, No Other Woman. Sabi ko, no.

“That time, yun na ang dineclare na highest-grossing film of all-time. Sabi ko, ‘Hindi po.’

“Twenty million lang ang kitain ng Praybeyt Benjamin, masaya na ako—basta daily. Na nagkatotoo.”

Excited na raw si Vice na maipalabas ang bago niyang pelikula.

“Parang tagal na tagal nga ako sa October 10.

“Noong makita ko ang The Mistress, dun ako kinabahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, The Mistress na, susunod na yung pelikula namin.

“Tapos, noong tapos na naming gawin ang pelikula, sabi ko, ‘Ang tagal naman, gusto ko nang ipalabas!’

“Nakaka-proud itong pelikulang ito, kampante ako.

“Ito ang pinakamagandang pelikulang ginawa ko. Mas maganda ito nang di hamak sa Praybeyt Benjamin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN