Part 2. Vice Ganda on rumored rift with Ate Gay: “Ie-explain ko na lang po pagkatapos ng concert niya.”

Nasasangkot ngayon si Vice Ganda sa kapwa niya stand-up comedian na si Ate Gay. Pero ayon kay Vice, “Willing po akong sumuporta sa concert niya at magiging masaya ako kung mapupuno niya ang Arena at makamit niya ang mga pangarap niya. Dahil kung makakamit niya naman, wala namang mawawala sa akin. Wala naman akong problema kay Ate Gay o isyu sa kanya.”


Sa presscon ng This Guy’s In Love With U Mare kagabi, September 27, tinanong si Luis Manzano tungkol sa diumano’y pagkakalabuan nila ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Pinabulaanan ito ng actor-TV host sa hiwalay na panayam na lumabas na dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kaya naman naitanong din ang co-star ni Luis na si Vice Ganda kung totoo ang balitang “on the rocks” na rin ang relasyon nito sa isang basketball player.

Sagot ni Vice, “Hindi po.”

“At saka, hindi siya basketball player… basta masaya ang lovelife ko.”

Sino ba kasi ang boyfriend niya?

“Secret!” ang natatawa pa niyang sabi.

Isang player mula sa Far Eastern University (FEU) ang nababalitang boyfriend ni Vice. Kaya hiningan ng reaksiyon si Vice na hindi nakapasok sa UAAP Finals ang FEU Tamaraws.

“Malungkot kasi alma mater ko yun!” natatawa niyang sabi.

Yun lang?

“Affected ako kasi ano ako sa UAAP… at saka, kahit noong high school kami, nanonood ako.

“At saka, kaibigan ko ang mga players,” halatang umiiwas na sagot ni Vice.


KRIS OUT, AI-AI IN? Sinagot naman ni Vice ang isyu na nag-backout diumano si Kris Aquino sa pelikulang pagsasamahan sana nila para sa Metro Manila Film Festival 2012.

Paliwanag ni Vice, “Kung pina-follow n’yo si Kris sa Twitter, siya mismo ang may sabi na may problem siya.

“May nodules kasi si Kris. Ngayon ko nga lang din nalaman.

“After nito [presscon], may meeting kami at doon ko pa lang malalaman ang lahat.

“Ang alam ko lang, nag-backout si Kris kasi nag-tweet na, kasi nga, may nodules.

“Tapos, tinanong ko siya, ‘Ano ‘to, totoo ba?’

“Sabi niya, ‘Oo, kasi nagpalaam na ako, hindi ko na kayang gawin, asawa.’ Sabi niya sa akin.

“Meron siyang teleserye, Kris TV niya, tapos gagawin pa niya itong pelikula.

“’Meron akong kailangang isakripisyo.’ E, mas gusto niya ang hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Kapag naapektuhan ang lalamunan ko, maaapektuhan ang paghu-host ko.’

“So, ako ang pinakahuling nakaalam.”

Hindi naman masagot ni Vice kung totoong si Kris din ang nag-suggest na si Ai-Ai delas Alas na lang ang ipalit sa kanya.

“Hindi ko alam. Hindi ko masasagot kasi hindi ko alam. Hindi ako sigurado kaya ayokong mag-react.”

Kung sakaling si Ai-Ai nga ang pumalit kay Kris, excited ba si Vice na makatrabaho ang Comedy Concert Queen?

“Oo naman, excited din naman. Malaman mo lang na Ai-Ai, di ba, parang exciting na?”

Minsan nang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Vice at Ai-Ai, hindi kaya sila magkaroon ng ilangan kapag nagsama sila sa pelikula?

“Meron,” pag-amin ni Vice.

“Sinabi ko kanina ‘yan, siyempre ako, maiilang pa ako dahil kababati lang namin.

“Hindi naman kami nanggaling sa magkaibigan talaga kami na nagkaroon lang ng something, tapos kababati lang namin.

“Naiilang ako dahil natatakot ako na baka ma-offend ko siya, hindi niya ako magustuhan.

“Kung ano ang magandang nangyayari sa amin ngayon, gusto ko nang pangalagaan.”



ATE GAY. Ikalawang isyung tinanong kay Vice ay away diumano sa pagitan nila ng stand-up comedian na si Ate Gay. (CLICK HERE to read related story.)

“Yung isyu kay Ate Gay, sasagutin ko na lang pagkatapos ng concert niya.

“Wala po akong alam na isyu kay Ate Gay o nasabi kong negatibo o nagawa sa kanyang offense.

“Ie-explain ko na lang po pagkatapos ng concert niya.”

Magkakaroon ng major concert si Ate Gay sa SM MOA Arena sa November.

Patuloy ni Vice, “Pero kung makakausap n’yo po siya, susuportahan ko po ang concert niya.

“Pakisabi n’yo na rin sa kanya na hindi kailangang mang-away.

“Kung may isyu, hindi rin kailangang idaan sa Twitter.

“Willing po akong sumuporta sa concert niya at magiging masaya ako kung mapupuno niya ang Arena at makamit niya ang mga pangarap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil kung makakamit niya naman, wala namang mawawala sa akin.

“Wala naman akong problema kay Ate Gay o isyu sa kanya.”

Hindi naman masabi ni Vice na “magkaibigan” sila ni Ate Gay.

Aniya, “Masyado po kasing malalim ang salitang friend, e.

“Wala naman po kaming pinagsamahan.

“Nagkasama kami sa isang pinagtatrabahuhan, pero sandali lang.

“Nagtrabaho siya sa Punchline, pero umalis siya, natanggal siya.

“Tapos, nagtrabaho rin siya sa The Library for a time, pero nawala rin siya.

“Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkatrabaho talaga.

“Ang huli naming pagtatagpo, noong nag-guest siya sa Gandang Gabi Vice noong episode ni Ate Vi [Vilma Santos].

“So, nagtataka ako na may mga isyu, e, ginuest ko nga siya sa Gandang Gabi Vice.

“Tapos nalaman ko, may concert pala siya,” makahulugang sabi ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN