Prince Stefan on facing showbiz intrigues: “Habang tumatagal ka sa showbiz, alam mo na yung mga pasikut-sikot.”

Prince Stefan’s contract with GMA-7 will expire on March 2013. So, PEP asked if he’s willing to accept offers from other networks. He replied, “Gusto ko rin naman makapagtrabaho or makakilala pa ng mga ibang artista, mga ibang kaibigan, matuto pa.”


Mas handa na raw ngayon ang dating StarStruck avenger na si Prince Stefan na harapin ang mga intrigang kaakibat ng pagiging artista.

Matagal ding nawala sa paningin ng publiko si Prince. At bago pa siya panandaliang umalis sa showbiz, isang intriga ang lumabas tungkol sa kanya.

Matatandaan na sa pag-alis niya noon ng bansa papuntang U.S., nagkaroon ng usap-usapan na gagawin niya ito para magpakasal sa kapwa lalaki.

Una na itong pinabulaanan ni Prince sa isang panayam noon.

Aniya, “Hindi porke tumira ako sa kanya ay live-in na kami.

"Friend ko siya. Minsan, doon ako natutulog, but it doesn’t mean na live-in kami o boyfriend ko siya o asawa ko siya.

“Kung anumang tsismis na lumalabas tungkol sa akin, hindi totoo yun.

“Hindi po ako nagpakasal sa New York, single po ako, wala po akong balak magpakasal.”

(CLICK HERE to read related article)

Sa kanyang pagkawala, sabi ni Prince, naging abala siya sa pagiging real estate agent sa Los Angeles.

Sa press conference ng Magdalena kamakailan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sadyang plano niyang magpahinga muna sa pagiging celebrity.

Sabi ni Prince, “Hindi ko alam kung mag-o-oo ako o hindi, e.

“Pero, yeah, kasi noong time na ‘yon maraming issues, maraming nangyari, maraming desisyong mali.

“May mga tao akong pinagkatiwalaan na akala ko kaibigan ko.”

Sa pagbabalik sa showbiz ni Prince, makikita na raw ang mga pagbabago sa buhay niya.

“I learned my lesson na. Nagbago na ako. I wanna work because I love my work.

“I’m wiser now, I’m smarter now in choosing friends, kung sino yung totoo sa ’yo.

"Kasi hindi naman lahat ng mabait sa ’yo ang kaibigan mo, e.”

Pagdating sa mga intriga, handa na raw siyang harapin ang mga ito.

Aniya, “Kasi pinasok ko ‘to, e. Kasama na sa pag-aartista ang mga tsismis, issue, tabloid, media.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kung may naririnig kang mga ganun, mga negative, ang bilis mong maapektuhan, tamaan.

“Pero siyempre, nagma-mature ang mga tao, nasasanay din.

“Habang tumatagal ka sa showbiz, alam mo na yung mga pasikut-sikot, mga daan kung paano ganito o ganyan.”

Sa kanyang pagbabalik bilang artista, ibig sabihin ba nito ay iiwan na niya ang pagiging real estate agent?

“Hindi. Kasi puwede ko naman sila pagsabayin, e,” sabi ni Prince na nagtratrabaho rin para sa isang local real estate company.

Dagdag pa niya, “Iba kasi kapag may sideline work ka, like, may isa ka pang pinagkakabalahan.

“While you’re on the set, pwede kang you’re doing sa laptop, you’re doing Century [Properties], you’re doing Pru Life.

“Gusto ko kasi busy, since hindi naman ako ganun ka-busy the whole day.

"Hindi kailangang may eksena. I can do double work at the same time.”

LAST SOAP WITH GMA-7? Sa panayam ng PEP kay Prince, nabanggit niya na ang Magdalena ang magiging last soap opera niya sa GMA-7. Matatapos na raw kasi sa Marso 2013 ang kontrata niya sa Kapuso network.

Nang tanungin namin kung may offer ba siyang nakukuha mula sa ibang network, sumagot si Prince, “Sa iba, mayroon. Pero, you know, as long as I have work here, GMA-7 is my first love, my first family, tahanan.”

Pero kung siya ang papipiliin, sabi ni Prince, “I love GMA-7, this is where I started. Nandito yung friends ko, e. Dito ako nagsimula.

“Parang kumportable ka na, kasi kilala mo lahat.

“Unlike kung lumipat ka ng ibang network, mag-a-adjust ka, e.

“It’s like sumali ka ng StarStruck again, fresh. Wala kang kakilala, wala kang kaibigan. So, big adjustment talaga kapag lumipat ka sa iba.”

Gayunpaman, hindi naman sinasara ni Prince ang kanyang pintuan para sa mga offer mula sa ibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin namang makapagtrabaho or makakilala pa ng mga ibang artista, mga ibang kaibigan, matuto pa,” sabi ni Prince.

“You know, kapag may work sa iba at wala naman dito, you know, tao lang naman ako, I need to work.

“I’m not closing my doors sa ibang network. As I’ve said, tao lang ako, I need to work, I need to help myself, I need to help my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN