Rhian Ramos more careful now with herself in special relationship with KC Montero

“If there’s anything naman that I’ve learned, hindi ko siya mai-apply sa relationship ko. Maia-apply ko lang siya sa sarili ko. Na I just have to be more careful with myself. Hindi ko siya magagamit sa ibang tao, e,” sabi ni Rhian Ramos tungkol sa mga natutunan niya sa kanyang mga nakaraang napasukang relasyon.


Iba ang saya sa mga mata ni Rhian Ramos kapag ang napag-uusapan ay si KC Montero.

Habang tumatagal, halatang mas lumalalim pa ang espesyal na pagtitinginan nila.

“Ok naman. Happy naman,” nakangiting sabi ni Rhian nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano na nga ba ang update sa kanyang lovelife.

Hindi raw sila apektado kahit tila may nagtatangka na magkaroon ng isyu sa pagitan nila ni Geneva Cruz na dating karelasyon ni KC.

May usap-usapang naiirita at nagtataray raw si Geneva kapag may nagtatanong dito tungkol kina Rhian at KC.

“I doubt it. Because she’s not that kind of person,” kampanteng sabi pa ni Rhian sa pakikipag-usap sa PEP nung Lunes, Setyembre 24 sa birthday party para kay Senator Ramon “Bong” Revillla Jr. sa Diamond Hotel sa Manila.

Kung sabagay, bakit nga ba niya bibigyang-pansin ang mga intriga? Kung sa ngayon ay masaya naman sila ni KC sa isa’t isa.


GOING OUT WITH MOMS. Pati nga ang mga ina nila ay tila hindi naman tutol sa espesyal na pagtitinginan nina Rhian at KC. Madalas daw kasi silang makitang lumalabas na kasama pa ang mga ito.

“Nag-visit kasi dito yung mom niya na usually nasa States. So, ‘ayun, we eat together every day. At kapag nagpupunta kami sa church ni Mommy, sumasama rin sila,” saad ni Rhian.

Mukhang close na nga siya sa mommy ni KC. So, ibig sabihin ba nito’y boto na ito sa kanya para sa binata?

“Actually, hindi ko naman talaga alam kung boto ba siya o hindi. Pero ano…sana naman!” sabay ngiti niya.

“And I would be very thankful naman kung…hopefully naman ay gusto rin niya ako.”

Wala ba namang problema ang mommy ni Rhian kay KC?

“A, wala.

“And, well… maiintindihan mo naman yung mom ko, she’s just trying to be careful, especially, with me. Pareho lang naman kami. We’re trying our best to be very careful na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, ayaw din naman namin na sa sobrang careful namin, maging sobrang unfair na kami sa tao. So we’re just trying to be fair.

“Pero ano… wala naman kaming nakikitang masama, e. Lalo na ako, wala akong nakikitang masama,” kay KC, ang ibig niyang sabihin.

Mukhang papunta na talaga sa serious relationship ang namamagitan sa kanila ni KC.

“Well, ano… I don’t see anything bad naman bad about it.

“And… wala. I just want it to continue this way. Kasi with the way things are, happy ako, e.”

Mas masaya siya ngayon kumpara sa mga nakaraang pakikipagrelasyon niya?

“Super!” sabay tawa ni Rhian.

“Naman!” tawa ulit niya.


WHAT SHE LEARNED FROM PAST RELATIONSHIPS. Ano yung natutunan niya sa kanyang past relationships na puwede niyang mai-apply sa kanila ni KC ngayon?

“A, well…ayokong mag-compare kasi ayoko namang isipin na lahat na lang ng tao gano’n, di ba? So ayoko silang i-compare kasi nakikita ko naman na ibang-iba talaga.

“Uhm…pero if there’s anything naman that I’ve learned, hindi ko siya mai-apply sa relationship ko. Maia-apply ko lang siya sa sarili ko.

“Na I just have to be more careful with myself. Hindi ko siya magagamit sa ibang tao, e.”


SOSSY PROBLEM. Ok ang lovelife. Okey rin ang takbo ng kanyang career ngayon. Nagsimula na siyang mag-shooting para sa pelikulang Sossy Problem kung saan kasama niya sina Solenn Heusaff at Ruffa Gutierrez.

“Maganda yung movie. Kakaiba ang story. Tungkol siya sa problema ng mga taong sosyal.

“And then do’n sa grupo namin, apat kaming magkaibigan, at ako ang pinakamayaman.

“So, sobrang sarap ng role ko. Magaganda yung scenes.

“Pero makikita sa pelikula na yung mga na ginagawa ng mga everyday na tao, hindi kayang gawin ng mga sosyal.

“Na yung mga simpleng bagay like, may chore na kailangang gawin or may kailangang linisin, hindi talaga kayang gawin ng mga sosyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ‘yon ang parang journey na natututunan nila kung paano,” kuwento pa ni Rhian.

Masasakyan kaya ng masa ang gano’ng story na tumatalakay sa buhay ng mga sosyal?

“Yes. I think so.

“Kasi half of it, para siyang two sides ng coin na…half of it, makikita mo yung…parang, it’s a peek into the inner life of the very wealthy.

“And then the other half of it naman, you can see the girls na inilagay sila sa world nating mga normal. Do’n yung parang relatable na para bang gusto mo na nga silang tulungan, e. Gano’n.”


A GODDESS IN INDIO. MalapIt na ring magsimula ang taping niya for Indio, ang fantasy series na pagbibidahan ni Sen. Bong Revilla sa GMA-7 kung saan isa siya sa mga leading ladies nito.

“Isa akong diyosa sa story nito. Hindi ako tumatanda. So… mula nung bata si Indio [Sen. Bong], hanggang lumaki siya at mag-mature, ‘ando’n ako.

“Exciting para sa akin yung role ko. Kaya nga parang I can’t wait to start taping na,” pagtatapos ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN