PART 1: Derek Ramsay “cool” on being chosen by Aiza Seguerra to be the father of her baby, but says, “I don’t think I’m the type to donate my juices. I don’t want to

“E, kasi, how do you suppose to react? It is…kung babae ang nagkagusto sa ‘yo at nagsabi ng ganyan, iba. If a gay said that, iba rin ang feeling. But for a lesbian to say that, I guess, that’s tough na talaga… it’s cool that she chose me. Ang daming lalaki riyan, di ba?” sabi ni Derek Ramsay tungkol sa pahayag ni Aiza Seguerra na kung magiging ina raw ito, gusto nitong si Derek ang maging ama ng kanyang magiging ana


Sabi ni Derek Ramsay sa presscon ng A Secret Affair kamakailan sa Golden Leaf Restaurant, na-challenge siya sa role ni Andi Eigenmann.

“Sabi ko nga, Andi will shine in this movie,” aniya pa.

“It’s so hard to say this, but it took a lot balls for her to accept this and step out of her image of being a young, innocent teenager.

“Well, this is not a sexy film, it’s a heavy drama.”

Kayang-kaya naman daw ni Andi ang role nito sa A Secret Affair.

“You know, I’m not saying na minani niya. Pero, ang kagandahan kay Andi, she asked questions. Nag-usap kami ni Andi about an hour in the room, about what she’s doing and she finds it hard.

“I sat her down. I talked to her.

“Sinabi ko sa kanya na we’re all here as a team.

“Si Direk Nuel [Naval] is the captain of the ship and I told her, I worked with Direk Nuel many times and she should trust him.

“The way he’s going to treat those scenes, it’s classy, beautiful, sensual. And after those reassurance, ibinigay na niyang lahat.

“Noong napanood niya ang mga rushes, nakita niya,” kuwento pa ni Derek tungkol sa pakikipag-usap niya kay Andi.

Mas daring daw siya sa A Secret Affair kaysa sa No Other Woman.

Hindi lang daw isa ang sex scene nila ni Andi.

“Kami ni Andi, we have more than one. It’s not a love scene, no love involved, just sex,” aniya pa.

Ok lang ba kay Derek na nalilinya siya sa roles ng isang lalaking palaging may “other woman”?

“Mas ok na yun kesa palaging namamatay,” sagot ni Derek.

“E, di ba dati, palagi akong namamatay sa mga pelikula ko? So, mas ok na ‘to.”

Pero depensa ni Derek sa characters niya, hindi naman daw ito babaero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nalagay siya sa isang situwasyon that a lot of guy can relate.

“The weakness sometimes that men have.”


BEING LINKED TO JESSY MENDIOLA. Matapos ang breakup sa girlfriend of six years niyang si Angelica Panganiban, natsitsismis naman ngayon si Derek kay Jessy Mendiola.

Tinanong ng PEP si Derek kung may alam ba siya tungkol dito at kung saan ito nagmula.

“I don’t know,” saad niya.

“Ang nagkuwento nga sa akin niyan, si Andi Eigenmann.

“It’s weird na na-link ako sa mga babae na hindi ko kilala personally.

“I know, who they are because they are famous, they are celebrities. But, I don’t know Sam Pinto personally. I don’t know Jessy Mendiola personally. So, nali-link daw ako.”

Nabanggit din ni Derek si Sam Pinto na na-link nga rin sa kanya, kahit na hindi pa raw sila nagkikita nang personal.

“Sa Greenbelt daw yata kami naglalakad, which is kind of scandalous for us to walk in Greenbelt together,” pahayag pa ni Derek.

Pero nagkasama na ba sila ni Jessy nung nasa ABS-CBN pa siya?

Sagot ni Derek, “You know, I remember Jessy, sabay kaming nag-umpisa sa showbiz. And she was just a little girl sa Panday. I think, she had a short role sa Panday, together with her sister.”

Ang Panday na tinutukoy ni Derek ay ang 2005 TV series version noon ng ABS-CBN starring Jericho Rosales. Ayon sa TV and movies data base site na imdb.com, 2006 pumasok sa show si Derek bilang ang character na si Kahimu.

“At first project ko yun as a celebrity. I think she was one of the characters in Panday. But ever since then, never ko na ulit siyang nakatrabaho.

“Even in Panday, hindi ko na siya ulit nakatrabaho.

“She was part of the cast but never kaming nagkaeksena,” sabi pa ni Derek tungkol kay Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa na lang si Derek nang may nagtanong kung hindi rin ba totoong nakita silang pumasok sa isang hotel.

May sumundot pa ng tanong na baka naman daw motel sila pumasok.

Mabilis namang sumagot si Derek ng, “Hindi ako pumupunta sa motel!”


ON BEING CHOSEN BY AIZA. Hiningan din ng reaksyon ng PEP at iba pang entertainment press si Derek tungkol naman sa naging pahayag ni Aiza Seguerra na kung magdesisyon na raw ito na magdala ng anak sa sinapupunan, gusto raw nitong ang maging ama ay si Derek.

Natawa’t hindi muna nakapagsalita si Derek sa tanong na iyon.

“Not a lot of people know na maganda talaga ang nabuo sa amin ni Aiza,” saad na ni Derek nang maka-recover sa pagkabigla sa tanong.

“Matagal na yun, e. During Ysabela days, Habang May Buhay at yung Habang May Buhay, habang may buhay rin naming ginawa,” natatawa niyang biro.

“So, we really developed a friendship.”

Ano nga ang masasabi niya sa sinabing iyon ni Aiza tungkol sa pagpili sa kanya kung sakaling gustuhin na nitong magdalang tao?

“I guess, that’s the best compliment you can get from someone who’s attracted to women, and if ever, you’ll be put into that situation.”

Pero payag kaya siya?

“Mag-sperm donor?” nakangiting sabi ni Derek.

“I don’t think I’m the type to donate my juices. I don’t want to donate my juices.”

“E, kasi, how do you suppose to react? It is…kung babae ang nagkagusto sa ‘yo at nagsabi ng ganyan, iba. If a gay said that, iba rin ang feeling.

“But for a lesbian to say that, I guess, that’s tough na talaga.”

“With regards to compliment, well, they are not attracted to men, and for her to say that if she could have a kid and she has to choose a guy, it’s cool that she chose me. Ang daming lalaki riyan, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa palagay ni Derek, hindi mangyayari ang bagay na yun sa pagitan nila ni Aiza.

“I don’t think she really wants that to happen,” natatawang sabi ni Derek.

“I think, she was just put in a situation na, what if.”

Pero kung gusto raw ba talaga ni Aiza na mangyari iyon, problema ba kay Derek ito, kung sakali?

“Alam n’yo, sa buong career ko, first time akong naging speechless dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Alam n’yo, kung siya ang nagtanong sa akin, baka puwedeng mangyari, di ba?

“Pareho pa kaming maraming tattoo,” natatawang sabi pa ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN