PART 2: Derek Ramsay says his grieving period is over; denies he has a non-showbiz girlfriend now

“You know guys, sabi ko nga, tapos na ako sa my crying stage and then, my grieving period is done. People think na hindi ako nasaktan sa nangyari sa amin. I don’t like showing myself na umiiyak. Kahit na happy tears,” sabi ni Derek Ramsay tungkol sa pag-iyak niya sa breakup nila ni Angelica Panganiban.


Sa presscon ng A Secret Affair, nabanggit ni Derek Ramsay na happy siya sa lovelife niya ngayon. Ibig bang sabihin nito’y nakahanap na siya ng bagong girlfriend?

“Ang ibig kong sabihin, happy ako ngayon sa buhay ko,” nakangiti namang bawi ni Derek.

Banggit naman ng PEP, may usap-usapan kasing non-showbiz ang girlfriend niya ngayon.

“Ang sabi ko, I want a girlfriend na non-showbiz,” paglilinaw ni Derek.

“You know guys, sabi ko nga, tapos na ako sa my crying stage and then, my grieving period is done. People think na hindi ako nasaktan sa nangyari sa amin.”

Ang hiwalayan nila ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban ang ibig niyang tukuyin.

“I don’t like showing myself na umiiyak. Kahit na happy tears,” patuloy ni Derek.

Gaano katagal naman yung sinabi niyang “grieving period” niya?

“I don’t know, I don’t count the days.

“Ang importante, I got back on my feet. You know and so did Angel. We’re both happy now, we’ve moved-on,” pahayag pa ng Filipino-British hunk.

May komunikasyon na raw sila ni Angelica. Sa katunayan, nang manalo itong best supporting actress sa nakaraang Famas awards, nag-tweet siya ng congratulations dito.

Pero personal na palitan ng text at tawag ay wala pa raw.



“NOBODY’S FAULT.” Kahit pilit na iniintriga tungkol sa totoong dahilan ng breakup nila ni Angelica, patuloy pa rin sa pagsasabi si Derek na, “It’s nobody’s fault.

“She did not do anything wrong,” sagot pa ni Derek sa mga bintang na diumano’y ipinagpalit siya ni Angelica kay John Lloyd Cruz.

Tinanong naman kay Derek ang tungkol sa minsang pagtu-tweet daw ni Angelica na tila galit ito sa isang tao.

May mga nag-assume na si Derek ang pinatutungkulan ng mga galit na tweets ni Angelica.

“My name wasn’t put there,” depensa ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody just assumed it was me. She never came out that, ‘Derek this, Derek that…’

“So, I don’t know why na lagi na lang pinag-aaway kami.

“Noong kami pa, pinag-aaway kami. Noong tapos na, pinag-aaway kami,” nasabi na lang ni Derek.

Sa tagal ng naging relasyon nila ni Angelica, napalapit na ang aktres sa pamilya ni Derek. Kumusta naman ngayon ang pamilya ni Derek after the relationship?

“Well, just like me, they we’re disappointed with the outcome.

“But, we’re both adults and we made the decision. They will support the decision that we’ve made.

“My parents won’t hold a grudge against Angel. They gave her the respect that she deserved when we we’re together and she’s always there for our family gathering…Christmas, New Year, nandoon siya."



FORGOTTEN GOOD TIMES. Nanghihinayang daw siya sa mga masasayang sandali ni Angelica kasama siya at ang kanyang pamilya. Kung paanong ipino-post at sine-share pa noon ni Angelica sa kanyang Twitter account ang mga masasayang sandaling iyon.

Ang nakikita na lang daw ng mga tao ngayon ay mga negatibong issue sa pagitan nila ng dating girlfriend.

“Suddenly, those things are forgotten. Puro negative na lang.

“The breakup is not negative. That’s life. We both made a decision.”

Kahit wala na sila ni Angelica, nasasabik pa rin daw si Derek sa pagdating ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

“Favorite time of the year. Alam n’yo naman, kapag Pasko, I never miss a time with my family. Christmas, pamilya lang ‘yan.”

Palagay ni Derek, masyado rin siguro kasi silang naging bukas ni Angelica sa publiko noon sa relasyon nila kaya nung maghiwalay sila, napakaraming haka-hakang negatibo ang naglabasan.

“I don’t think there’s a need for any explanation on why we brokeup.

“We were very open with our relationship, that’s why people followed and anticipated after our relationship, because we were true and real to everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s sad lang na yung mga good times namin, nakalimutan na.”

Patuloy niya, “Angel taught me about this industry. She taught me about life.

"She taught me the other side of the Philippines, she showed me that. I showed her the world. I brought her to places that she never goes to.

“Sana the six-year relationship that we had, yun ang matandaan ng mga tao na we had a healthy six years together.”


ALWAYS A LOVE TO GIVE. Naging bukas din sila sa publiko kung gaano siya naging kagalante pagdating sa mga bagay na ibinibigay niya noon kay Angelica.

May nagbato tuloy ng tanong kung magiging generous pa rin daw kaya siya sa susunod na makakarelasyon.

Nakangiting sabi ni Derek, “When I say generosity, I’m very generous.

“And it’s not the gift that’s worth this or that. I’ve always love to give.

“Sometimes too much, and that’s my problem. Not just to my girlfriend, but, every year, basta Pasko, and Joji is a witness to it,” nabanggit pa ni Derek ang manager niyang si Joji Dingcong.

“Palagi akong may dalang bitbit na four, five friends, or even guys na kakakilala ko lang.

“Kapag alam ko na hindi sila magpa-Pasko kasama ang pamilya, I’d say, ‘C’mon, join us.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN