Vin Abrenica on his edge over Artista Academy rivals: "Yung passion at puso ko nandito po talaga… Desidido po ako na maging sikat at magaling na artista.”

Sa pagkukumpara kay Vin Abrenica sa mas sikat niyang kapatid na si Aljur Abrenica: “Siyempre po, alam ko naman po na habang buhay ko nang dala-dala iyon. Sinabi po sa akin sa simula pa lang na mahihirapan po ako, na dadalhin ko po iyon kahit saan ako magpunta. Simula pa lang po, hindi pa po ako nag-aartista noon may comparison na talaga. Hanggang ngayon meron pa rin namin at sa future pa. Handa naman po ako doon at tanggap ko naman po yun.”


Nakahinga na nang maluwag si Vin Abrenica dahil sa siguradong slot niya sa Final 6 ng Artista Academy, ang reality artista search ng TV5.

Pero tuloy pa rin daw ang pakikipaglaban niya para sa inaasam niyang panalo.

Noong Setyembre 22 kasi ay inanunsiyo na si Vin, kasama sina Akihiro Blanco, Chanel Morales, at Sophie Albert, ang siguradong pasok na sa Final 6 na panggagalingan ng mananalong Best Actor at Best Actress na magkakamit ng pinagsamang P20 milyon halaga ng papremyo.

Sinasabing si Vin daw ang pinakakontrobersiyal na estudyante o finalist sa Artista Academy dahil sa iba’t ibang isyu sa kanya, gaya ng pagiging kapatid niya ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica at diumano’y paborito raw siya ng judges ng show.

Pero sa kabila nga ng mga isyung ito ay nakapasok pa rin siya sa Final 6. Ano ang nararamdaman niya?

Sabi ni Vin, “Despite the issues nakapasok po ako… sobrang saya po.

“Nung natawag po ako na sure na makakapasok sa Final 6, nag-flash back po lahat sa akin.

“Nung nakapila ako sa audition sa Araneta Coliseum, nung nakatayo po ako doon ng otso oras na dala-dala ko yung malaki kong gitara na mabigat.

“Yun po talagang pumila po ako, hindi po ako nag-shortcut kahit iniisip nila na, ‘Kapatid ni Aljur iyan. Pwede nang ipasok iyan sa loob.’

“Yung ganun pong kuneksyon na puwede akong mag-shortcut. Pero hindi ko po ginawa.

“Dumating po ako doon ng alas-nuwebe ng umaga. Natapos po ako ng alas-tres ng madaling araw kinabukasan.

“So, yun po, nagpa-flashback po sa akin. Lahat po iyan, naiisip ko every Live Exam na pinaghihirapan ko, pinagpupuyatan ko ay nagkaroon po ng bunga. Sobrang saya po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin kagabi, Setyembre 28, sa TV5 Broadway Studio sa Quezon City.

Ngayong gabi, Setyembre 29, naman malalaman sa Live Exam kung sino sa sampung finalists mula sa Danger Zone at Tropang Kickouts na sina Mark Neumann, Benjo Leoncio, Chris Leonardo, Jon Orlando, Brent Manzano, Malak So Shdifat, Shaira Mae, Nicole Estrada, Stephanie Rowe, at Marvelous Alejo, ang mapipili para sa natitirang dalawang slots sa Final 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAVORITE STUDENT? Una ngang isyung inusisa ng PEP kay Vin ay tungkol sa komento ng ilan na diumano’y “favorite” daw siya ng judges at critics. Ano ang masasabi ni Vin dito?

“Kung favorite man po ako ng critics… kung may favoritism po talaga, kung madalas akong napipili, para po sa akin nakabase naman po sa grades. Kasi meron naman po kaming grades na nakahiwalay po sa school namin. ‘Tapos iba’t iba po yung teachers namin doon. At saka imposible naman po na lahat ng teachers favorite ako.”

Dagdag pa ng 21-year-old aspiring actor, hindi naman daw isa lang ang nagdedesisyon kung sino ang magiging top student o yung nasa bottom.

“Nakabase rin po kasi sa grades sa school. Nagta-top po ako dun. Actually, nag-top po ako this week sa school when it comes to voice po. So, sa favoritism issue po, ginagawa ko lang po yung best ko lagi.”

Nasasaktan din daw siya sa isyung ito dahil alam naman niya sa sarili niya na pinaghuhusayan niya ang lahat ng challenges at activities sa academy at sa show.

“Medyo masakit po para sa akin yun kasi iniisip nila, ‘Ay kaya lang iyan nasa itaas, kaya lang siya nagta-top kasi favorite siya.’ Syempre po para sa akin masakit iyan kung alam ko na ginagawa ko yung best ko at alam ko po yung katotohanan na may basehan po ng iba’t ibang grado. Kung yun po ang naiisip nila gusto ko pong patunayan na mali yun.”

ALJUR’S BROTHER. Isa pang isyu ay ang paggamit daw niya sa kanyang koneksyon bilang kapatid ni Aljur. Ano ang reaksyon niya rito?

“Para po sa akin, hindi ko naman po maitatago na may koneksyon po talaga ako [sa showbiz] dahil yung kapatid ko nga po, si Kuya Aljur ay talagang kapatid ko po siya at sikat siya ngayon. Hindi ko naman maiiwasan na isipin ng tao yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas mahirap bang patunayan ang kanyang sarili dahil may sikat siyang kapatid?

“Siyempre po, alam ko naman po na habang buhay ko nang dala-dala iyon. Sinabi po sa akin sa simula pa lang na mahihirapan po ako, na dadalhin ko po iyon kahit saan ako magpunta.

“Simula pa lang po, hindi pa po ako nag-aartista noon may comparison na talaga. Hanggang ngayon meron pa rin namin at sa future pa. Handa naman po ako doon at tanggap ko naman po yun.”

Ano ang plano niyang gawin para mapantayan o maangatan niya ang estado sa showbiz ng mas sikat na kapatid niya?

“Para po sa akin, basta gagawin ko yung best ko when it comes to acting, singing, and dancing, when it comes to performing. At saka magkaiba naman po kami ng istasyon, e.”

Anong advice na ang ibinigay sa kanya ni Aljur?

“Ang advice niya po, halimbawa po pagdating sa acting, ilabas ko lang daw po kung ano ang nararamdaman ko. Kasi hindi naman daw po puwede na i-physicalize ko lang yung iiyak lang ako. Mas maganda raw po na mararamdaman ko sa puso ko at saka ko siya ilalabas sa pisikal.

“At saka pagdating naman po sa performance, talagang importante raw po talaga na huwag daw pong mawawala ang koneksyon sa audience kapag nagpe-perform.

“Halimbawa, ‘pag kumakanta, kailangan may koneksyon ka sa audience mo, lalo na sa iyong mata.”

Nasasaktan din ba siya kapag naiintriga ang kapatid niya?

“Siyempre po. Lalo na po kung masama pong mga intriga iyan, syempre po apektado rin po ako.

“Mahal ko po ang kapatid ko. Sa lahat po ng mga taong nakakakilala sa kanya, isa po ako doon sa pinakanakakakilala sa kanya lalo na magkasunod kami at kilala ko po talaga yung pagkatao niya.

“Lalo na po ‘pag mali po yung mga intriga, nasasaktan din po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod daw sa pagiging magkapatid, mag-bestfriend din daw sila ni Aljur.

EDGE OVER RIVALS. Ano ba ang edge niya sa kanyang mga kalaban?

“Para po sa akin, yung edge ko po siguro yung puso. Yung passion at puso ko nandito po talaga. Ito po talaga ang gusto ko at desidido po ako na hindi lang maging isang artista.

“Desidido po ako na maging sikat at magaling na artista.”

Ano ang gagawin niya sa mapapanalunan niyang P10 milyon?

“Ako po, ang gagawin ko po sa ten million kung makukuha ko po siya, ang gagawin ko po siguro po kukuha lang ako ng konti para po sa akin para lang pang-celebrate. ‘Tapos lahat po ibibigay ko na po sa magulang ko.

“Si Daddy po kasi simula noong ipanganak siya mahirap po siya. Bata pa lang nagtatrabaho na siya. Ayoko na pong nagtatrabaho siya lalo na po alam kong matanda na siya. Gusto ko na naka-settle na lang siya at may nag-aasikaso na lang sa kanya at sa pamilya namin. Gusto ko ako naman po yung magtrabaho at babayaran ko yung pagpapalaki niya sa amin.”

Ok lang ba sa parents niya na dalawa na silang artista sa pamilya?

“Ngayon medyo ok na po. Kasi dati medyo hindi, kasi wala pa pong nagtapos sa family namin. Yung daddy ko, ‘tapos yung nanay ko hindi po sila tapos. Lalo na si Kuya [Aljur], hanggang high school lang po siya, ‘tapos nagho-home study siya.

“Ako naman po nakatapos naman po ako ng Culinary Arts sa Global Culinary and Hospitality Academy [GCHA]. Kasi nagtayo po ng business si Daddy na restaurant, so, kailangan ko po ng background sa pagluluto…’ayun po.”

Memorable nga rin daw ang pagpasa niya sa audition ng Artista Academy noong June 19 dahil ito rin daw ang araw ng pag-graduate niya sa GCHA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN