Cogie Domingo still adjusting to fatherhood; finally reveals identity of mother of his child

“Maraming sacrifices lang, hindi lang naman ako kundi pareho kami. Kailangan naming alagaan talaga yung baby. Yung normal routine mo dati, maiiba talaga lahat yun. Medyo nahirapan pa ako, hindi pa ako nakapag-adjust pa masyado,” sabi ng aktor na si Cogie Domingo tungkol sa pagiging ama. Sa una ring pagkakataon ay ipinakilala ni Cogie sa media ang ina ng kanyang anak, si Kristal Hancock.


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na si Cogie Domingo at ang partner nitong si Kristal Hancock noong September 28, sa birthday party ni Colonel Jude Estrada sa may Greenhills, San Juan.

Kasama nina Cogie at Kristal ang kanilang two-month-old baby na si Raina.

Tinanong ng PEP si Cogie kung ano ang mga pagbabago sa buhay niya simula nang dumating sa buhay nila si Raina.

Sagot niya, “A, iba na siyempre, nag-a-adjust pa kami… Hindi pa ako full father kasi hindi pa ako nakapagpalit ng diaper ng bata.”

Pero kahit hindi pa siya masyadong marunong sa pag-aalaga ng bata, sinabi ng aktor na sinusubukan niya ang pagtupad sa mga gawain ng isang ama.

Ani Cogie, “Pero lagi naman ako nagigising sa madaling-araw. Palit-palit kami ni Kristal.

“Pero tama ba yun? Dapat ba magkaroon ng yaya?”

Wala silang yaya para kay Raina?

“Wala, e, kasi gusto naming lumaki yung bata sa piling namin. Sulitin namin na kami lang muna.”

Hindi naman daw iyakin ang kanilang anak, pero minsan daw ay may sumpong din.

Kuwento ni Cogie, “At times, maingay. Minsan lang, hindi mo na lang ini-expect na tulog na tulog ka na or kakatulog mo lang, saka pa lang iiyak.”



SIMPLENG BINYAGAN. Naikuwento rin ni Cogie sa PEP na malapit na nilang pabinyagan ang kanilang baby girl.

“Baka next week siguro or in two weeks.

“Meron na, meron na kaming mga napiling ninong at ninang, halo siya.

“Sa showbiz, si Nanay Cristy Fermin, si bossing Jude Estrada...

"Yun lang, kasi maliit lang naman, hindi naman maramihan. Tsaka na yung engrandeng binyagan.”

May plano na rin ba silang pakasal ni Kristal?

Tugon ni Cogie,Wala pa naman, element of surprise muna.”



THE MOTHER. Noong lumabas ang balitang pag-amin ni Cogie na ganap na siyang ama last August 11 dito sa PEP, hindi pa niya pinangalanan ang ina ng kanyang anak. "Very private" daw kasi ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Pero ngayon ay pumayag na si Cogie na makapanayam ng PEP ang ina ng kanyang anak, si Kristal.

Kinumusta muna namin kay Kristal kung nagbi-breastfeed ba siya sa kanilang baby ni Cogie.

Sagot nito, “I used to, but I stopped. Kasi sa kabila lang siya nahihilig [turo nito sa kanang dibdib].”

Kamusta naman si Cogie bilang ama?

“Okay naman. He’s there naman lagi.”

Pero may ibinuko naman si Kristal tungkol kay Cogie.

May nabanggit kasi si Kristal na “mas pagod” siya sa pag-aalaga ng kanilang anak dahil, “Hindi siya marunong magpaligo ng bata, pati magpalit ng diaper, ayaw niya.”



ADJUSTMENT. Paano ang nagiging adjustment nila sa panibagong yugto ng buhay nila?

Tugon ni Cogie, “More on homeboy muna ako.”

Dagdag naman ni Kristal, “Ang hirap nga noong una kasi I was breastfeeding, di ba, first two weeks, post-partum depression ka.

“Parang habang nagbi-breastfeed ka, umiiyak ka, kasabay mo yung baby na umiiyaka ka din.

"Pero after a while, nasanay na rin.

“Nababawasan yung paglabas-labas naming pareho.”

Pahabol naman ni Cogie, “Maraming sacrifices lang, hindi lang naman ako kundi pareho kami.

"Kailangan naming alagaan talaga yung baby.

"Yung normal routine mo dati, maiiba talaga lahat yun.

“Medyo nahirapan pa ako, hindi pa ako nakapag-adjust pa masyado.”

Sa huli, thankful naman si Kristal sa ka-partner.

Aniya, “Thankful lang na he’s around helping out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN