Julie Anne San Jose on talk about Elmo Magalona-Lauren Young relationship: "Kung saan siya masaya, dun din naman ako..."

Julie Anne San Jose recalls how her team-up with Elmo Magalona started: “Kumbaga, in the first place, we’re just a singing tandem. Kumbaga, pero ayun, naging hit yung team-up namin together. So the management decided to push us as a loveteam kumbaga.”


Hindi lang pala love songs at R&B ang kayang kantahin ni Julie Anne San Jose.

Sa isang event ng sikat na brand ng sapatos noong September 22 ay napamangha niya ang audience nang nag-rap siya sa isang bahagi ng kanyang song number.

Pagkatapos ng event ay tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang talento sa pagra-rap.

“Yeah, actually, lately ko lang din natutunan yung pagra-rap.

“I was like listening to rap music, so tapos ginagaya ko talaga yung mga rap singers kung paano nila gawin yung kanta… so ayun.”

Abala ngayon si Julie Anne sa Party Pilipinas at sa ilang singing engagements, pero wala pa raw siyang bagong proyekto sa Kapuso network pagkatapos ng Together Forever.

"So far, wala pa pong sinasabi sa akin but hopefully magkakaroon po.”


JULIEMO. Kinumusta rin ng PEP kay Julie Anne ang kanyang ka-loveteam na si Elmo Magalona.

“Okay naman kami, okay na okay talaga kami. We’re still getting to know each other and marami kaming natutunan sa isa’t isa.”

Ano yung mga natutunan niya kay Elmo habang ginagawa nila ang launching movie nilang Just One Summer?

“Natutunan ko sa kanya? Marami... matakaw siya. Joke lang!

“I just realized na sobrang malaki yung potential niya na maging actor.

“Ayun, nakita ko sa kanya yung pagiging versatile niya sa lahat ng bagay, kasi yun talaga ang nagpapatagal sa isang artist.”

Marami ang nagsasabing hindi maganda ang resulta sa box office ng pelikula nina Julie Anne at Elmo.

Ano ang reaksiyon ni Julie Anne dito?

“I don’t think so, kasi base naman po sa mga reviews and sa mga feedback mula sa mga tao…

“Maganda naman po yung movie kasi ginawa naman po lahat ng best namin sa movie, para mapaganda talaga yung movie.

“I don’t think na maniwala silang ganyan-ganyan, kasi hindi naman namin inakala na magkaroon kami ng movie, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, in the first place, we’re just a singing tandem.

"Kumbaga... pero ayun, naging hit yung team-up namin together.

“So the management decided to push us as a loveteam kumbaga.”

Dagdag pa ni Julie Anne, “Ayun, nag-start na siya sa mga soap like Andres de Saya, Daldalita… what else? Basta yun.

“Hanggang sa… yun, nagkaroon kami ng movie and marami naman talagang supporters na nandiyan para sa amin.

“Blessing, it was really a blessing for us, kasi parang isa rin sa mga pangarap ng isang artista na magkaroon ng movie, di ba?”

Umaasa pa rin si Julie Anne na muli siyang magkaroon ng pelikula pagkatapos ng Just One Summer.

“I’m looking forward to it.”



ELMO AND LAUREN YOUNG. May mga nagsasabi naman na hindi masyadong kinagat ng moviegoers ang kanilang tambalan dahil sa totoong buhay ay may ibang nagmamay-ari ng puso ni Elmo.

May katotohanan nga bang ang kanyang ka-loveteam ay in love kay Lauren Young?

Sagot ni Julie Anne, “I can’t comment on it, kasi ako naman, labas na ako dun.

“Hanggang hindi niya sasabihin yung tungkol sa kanyang personal life... kasi private life na niya yun, e.

“And I want also to give respect kasi siyempre may kanya-kanya din naman kaming buhay.

“Kung saan siya masaya, dun din naman ako. Happy naman ako sa loveteam namin.”

Sa ngayon daw, sobrang thankful lang si Julie Anne na unti-unti na niyang nakakamit ang mga pangarap niya sa buhay.

“Yeah, I would like to believe so, kasi nagkaroon na po ako ng album, nagkaroon ng mga shows sa TV, tapos movie.

“I’m really really thankful to the Lord.

“And I guess I was really blessed kasi He has given me all the opportunities, and sobrang grateful talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN