Dingdong Dantes on status of relationship with girlfriend Marian Rivera: "We’re at the peak of happiness."

Dingdong Dantes on being a film producer: “Mas naintindihan, mas minahal ko ang trabaho ko dahil dito, kasi hindi siya madali. Almost all of my life in this career, may producer ako. Kumbaga, ginagawa ko yung trabaho na ipinapagawa nila sa akin. Ngayon, nakikita ko kung gaano kakumplikado, kung ano ang pinagdadaanan nila dahil na-experience ko na siya. Mas mamahalin ko na ang ginagawa ko bilang aktor, hindi ko na siya babalewalain.”


"We’re at the peak of happiness."

Ito ang tugon ni Dingdong Dantes nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng relasyon nila ngayon ng kasintahang si Marian Rivera.

Saad ng Kapuso actor, “Kung ire-rate at ira-rank ko yung relationship namin mula nang mag-umpisa kami, I think parang we’re at the peak of happiness.

"We’ve never been this happy.

“Parang ngayon, nagsi-sink in ang lahat dahil mas mature kami ngayon. Ang dami nang napagdaanan, ang saya lang ng feeling.

“I can say pareho kaming secure.

“Parang kasi siyempre, sa umpisa, hindi naman ganun kaperpekto.

"Pero you know, along the way, kapag marami na kayong pinagdaanan, mas magiging matatag ‘yan and security is one of those definitely.”

Pero kailan ba talaga magaganap ang kasalan na inaabangan ng kanilang mga tagahanga?

Sagot ni Dingdong, “Sino bang hindi may gusto nun? Pero para sa akin, darating ang tamang panahon para diyan.

“Napag-usapan, pero hindi pa naman masyado.

"Pero hindi ko ide-deny na we’re getting old, but we don’t want to preempt things also.”

Si Dingdong ay 32 years old, samantalang si Marian naman ay 28.



BUMPING INTO KARYLLE. Kamakailan ay idinaos ang Bench Universe sa SM MOA Arena, kung saan kabilang sa mga rumampa si Dingdong at ang ex-girlfriend nitong si Karylle.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung nagkita ba sila ni Karylle sa backstage? Ano rin ang masasabi niya sa obserbasyon ng ilan na ang laki ng iginanda at ikinaseksi ngayon ni Karylle?

Sagot ni Dingdong, “Hindi ko siya nakita, hindi kami nagbatian.

“Anyone in the industry, as long as na magiging successful, e, masaya ako para sa kanila.

“Kumbaga, kahit paano, maliit lang ang industriyang ito.”

TIKTIK. Sa October 17 ay ipalalabas na ang pelikula ni Dingdong na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Bukod sa pagiging bida ng Tiktik ay isa rin sa siya sa mga producer nito sa pamamagitan ng kanyang Agostodos Pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwang ni Dingdong dito ang Reality Entertainment, Mothership Studios, PostManila, at GMA Films.

Si Erik Matti ang direktor ng Tiktik.

Sa budget ng pelikula na P70 million, wala ba siyang kaba na baka hindi maibalik ang ginastos nila dahil sa laki ng production cost nito?

Sagot ni Dingdong, “Everything is a risk. Pero more than monetary reason or expectation, ginagawa namin ito dahil gusto talaga namin.

“It’s really part of something that we can contribute later on.

“At gaya ng sabi ni Dondon [Monteverde], we’re taking it a notch higher... proud kami na nagawa namin.”

Ayon sa aktor ay matagal na talaga niyang gustong mag-produce ng pelikulang tulad ng Tiktik: The Aswang Chronicles.

“Dati pa naman, gusto ko na talagang pumasok sa pagpo-produce and I was just waiting for the proper opportunity—and heto yun.

“Five years ago pa ang ganitong konsepto ng work ni Direk Erik Matti and Dondon Monteverde.

“At dahil nagka-partner kami sa restaurant business ni Dondon, before, napag-usapan namin and nag-jam kami ng mga ideas kung paano puwede kaming mag-contribute sa ating minamahal na industriya.

“We came up with the idea of collaborating and nag-umpisa ang birth ng Tiktik.”

Karamihan ay positibo ang feedback ng Tiktik dahil sa high-tech na special effects nito at kakaibang texture.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “Nakakatuwa dahil consistent ang kanilang comments and parang they really are interested.

“Ibig sabihin nun, ganun sila ka-thirsty na makakita at maka-experience ng isang gawang Pinoy na dekalidad.

“I feel very proud na kasama ako sa project na yun.

“Pero gusto kong malaman nila na kung ano lang yung nakikita nila [sa trailer] is just a portion of what the whole movie is.

“Kumbaga, it’s just a piece of pie.”

LOVING THE INDUSTRY MORE. Ayon kay Dingdong, ang pagiging producer ang naging daan para mas lalo niyang mahalin ang industriya at ang pagiging isang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Mas naintindihan, mas minahal ko ang trabaho ko dahil dito, kasi hindi siya madali.

“Almost all of my life in this career, may producer ako. Kumbaga, ginagawa ko yung trabaho na ipinapagawa nila sa akin.

“Ngayon, nakikita ko kung gaano kakumplikado, kung ano ang pinagdadaanan nila dahil na-experience ko na siya.

“Mas mamahalin ko na ang ginagawa ko bilang aktor, hindi ko na siya babalewalain.”

Sabi pa ni Dingdong, excited na rin si Marian na mapanood ang Tiktik.

“Sobra kasi yung support niya. Hanggang ngayon, sa mga interviews niya, ipinu-promote niya.

“Kumbaga, alam niya yung pinagdaanan namin at alam niya yung hirap din, kasi araw-araw pag nagkukuwento ako sa kanya, we talk about it.

“Kami ni Erik, ni Dondon, nakikita niya how excited I am and she’s very supportive.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN