Daniel Padilla on being his family’s breadwinner: “Pana-panahon lang ‘yan, nagkataon na ngayon ako yung nakakatulong, bakit hindi?"

Wala pang linaw kung nag-uusap na ang mga tiyuhin ni Daniel Padilla na sina Robin Padilla at BB Gandanghari. Sabi lang ni Daniel: “Wala yun. Talagang natural lang yun na tampuhang magkapatid... nangyayari naman talaga yung ganun.”


Bilang isa sa pinakasikat na young actors ngayon, hindi maiiwasan na pukulin ng mga intriga si Daniel Padilla.

At isa sa isyung ipinupukol sa kanya ngayon ay siya raw ang breadwinner ng kanyang pamilya.

Ayon sa mga lumalabas na kuwento ay pasan lahat ng young actor ang pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Si Daniel ay anak ng dating aktres na si Karla Estrada at ng character actor na si Rommel Padilla. Ngunit matagal nang hiwalay ang mga magulang ng young actor.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) kay Daniel sa backstage ng ASAP 2012 noong Linggo, September 30, ay ipinaliwanag niya ang isyung ito.

"Pana-panahon lang ‘yan, nagkataon na ngayon ako yung nakakatulong, bakit hindi?

“Pamilya mo ‘yan, sila ang nagpalaki sa iyo, ano ba ang karapatan mo para humindi?

“Matagal na naman nila akong puwedeng iwan sa mall, di ba? Pero hindi nila ginawa kaya utang na loob ko na sa kanila yun.”



WITH UNCLE ROBIN. Sa ngayon ay abala si Daniel sa shooting ng pelikula na pinagsasamahan nila ng tiyuhing si Robin Padilla sa kauna-unahang pagkakataon, ang Kuratong Baleleng.

Masayang ibinalita ng young actor na mas naging close sila ngayon ng kanyang Tito Robin habang ginagawa nila ang pelikula.

Kuwento ni Daniel, “Oo, iba na yung relationship namin ngayon—yung pagiging tito ko siya, parang erpart na rin.

“Masaya ang shooting... Padilla ang lahat ng angkan namin.

"Pag si Tito Robin ang kaharap mo, bigla kang aayos.

“Siyempre, mahihiya ka din, at talagang ’Aayusin ko ito para matuto.’”

Tinanong din ng PEP si Daniel kung nagkaayos na ba ang Tito Robin niya at ang kapatid nitong si BB Gandanghari.

“Wala yun. Talagang natural lang yun na tampuhang magkapatid... nangyayari naman talaga yung ganun.

“Saka wala naman kaming karapatang magtampo... sino ba naman kami? Hindi naman kami kapatid,” sabi ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRINCESS AND I. Consistently number one sa Kantar Media-TNS survey ang kinabibilangang primetime series ni Daniel sa ABS-CBN, ang Princess And I.

Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ng young actor sa mga taong tumatangkilik at hindi bumibitiw sa kanilang programa.

“Masaya siyempre, kasi nagpe-pay off na rin ang lahat ng ginagawa naming pagpupuyat araw-araw.

“Maraming-maraming salamat sa inyong lahat."

Pero dagdag niya, “May pressure siyempre, kasi kailangan naming ituluy-tuloy ito. Basta marami pa silang dapat abangan.

“Gaya ng kung paano poporma si Gino kay Mikay na prinsesa at lalaban kay Jao.”

Si Daniel ay gumaganap bilang si Gino, si Kathryn Bernardo si Mikay, at si Enrique Gil naman si Jao.

Sa kuwento ng Princess And I ay magdedesisyon si Mikay kung sino ang pipiliin niya kina Gino at Jao.

Masaya rin si Daniel dahil dalawang linggo pa lang ang nakalilipas ay nag-gold na ang soundtrack album ng Princess And I.

“Maraming salamat, napakasaya namin dahil first time na nagkasama-sama sina Ms. Angeline Quinto, Christian Bautista, at iba pa.

“At nag-gold kami, so maraming salamat talaga.”



MUTUAL UNDERSTANDING. Dati, pag tinatanong si Kathryn kung totoong may mutual understanding na sila ni Daniel, ang laging isinasagot ng young actress ay "malabong usapan" daw ito kaya "M.U."

Nang tanungin ng PEP si Daniel tungkol dito, ito ang kanyang sinabi:

“Okay kami ni Kathryn—relaxed, chill—hindi na capital M, yung malabo.

“Basta sasabihin ko naman kung mayroon, pero ngayon wala pa talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN