Phil and James Younghusband proud of Azkals’ victory at Peace Cup; “available” to play again for the Philippine football team

Masaya ang magkapatid na James (kaliwa) at Phil (kanan) Younghusband sa kauna-unahang international title na nakuha ng Philippine men’s football team o Azkals sa katatapos lang na Peace Cup. Bagamat hindi sila nakasama sa laban na ito, lagi naman daw silang “available” na bumalik para sa iba pang mga laban ng koponan.


Ngayong araw, October 2, ay lilipad papuntang Singapore ang magkapatid na Phil at James Younghusband, kasama ang koponan ng Loyola Meralco Sparks, para sa semi-finals ng Singapore Cup.

Makakalaban ng Loyola Meralco Sparks ang reigning champion mula sa Singapore, ang Tampines Rovers, sa Oktubre 4.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sina Phil at James kanina, Oktubre 2, sa press conference ng Kenny Rogers Restaurant sa Teacher’s Village, Quezon City.

Saad ni Phil tungkol sa kanilang nalalapit na laban, “The game coming up in Singapore is the biggest game in Philippine football club history.

“So it’s a big game, and if we do well, it will be another step forward for the Philippine football.”



OUT OF AZKALS. Samantala, masaya naman sina Phil at James sa tagumpay na nakamit ng Philippine men’s football team, o Azkals, sa katatapos lamang na Peace Cup.

Naganap ang laban ng Azkals kontra Taipei noong Setyembre 29 sa Rizal Memorial Stadium, kung saan nasungkit ng Philippine national football team ang kauna-unahan nitong international title—nang wala ang magkapatid na Younghusbands.

Ani Phil, “We’re happy, we’re all Filipinos and we want them to win, we’re happy for our teammates.

“We’re super proud of them and we want to play with them soon.

“I mean, at the end of the day, as long as the country wins, then we’re happy.”

Hindi nakasama sa laban na ito ang magkapatid na Younghusbands dahil daw sa “economic and non-economic issues.” (CLICK HERE for related article.)

Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon nina Phil at James sa naging pahayag ng Azkals coach na si Michael Weiss sa panayam nito sa GMA News noong Setyembre 30.

Sinabi ni Weiss na ang mga manlalaro ng Azkals ngayon ay “without prima donnas... people who think they already have achieved something in football.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw nang magkomento nila Phil at James tungkol sa naging pahayag na ito ng kanilang coach.

Wika ni James, “Its okay, we’ve been following them and we want to give Coach Weiss big congratulations, they did a great job for Peace Cup.

“The team is up with the Middle East, we wish them all the best.”

Dagdag naman ni Phil, maaaring iba ang ibig sabihin ni Coach Weiss sa naging pahayag nito.

Madalas daw kasing may mga nasasabi ito na hindi naman literal na ganoon ang ibig sabihin.

Giit pa ni Phil, “We have a great relationship with Coach Weiss, and something we know is that communication is important.

“So, I mean, our reaction is, we won’t say anything unless we meet him personally.”

Kung ang paglalaro naman muli para sa Azkals ang pag-uusapan, ang sagot ni James: “That’s not our decision.

“We’re available, we’re available always, we’re waiting for their call, and we’re looking forward to play with the team again.

“As what Phil said, we’re very proud of the team and its fantastic news for Philippine football,” pagtukoy pa ni James sa tagumpay ng Azkals.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN