Kim Chiu on Gerald Anderson: “We’re very good professionally. Hanggang doon na lang po, wala na pong lalagpas dun.”

Does Gerald Anderson ask Kim Chiu about Xian Lim? The young actress replied, “Hindi naman siya nagtatanong. Mas mabuti nang hindi. Mas mabuti na yung ganun na lang. Wala na yung personal na contact sa isa’t isa.”


Blooming si Kim Chiu nang dumating siya sa presscon ng Ina Kapatid Anak kaninang tanghali, October 3, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN. Suot ng young actress ang white dress na idinesenyo ni Neric Beltran.

Ayon kay Kim, 34 days na silang nagte-taping para sa Ina Kapatid Anak, ang kanyang bagong primetime teleserye na mapapanood na simula October 8. Papalitan ng nasabing teleserye ang Lorenzo’s Time na magtatapos sa Biyernes, October 5.

Kasama ni Kim sa bagong soap na ito sina Maja Salvador, Enchong Dee, at Xian Lim. Kasama rin nila ang veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Eddie Gutierrez, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, at Ariel Rivera; at ang komedyante na si Jayson Gainza.

Sa kanilang bagong proyekto, napansin daw ni Kim na may mga nagbago sa kanyang leading man na si Xian kumpara noong magkatrabaho sila sa teleseryeng My Binondo Girl.

Kuwento ng young actress, “Mas madaldal si Xian ngayon at hindi na siya nahihiyang lumapit sa akin. Saka mas lumalim ang friendship namin.

“Ngayon, hindi na kami nagkakailangan.

"At siyempre, mga taping namin more than 24 hours, so mas naging close kami ngayon.”



NEW LOVE? Mga dalawang taon na rin ang nakalilipas mula noong maghiwalay si Kim at ang dati niyang kasintahan na si Gerald Anderson.

Ano ang pumipigil kay Kim na pumasok uli sa panibagong relasyon?

“Sa akin po, medyo naisip ko na pag magkarelasyon kayo, mahirap sa trabaho, lalo na as a loveteam.

"Katulad ng dati, pinasok namin pero hindi umayos. Medyo nahirapan ako na tumayo as myself dito sa showbiz,” saad ni Kim.

Dagdag niya, “Ngayon, kami ni Xian, sinisimulan pa lang as a loveteam, so iniingatan ko muna yun at mas mahal ko ang trabaho ko.”

COLD AND LONELY CHRISTMAS? Ngayong darating na Disyembre ba ay magiging malamig ang Pasko ni Kim?

“Hindi naman siya malamig kasi nararamdaman ko naman na may nagmamahal sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw niya, “Hindi naman kay Xian. Meron naman akong pamilya, kaibigan…”



SEPARATING PROFESSIONAL FROM PERSONAL LIFE. Mas magiging maingat na raw si Kim ngayon sa pagprotekta niya sa kanyang bagong loveteam.

“Malaking bagay po kasi na makatrabaho kayo then yung eksena ninyo, kiligan, tapos magkaaway kayong dalawa, hate n’yo ang isa’t isa.

"Mahirap ngang gawin yun, lalo na ngayon, nagsisimula pa lang ang loveteam namin.

"Yun yung iniingatan ko ngayon.”

Pero, open ba siya na ang kanyang makakarelasyon ulit ay kapwa niya showbiz personality?

“Opo, kasi wala naman akong kaibigang non-showbiz," sagot ni Kim.

May mga nagpaparamdam bang iba sa kanya bukod kay Xian?

“Meron naman po, pero hindi consistent. Hindi ko rin madalas nakikita,” sabi ni Kim tungkol sa manliligaw na ayaw niyang pangalanan.



WORKING ANEW WITH GERALD. Balik-tambalan sina Kim at Gerald sa upcoming movie na 24/7 In Love. Ito ay co-production venture ng Star Magic at Star Cinema para sa 20th anniversary celebration ng talent arm ng Kapamilya network.

Kumusta naman ang experience ni Kim na makatrabaho muli si Gerald sa set ng movie?

“Okay naman kami, magkaibigan kami, nagkukwentuhan.

"Nasa point na kami na nagkukwentuhan kami, nagbibiruan.

"Parang bago kaming magkaibigan na matagal nang magkakilala.”

Paano nalampasan ni Kim ang paghihiwalay nila noon ni Gerald?

“Siguro sa amin ni Ge [tawag niya kay Gerald], siguro pag nagma-mature ka, maa-accept mo. Matatanggap mo na hanggang dun na lang kayo.

“And para saan pa kung magtatanim ka ng galit kung yung taong yun, e, iisang circle lang ang ginagalawan ninyo?” sagot ng dalaga.



XIAN LIM. Napapag-usapan ba nila ni Gerald ang tungkol sa panliligaw ni Xian sa kanya?

“Napapagbiruan lang. Tinatawanan lang namin.

“Biruan lang, pero hindi yung serious na kuwentuhan.”

Nagtatanong ba si Gerald tungkol kay Xian?

“Hindi naman siya nagtatanong.

"Mas mabuti nang hindi. Mas mabuti na yung ganun na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na yung personal na contact sa isa’t isa.”

Nagte-text pa rin ba sila ni Gerald sa isa’t isa?

“Hindi na po, nagkikita lang kami sa set. Tutal, we’re very good professionally.

"Hanggang doon na lang po, wala na pong lalagpas dun.”

Napapag-usapan din ba nila ang tungkol sa panliligaw ni Gerald kay Sarah Geronimo dati?

“Tinutuksu-tukso ko lang sila.”



XIAN’S MOM. Noong October 1 episode ng Kris TV, sinabi ng ina ni Xian na si Mary Anne Cruz-Lim na sana raw ay sagutin na ni Kim ang kanyang anak.

Sa naturang phone interview ay pinuri rin ng nanay ni Xian si Kim.

Ayon kay Mrs. Lim, “I can see a different glow in his eyes. Malaking tulong ’yon na si Kim, I can see na aside from being sweet, Kim is very old fashioned.

“The first time we talked, sabi ko kay Xian, ’You find a nice girl.’ And ’yan na nga siya.

"Sana sagutin niya na si Xian.”

Bumungisngis si Kim bago sinabing, “Nahiya nga ako, e. Sabi nga ng RM [road manager] ko, ‘Bakit nagtatago ka sa likod ni Xian? Nandiyan ba ang nanay ni Xian?’

“Nahiya naman ako na puring-puri ako ng mommy niya. Nakakatuwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN