Albie Casiño: “Lahat ng haters na galit sa akin, sorry.”

Isa si Albie Casiño sa dumalo sa Esquire Ball 2012 noong October 2 sa Shang-La Makati. Pero umiwas ang Kapamilya young actor nang tanungin tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.


Bihirang dumalo sa showbiz functions ang young actor na si Albie Casiño.

Pero sa Esquire Ball 2012 noong October 2, Martes, na ginanap sa Shangri-La Makati, ay dumating si Albie kasama ang dalawa pang kaibigan.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Pinapunta po ako ng management ko.”

Kumusta na siya ngayon?

“I’m okay, I’m good,” tugon niya.

Ayon kay Albie, back to school muna siya ngayon.

“Nag-aaral na po ako ulit. Export Management po ang course ko sa College of Saint Benilde.”

Bakit ito ang napili niyang course?

“’Yan po kasi ang ginagawa ng daddy ko, e, so madali lang sa akin.”

Sa ngayon daw ay sinisikap niyang pagsabayin at gawing balanse ang kanyang panahon sa pag-aaral at pag-aartista.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, kasalukuyang ginagawa ni Albie ang Shake Rattle & Roll 14 para sa Regal Entertainment.

Kasama siya sa “Unwanted” episode na pagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe.

Pagkatapos ng The Animals, na naging entry sa Cinemalaya 2012, sinabi ni Albie na hindi muna siya tatanggap ng indie film.

Paliwanag niya, “As of now, wala pa po, kasi kasi parang ayoko masyadong maraming ginagawa kasi nag-aaral po ako.

“Parang ngayon, Shake… lang muna.”

Wala pa rin daw siyang bagong project sa kanyang home network, ang ABS-CBN.



ON ANDI EIGENMANN. Hindi rin siyempre nakaligtas si Albie sa mga tanong tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Pero nang tanungin kung okay na sila ni Andi, ngumiti lang si Albie at sinabing, “A… no comment.”

Ngayong nalalapit na ang Pasko, kung may mga tao siyang gustong makabati, sinu-sino ang mga ito? Kasama kaya dun si Andi?

Hindi sumagot dito si Albie pero may mensahe naman siya sa mga “haters” niya:

“Lahat ng haters na galit sa akin, sorry.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN