Meryll Soriano on pursuing her studies: “Kailangan kong mag-aral kasi iyon ang pangarap ko—ang makatapos.”

Ipinagmamalaki ni Meryll Soriano ang naging desisyon niyang makapag-aral muli. Sa panibagong yugto ng kanyang buhay, sabi niya, “Maganda nga iyon, alam ko na ang gusto ko, so naka-focus na talaga ako sa gusto kong gawin. Hindi yung parang, ‘Ano bang gusto kong gawin?’ Di ba? Pag bata ka, confused ka pa.”


Kababalik lang ngayong unang linggo ng Oktubre si Meryll Soriano mula sa kanyang pag-aaral sa London, England.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meryll sa cast party ng Sapi noong September 28 sa bahay ni Direk Brillante Mendoza.

Masayang ikinuwento ni Meryll sa press ang tungkol sa kanyang pag-aaral sa isang kolehiyo sa London.

Sabi niya, “Naka-one year na ako sa Product Design—three years pa ako.

“I’m actually starting my first year in product design. Ang una kong course was foundation muna, so parang prerequisite iyon.”

Ang kursong kinuha ni Meryll ay bahagi ng isang industrial design course, leading to the degree of Bachelor of Arts Honors Product Design.

“Dati ko pa talaga gustong mag-aral noong eighteen pa lang ako.

“Ngayon pa lang. Ito talaga ang first time ko... talagang pangarap ko siya. At least, nahabol ko.”

Saan siya nag-aaral sa London?

“Sa Central St. Martins. It’s in King’s Cross in London. Bago na ang university namin.”

Saan naman siya nag-i-stay sa London?

“Sa Notting Hill. O, di ba? Sosyal!” banggit ng pamangkin ng aktres na si Maricel Soriano.

Ang boarding house ni Meryll ay nasa isang lugar na tahimik at masasabing safe o hindi delikado.

Sabi niya, “Doon ako. Siyempre, may edad na rin ako. Thirty na ako this year, so gusto ko dun sa medyo safe at tahimik.

“Meron akong housemate. She’s half-Italian, half-Filipino... Masaya!” bulalas ng aktres.



PREMIUM ON EDUCATION. At thirty years old, masasabing Meryll gives importance to education, na hangad din ng sinumang babaeng tulad niya.

“Kailangan kong mag-aral kasi iyon ang pangarap ko, ang makatapos, for myself... not for anybody.

“Bale four years siya pumapatak. Three years pa. Nandito naman ako pag summer breaks.

“Wala namang problema. Parang overdue na nga, e. Hindi naman ako nahihirapan.

“Maganda nga iyon, alam ko na ang gusto ko, so naka-focus na talaga ako sa gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yung, parang ‘Ano bang gusto kong gawin?’ Di ba? Pag bata ka, confused ka pa.

“Kaya blessing din naman na hindi ibinigay sa akin ng Diyos ang pagkakataon.

"Kasi kung noong bata siguro ako, ‘Ay, ito ang gusto ko! Ito ang gusto ko!’ Mahirap naman ’yon.

“So, tama rin talaga yung time na ibinigay sa akin ng Diyos,” saad ni Meryll.

Ang maganda raw, nakapag-establish na muna siya ng career sa local show business at naging award-winning actress pa.

Tungkol naman sa kanyang pagpapatuloy sa college, sabi raw ni Maricel sa pamangkin: “At least, nagawa mo yung hindi namin nagawa noon...”

Noong magkaroon si Meryll ng chance makapag-aral, itinuloy na niya ang pagtatapos ng kolehiyo sa London.

Bukod dito, nagkaroon pa siya ng baby with former actor Bernard Palanca na pinangalanang niyang Eladia. Limang taon na ito ngayon.

Sabi ni Meryll, “Yes! So, kumpleto na ako, di ba? I’m very blessed!

“Ganoon na siya kalaki! Ang laki na niya!”



FAMILY GATHERINGS. Nasa pangangalaga si Eladia ng mommy ni Meryll na si Bec-bec Soriano.

“Nagkikita kami, every Sunday, kasi meron kaming family gathering.

“Dinadalaw namin si Mommy, sa Eternum, sa puntod niya,” sabi ni Meryll, na ang binabanggit ay ang kanyang lolang si Linda Soriano.

Close din si Meryll sa kanyang Tito Mel Martinez na half-brother ni Maricel.

“Okay naman... nag-e-AD [assistant director] pa rin siya for commercials.

“Minsan, nagge-guest-guest din siya.... magaling si Tito Mel!” kuwento ni Meryll about his uncle.



LOVELIFE. Bukod kay Bernard Palanca, naging boyfriend din ni Meryll ang aktor na si Joem Bascon pero short-lived din ang naging relasyon.

“Oo, bata, e. Ibinigay sa akin ng Diyos iyon nang maaga pa,” sabi ng aktres.

Mayroong bagong boyfriend si Meryll, isa ring aktor, pero ayaw niyang banggitin ang tungkol sa bago niyang relasyon.



INDIE FILM SAPI. Ang Sapi ay latest indie film para sa production outfit ni Direk Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagbibidahan ito ni Meryll kasama sina Dennis Trillo, Baron Geisler, at Kristoffer King.

Although natapos nang i-shoot ang Sapi, ayaw magbigay ng detalye si Meryll dito.

“Kakaiba siyang suspense-thriller—malalim!” she hinted.

Paano nagkaroon ng pagkakataon si Meryll na maidirek ni Brillante Mendoza?

“Before kasi... nandito ako noong June, July, August, September...” banggit ng aktres.

“Una, nagkita kami ni Direk sa Brussels [Belgium], entry dun yung Donor.”

Ang Donor ay Cinemalaya 2010 entry ni Direk Mark Meily na nanalong Best Picture sa 37th Brussels Independent Film Festival.

Nanalo rin doon si Meryll ng best actress award para sa pagganap niya sa pelikula.

Nagkataong mayroon ding ipinalabas na pelikula doon si Direk Brillante kaya nag-meet sila ni Meryll.

Dito nabuo ang planong idirek siya ni Brillante in a project, at ito na nga ang Sapi.

“Alam mo naman si Direk Mendoza... Sabi ko nga, ‘Direk, pag meron tayong festival doon [sa Europe].

“Well, ‘Kita na lang tayo, ang lapit ko na! Inaasar ko siya!” natatawang sabi ni Meryll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN