Maja Salvador on gender issue about Enchong Dee: "No. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi totoo iyon!"

Magse-celebrate ng birthday si Maja Salvador sa Biyernes, October 5. Kung bibigyan siya ng regalo ng ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, ano ang masasabi niya? Sagot ni Maja: “E, di bongga! Kung meron, e, di bongga!”


First time na magiging magka-loveteam nina Maja Salvador at Enchong Dee sa Ina Kapatid Anak, ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.

May napansin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa panayam kay Maja sa presscon ng kanilang teleserye kahapon, October 3.

Naka-angkla ang kamay ni Maja sa kaliwang bisig ni Enchong habang ini-interview sila.

Nagpaliwanag agad ang young actress tungkol dito.

Sabi ni Maja, “Gustung-gusto kong nilalambing si Enchong!”

Inaasahan din daw nila ni Enchong na mali-link sila sa isa’t isa ngayong sila naman ang magka-loveteam.

“Ganoon naman po, e, di ba? Kapag may trabaho, nali-link ka sa ka-loveteam mo? Natural na ‘yan, e.

“Pero ngayon, yung sa amin ni Enchong, ibang friendship lang kasi,” sabi ng Kapamilya young actress.



BREWING ROMANCE? O baka sinasakyan lang nila ngayon na magkaroon ng romantic angle sa kanila dahil nga sila ang magkapareha sa Ina Kapatid Anak?

“Ay, hindi. Alam namin sa isa’t isa na hindi namin sinasakyan ang career ng bawat isa.

“Uhm… nirerespeto ko siya at alam kong inirerespeto ako ni Enchong. At very supportive kami sa isa’t isa.”

Hanggang ngayon, may mga nang-iintriga at nagdududa pa rin sa gender ni Enchong. Hindi ba naaapektuhan ng isyung ito ang pagtingin niya sa actor?

Tugon ni Maja, “No. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi totoo iyon!

“Siyempre, di ba, bilang nandito kami sa industriyang ito, may mga lalabas at lalabas na ganyan.

“Pero ako na ang nagsasabi na hindi.

"And I’m very lucky na ka-loveteam ko siya ngayon.”



SAM MILBY? Napaarko ang kilay ni Maja nang mausisa naman siya tungkol sa pagkaka-link niya kay Sam Milby.

“Hindi po totoo,” diin ni Maja.

Pero bakit sila natsitsismis?

“Kasi nga, nakita kami sa concert ni Sarah G [Geronimo]. Na biglaan lang naman kaming magkasama noon.

“Friends lang kami ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kapag ganyan na friends, hindi maiwasang nalalagyan talaga ng ibang kulay.”



BIRTHDAY WISH. Sa October 5 ay ipagdiriwang ni Maja ang kanyang 24th birthday. Ano ang birthday gift ang inaasam niyang matanggap?

“Gusto ko ng plane ticket! Kasi kagagaling ko lang sa France and… grabe pala, iba yung U.S. sa France… sa Europe.

“So, parang sobrang gusto kong i-explore yung Europe naman."

Sino naman ang gusto niyang makasama next time na mag-travel siya sa Europe?

“Ako lang.”

Hindi niya gugustuhing makasama si Enchong? Malay niya kung ilibre siya nito ng ticket sa eroplano?

“Siguro… more projects pa. Siguro kapag nagka-movie kami, magiging deal naming dalawa iyon.”

Birthday wish naman niya?

“Yung bigyan pa ako ng maraming energy at happiness sa buhay.

"Kasi masaya rin kapag nakakapag-share ka ng happiness sa mga tao, e.

“Alam mo yung… parang mas lalong gumaganda ang buhay kapag masaya ka lang sa buhay mo.

“Siyempre, di ba? Kung hindi ka masaya, paano mo ise-share iyon sa ibang taong mahal mo?”

Ano ang plano niya sa birthday niya?

“May taping po ako. Madaling-araw na kami matatapos.

“Yung mga cousins ko, sabi nila pagkatapos daw ng taping...

"Hindi ko pa alam. Depende kung what time po matatapos yung taping.”



BIRTHDAY DATE. Wala bang special someone na magyayaya na mag-celebrate sila ng kanyang birthday?

“Kung may special someone, si Enchong po iyon!” sabay tawa ni Maja.

Four months na ang nakararaan mula nang mag-break sila ni Matteo Guidicelli. Wala ba siyang manliligaw talaga ngayon?

“Hindi ko naman kasi kinu-consider na panliligaw yung mga text, di ba? Parang... siyempre, kailangang mo ng totoong effort.

“Nakakapag-reply naman ako sa mga text. Pero hindi naman ligaw iyon—ganoon lang, e.”

Friends ba sila ni Matteo ngayon pagkatapos ng split nila?

“Civil po kami sa isa’t isa. Okey po kami,” maikli niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan ba niya na makatanggap siya ng birthday gift mula kay Matteo kahit break na sila?

“Ay, siyempre hindi na po.”

Paano kung meron pala?

“E, di… bongga! Kung meron, e, di bongga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN