Zsa Zsa Padilla on missing Dolphy: “Some days are harder than the rest but I cry once in a while. I cry a little every day.”

Ikinatutuwa ni Zsa Zsa Padilla ang nangyayaring bonding niya sa pamilya Quizon. Kuwento niya, “Texts, always constant yun... calls. Minsan tatawag si Vandolph, wala lang… mangungumusta. Si Eric madalas kong kausap, mga texts-texts... sila Junior, Sally. Gaya ng ginagawa naming ng mga girls ko—lunch, dinner... mga ganyan.”


Namahinga lang sandali si Zsa Zsa Padilla mula nang sumailalim siya sa kidney operation sa Los Angeles sa Amerika.

Nag-guest na siya sa morning show na Kris TV at nandoon din siya sa Dolphy Alay Tawa, na tribute sa yumaong partner niyang si Comedy King Dolphy.

Ngayon ay balik-trabaho na ang Divine Diva at nitong mga nakaraang linggo ay napapanood na siya sa ASAP 2012.

Masayang ibinalita ni Zsa Zsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mas maayos na ang kalagayan niya ngayon at magsisimula na rin siyang mag-shoot para sa isang pelikula.

Kuwento niya, “Better naman na, nakakabakasyon na.

"I’ve started working last Sunday, medyo easy pa ang schedule ko.

“Pero I think weeks from now, I’ll start working already, yung Lola Basyang."

Ang Mga Kuwento Ni Lola Basyang ay entry ng Unitel Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.



NEW ROUTINES. Nagkaroon na rin si Zsa Zsa ng health routine na paghahanda sa pagsabak niya muli sa trabaho. Naninibago ba siya sa bago niyang lifestyle?

“Hindi naman, and I really want to go back to work. Medyo bored na rin ako.

“I’m better—a lot better. A couple of days ago, pinost ko na nag-swimming na ako.

“Hindi naman todong workout, pinapakiramdaman mo pa rin ang sarili mo.”

Kung dati’y maingat na siya sa kanyang kalusugan, doble raw ang ingat niya ngayon.

“I sleep by eight [p.m.] or nine and wake by five a.m.—mga thundercats!" natatawang sabi ni Zsa Zsa, na ang ibig tukuyin ay ang sleeping habit ng mga matatanda.

“Lahat naman ng mga nasa Twitter ko na ka-age ko or thereabouts, gising na kami, ‘Ano ba ang nangyayari?’” tanungan daw nila.

“Kanina, six a.m., hindi pa nag-a-alarm ang relo, gising ka na kasi walang nightlife, walang ano… healthy living talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkain, meron din siyang mga pagbabago, lalo na sa mga bawal.

Kuwento ng 48-year-old singer-actress, “Marami... maalat, number one, sweets...

"Kinakain ko na lang, number one, vegetable, fruits, saka fish, and shellfish.

“Sensitive yung kidneys ko in a sense na pag may nagawa akong mali or may nakain na hindi tama, sasakit talaga siya.

“Puwede mo naman i-ignore yun kung gusto mo, pero siyempre better judgment tells you or, otherwise, huwag ka na lang magpasaway.

“Pati pagkain talaga, even dark chocolates, which I like, bawal."



TRIBUTE TO DOLPHY. Star studded at sinuportahan ng tatlong big networks (ABS-CBN, TV5, at GMA-7) ang Dolphy Alay Tawa at labis-labis ang pasasalamat ni Zsa Zsa sa lahat ng artista at networks na sumuporta rito.

“Doon makikita na nagkakaisa ang lahat. Masaya yung feeling.

"Sabi nga ng iba, sana maging yearly itong event na ito.

“And I hope that nobody leaves the industry, may nawala sa buhay natin para magkaisa-isa.”

Ipinaliwanag din ni Zsa Zsa sa PEP kung bakit hindi siya nagpaunlak ng interview noong gabing iyon.

“Kasi parang ano… saka nagpakulay ako ng buhok noon na lumalabas na masama.

“They will always tell you, ‘Masamang magpakulay ng buhok, may mga toxins ‘yan.’

“Dun ko lang naramdaman talaga for the first time, may effect siya talaga so I really have to try another brand."



MEMBER OF FAMILY. Nagpa-interview din noong gabing iyon ang anak na si Karylle, na ayon dito ay naramdaman niya na bahagi siya ng pamilya Quizon.

(CLICK HERE to read related story.)

Pagmamalaki niya, “Oo, siyempre naman love namin siya [Karylle]. Alam mo naman ang pamilya namin, napakalaki talaga and she’s part of that family."

Nang kumustahin naman namin ang relasyon ni Zsa Zsa sa mga anak ng namayapang partner, masaya niyang ikinuwento na tuluy-tuloy ang komunikasyon niya sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lately hindi pa but there will be a meeting set for all of us… ang hirap kasing i-gather sa dami.

“Texts, always constant yun... calls.

"Minsan tatawag si Vandolph, wala lang… mangungumusta.

"Si Eric madalas kong kausap, mga texts-texts... sila Junior, Sally.

"Gaya ng ginagawa naming ng mga girls ko [Karylle, Zia, and Nicole]—lunch, dinner... mga ganyan.”



MEMORIES. Sa nakaraang interviews, inamin ni Zsa Zsa na minsan ay bumabalik siya sa stage na hindi pa niya matanggap ang pagkawala ni Dolphy.

Aminado ito na may mga pagkakataon pa rin na hindi niya mapigilang umiyak at malungkot kapag naaalala niya ang yumaong partner.

Salaysay niya, “Oo, mayroon pa rin talaga.

"Nag-birthday kasi si Zia last Sunday—first birthday niya na wala ang Papa niya. Hindi naman madali yun, di ba?

“Tapos ako naman, nung pupunta ako ng Cambodia, sinabi sa akin na baka kailangan ko ng photo na hindi ko naman kinailangan, dahil baka yung visa daw.

“Naghanap ako sa drawer ko ng mga pictures ko. I came across Dolphy’s letter for me… hagulgol ako nang hagulgol… may mga araw na ganyan.

“Some days are harder than the rest but I cry once in a while. I cry a little every day.

“Of course, may mga araw talagang mas mami-miss mo yung tao.”



MISSING DAD. Ilang araw na lang at Pasko na at dati’y isa itong selebrasyon na inaabanagan ng pamilya Quizon.

Ngayon ay isa na raw itong malungkot na araw dahil wala na nga ang Comedy King.

Wika ni Zsa Zsa, “Ang plano namin ay huwag maglagay ng decor at huwag tortyurin ang sarili.

“It’s gonna be very difficult, we plan to go to Korea.

“We discovered that planning this trip helps kasi you’re looking forward to something—aalis ka—may adventure.

“Remember, sinabi ko sa inyo before na mayroon akong bucket list? Itinutuluy-tuloy ko lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Cambodia is one place I visited… ang dami ko pang gustong dalawin.

“Korea is our next spot.

"Tapos next year, hopefully, pag nag-tour kami sa US, gusto naming mag-side trip ng family ko to Cuba, South America.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN