Director Mike Tuviera says leaving GMA-7 to move to TV5 not an easy decision

Hindi man naging madali ang desisyon ng direktor na si Mike Tuviera na lisanin ang GMA-7, excited naman na siyang simulan ang kauna-unahan niyang proyekto sa TV5, ang Kidlat na pagbibidahan ng bago ring Kapatid na si Derek Ramsay.


Pumirma ng two-year exclusive contract ang film and TV director na si Mike Tuviera sa TV5.

Si Direk Mike ang hahawak sa kauna-unahang action-fantasy series ni Derek Ramsay sa Kapatid Network na may titulong Kidlat.

Ang Kidlat ang unang proyekto ni Direk Mike sa TV5 pagkatapos niyang lisanin ang GMA-7.

Ayon sa young director, maayos naman siyang nagpaalam sa mga nakatrabaho niya sa GMA-7, na unang nagbigay ng break sa kanya bilang TV director.

NOT AN EASY DECISION. Inamin ni Direk Mike na hindi naging madali sa kanya ang ginawa niyang desisyon na lumipat ng TV network after working for the Kapuso network for six years.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Malaki ang utang na loob ko sa GMA-7 dahil una silang nagtiwala sa akin bilang isang director.

“Hindi madaling pagdesisyunan ang lahat.

“Wala naman akong naging problema with GMA-7 in terms of my work.

“Kaibigan ko na ang lahat ng nasa production kasi nga ilang shows na ang nahawakan ko.

“But it’s a career growth for me. Gusto ko naman na masubukan ang magtrabaho sa ibang TV network.

“The opportunity came and mahirap na hindi ko pansinin.

“When they presented me with the storyline of Kidlat, that really impressed me and I wanted to be part of the project.

“There’s really nothing personal, trabaho lang naman lahat ito.”

Nakausap ng PEP si Direk Mike sa press conference ng Kidlat last September 30 sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex in Pasay City.

Si Direk Mike ay anak ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE Inc. at APT Entertainment.

FOREVER THANKFUL. Nang mabigyan ng break si Direk Mike sa GMA-7 noong 2006 sa pamamagitan ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez, nagkasunud-sunod na ang TV projects niya.

Siya ang nagdirek ng Atlantika, Lupin, Codename: Asero, Kaputol Ng Isang Awit, Ngayon at Kailanman, Luna Mystika, Sana Ngayong Pasko, Panday Kids, Dwarfina, Futbolilits, The Good Daughter, at Faithfully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang film director naman, ginawa niya ang mga sumusunod:

TxT, Shake Rattle & Roll 8 (“LRT” episode), The Promise, Shake Rattle & Roll 9 (“Bangungot” episode), Shake Rattle & Roll 10 (“Nieves” and “Emergency”), Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie, at Super Inday and the Golden Bibe.

Hinintay muna raw ni Direk Mike na mag-last taping day ang huling idinirek niyang afternoon series sa GMA-7, ang Faithfully, bago siya pumirma sa TV5.

Ayaw man daw bitawan ng GMA-7 si Direk Mike, wala naman daw kasi itong kontrata sa kanila.

Saad ng direktor, “I will forever be thankful to GMA-7 for giving me that break.

“Medyo malungkot nga to say goodbye. But, who knows, baka balang-araw ay bumalik ulit ako sa kanila para magtrabaho.

“What’s important is that I am not burning any bridges.”

EXCITED FOR KIDLAT. Excited na si Direk Mike na masimulan ang action-fantasy series na Kidlat.

Sabi niya, “Tutok talaga kami sa takbo ng story ng Kidlat. It has to be different from the usual superhero story.

“May magandang storyline—yung taong-tao pa rin ang dating. Hindi lang yung basta na lang nagkaroon ng superpowers.

“And there’s a big struggle between accepting that power or not. Kasi nga, may kailangang i-sacrifice.

“So that’s just part of the story we are developing for Kidlat. Abangan na lang nila ito.”

Si Direk Mike na rin ang nagkuwento na ang costume na isusuot ni Derek sa Kidlat ay gawa ng costume makers ng Hollywood films na X-Men, The Avengers, at Daredevil.

Nagkaroon na raw ng fitting si Derek para sa costume nito at makikita ang expensive at especially-made costume ni Kidlat sa big launch ng action-fantasy series na ito ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN