Rodrigo Duterte says no cabinet position for Leni Robredo; refuses to hurt Bongbong Marcos

May 31, 2016
<p>"Alam mo, wala ako talaga. I am non-committal ako diyan. You know why? Kilala ko si Bongbong Marcos. I do not want to hurt him. Si Leni, she should understand that she belongs to the opposite side. There is no law which says that it is a compelling rea

Tumanggi si President-elect Rodrigo Duterte na bigyan si Vice President-elect Leni Robredo ng anumang posisyon sa kanyang gabinete.

Ito ay sa kadahilanang bukod sa magkaiba raw sila ng partido ay sadyang malapit umano si Duterte kay Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Pahayag ni Duterte, “Alam mo, wala ako talaga. I am non-committal ako diyan.

“You know why? Kilala ko si Bongbong Marcos. I do not want to hurt him.

“Si Leni, she should understand that she belongs to the opposite side.

“There is no law which says that it is a compelling reason for her to be a member of the Cabinet.”

Hindi kaila sa publiko na mahigpit na magkatunggali sina Robredo at Marcos para sa pagka-bise presidente noong May 9 election.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalmahan pa rin ng kampo ni Marcos ang diumano'y dayaang naganap noong halalan.

Sa ginanap na presscon ni Duterte sa Davao City kagabi, May 31, hindi niya nilinaw kung talaga bang pinal na ang kanyang desisyong hindi isama sa kanyang gabinete si Robredo.

Continue reading below ↓

Lalo na't hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkita mula nang maproklama silang pareho bilang nanalo.

Aniya, “We are still studying the script of the movie.”

Makikita ang buong video coverage ng presscon ni Duterte sa GMA News Online.

Gayunman, consistent si Duterte sa pagsasabing binibigyan niya umano ng halaga ang pagiging magkaalyado ng kanyang pamilya at ng pamilya Marcos, mula noong panahon ng panunungkulan ng yumaong ama ni Bongbong na si dating Presidente Ferdinand Marcos.

Tanong ng isang reporter, hindi ba tila lumalabas na mas inuuna niya ang interes ng pagkakaibigan kaysa pamumuno sa bayan?

Sagot ni Duterte, “Gusto mo talaga malaman? Kaibigan ko si Marcos. That is the political reality.

“Do you know that my father was a Cabinet member of the late father?

“And besides, I won sa Ilocos Norte. Tingnan mo na lang ang resulta sa Pilipinas kung saan ako natalo miserably.”

Nang tanungin kung ang tinutukoy niyang lugar kung saan kakaunti ang bumoto sa kanya ay sa Bicol, hindi nagbigay ng anumang komento ang president-elect.

Continue reading below ↓

Tinanong ulit si President-elect Duterte kung paano niya mailalarawan ang magiging pakikitungo niya kay Vice President-elect Robredo.

Sagot ni Duterte, na bahagyang iritable sa pangungulit sa kanya hinggil sa naturang isyu, “Probably like what is happening now between us. You wanted preposterous, I'll give you outlandish [statements].”

Ilang minuto ang nakalipas, naiba ang usapan sa presscon.

Ngunit sa huli ay iginiit ni Duterte na wala siyang nakikitang rason upang bigyan ng posisyon sa gabinete si Robredo.

“There is no compelling reason for me to accommodate the vice president. I’m sorry.

“I have said I have to take into account not only iyong ngayon na magkaiba ang partido namin, I said, the political alliances between me, my family, and the family of Bongbong.

“In the beginning, alam ko na maski hindi ko siya kandidato, Duterte talaga sila.

“It was Mrs. [Imelda] Marcos who insisted on it. Alam niya, alam niya ang istorya, e.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Alam mo, wala ako talaga. I am non-committal ako diyan. You know why? Kilala ko si Bongbong Marcos. I do not want to hurt him. Si Leni, she should understand that she belongs to the opposite side. There is no law which says that it is a compelling rea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results