Isabelle Daza’s camp denies rumor linking TV host-actress to Dingdong Dantes

“Isabelle naman knows that Dingdong is very much involved with Marian [Rivera]. Who will get into a relationship when she knows that the other party is involved with someone? She’s educated and she was raised well so hindi siya gano’n,” says talent manager Leo Dominguez about his ward Isabelle Daza being linked to Dingdong Dantes.


Nagsalita na ang kampo ni Isabelle Daza bilang depensa sa mga lumalabas na balita tungkol sa pagli-link sa TV host-actress at sa aktor na si Dingdong Dantes.

May usap-usapan kasing ilang beses na raw nakitang magkasama sina Isabelle at Dingdong.

Ngunit agad itong pinabulaanan ng manager ni Isabelle na si Leo Dominguez nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang phone interview kahapon, October 4.

“That’s not true. They never went out together,” diin ni Leo.

“Isabelle is very busy, di ba? She just came from Jakarta, tapos she’s shooting a movie.

“Dingdong, I think, is even busier than her so I don’t think they will have the time to ano…

“At saka both of them are public figures.

“Si Dingdong, kilalang-kilala siya ng mga tao.

“Kapag lumabas sila, di ba, makikita ‘yon?

“I don’t even think that they went out and I know that they didn’t.

"Imposible yatang mangyari ‘yon.”

Nagkakilala sina Isabelle at Dingdong nang magkatrabaho sila sa isang episode ng dating weekend horror-comedy show ng GMA-7, ang Spooky Nights.

Pareho rin silang naging endorser ng consumer card ng isang kilalang clothing brand.

Paglilinaw pa ni Leo, “They met, they became friends, pero that’s about it.

“Isabelle naman knows that Dingdong is very much involved with Marian [Rivera].

“Who will get into a relationship when she knows that the other party is involved with someone?

“She’s educated and she was raised well so hindi siya gano’n.

Nabanggit din ni Leo na gusto sana ng ina ni Isabelle, ang veteran actress na si Gloria Diaz, na magsalita para sa kanyang anak. Pero pinigilan na lamang daw ng baguhang aktres ang ina.

Sabi ni Leo, “Actually, we were surprised with the news that are coming out. Isabelle and her mother Gloria are really surprised.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gloria really wants to talk in behalf of Isabel, pero sabi ni Isabel, huwag na lang patulan.

"Di ba, it’s not true, e, parang ayaw naman namin na lumaki pa ‘yan.”



ISABELLE CAN HANDLE WARS. Halos ganito rin ang sinabi ng ina ni Isabelle na si Gloria Diaz sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News noong Martes, October 2.

Sabi ng dating Miss Universe, “[Isabelle] is not the type to get somebody else’s boyfriend. Hindi siya yung tipong ganun, e, nang-aagaw."

Kaugnay nito, naniniwala si Gloria na handa ang anak niyang si Isabelle sa anumang “possible war” na maaaring idulot ng pagkaka-link ng anak kay Dingdong.

Nabalita na kasi noon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng girlfriend ni Dingdong na si Marian at ilang female celebrities na na-link sa aktor.

Kaugnay nito, may pakiusap si Gloria sa publiko:

"Huwag lang sana siya [Isabelle] awayin ng kung sinu-sino diyan.

"Kasi hindi niya kaya ’yan, mababa ang luha ni Belle, e, baka mapaiyak. Kasi she’s really like that.

“She’s very sensitive, and she’s not the type. Hindi siya sanay sa bakbakan.”



AT THE PEAK OF HAPPINESS. Samantala, sa nakaraang panayam ng PEP kay Dingdong, kapansin-pansin na tila hindi apektado ng mga intriga ang relasyon nila ni Marian.

Sa katunayan, sinabi pa ng Kapuso actor na kasalukuyang nasa “peak of happiness” ang relasyon nila ngayon.

“We’ve never been this happy,” ani Dingdong

“Parang ngayon, nagsi-sink in ang lahat dahil mas mature kami ngayon. Ang dami nang napagdaanan, ang saya lang ng feeling.

“I can say pareho kaming secure.

“Parang kasi siyempre, sa umpisa, hindi naman ganun kaperpekto.

"Pero you know, along the way, kapag marami na kayong pinagdaanan, mas magiging matatag ‘yan and security is one of those definitely.”

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN